3. JUST A PUPPY LOVE

383 15 3
                                    


Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Yoko nang araw na iyon. Kinakabahan siya dahil sa walang kasiguraduhang kahahantungan ng pagpapakasal nila. Gayunpaman ay masaya pa rin siya dahil magiging Mrs. Faye Peraya Malisorn na siya, at doon na magsisimula ang katuparan ng mga pangarap niya kasama ang taong pinakamamahal.

"I now pronounce both of you as wives." sabi nang judge na nagkasal sa kanila.
"You may kiss each other now." dugtong pa nito.

Labis ang naramdaman niyang kaba dahil hindi pa siya kailanman nahalikan. Palibhasa ay hindi siya nagkaroon ng relasyon sa iba dahil na rin sa lubos na pagmamahal niya kay Faye. Hindi niya magawang ibaling sa iba ang atensiyon at pagmamahal niya, ni hindi niya magawang humanga sa ibang babae dahil si Faye lang ang nasa isip at puso niya.

Hindi na nga lang niya ito kinukulit nang naging nobya nito si Jennie. Kahit naman kasi patay na patay siya kay Faye ay hindi niya magagawang manira ng relasyon, lalo't alam niyang wala naman siyang mapapala sa best friend ng Tito niya. Simula't sapul kase ay naging tapat na ito sa kanya nang minsang magtapat siya nang nararamdaman.

"Bata ka pa, Yo. Puppy love lang iyang nararamdaman mo kaya magagawa mo pa iyang ibaling sa iba. Sa lalaki. Huwag kang magmadali." nakangiting sabi ni Faye.

"Pwede ba P'Fai . I'm already eighteen okay? Alam ko totoo tong nararamdaman ko para sa'yo at hindi ito basta puppy love lang. Kung lalaki ang gusto ko, sana noon pa man naramdaman ko na sakanila tong nararamdaman ko para sayo." nakalabing turan niya. Hindi niya talaga to tinatawag na Tita kahit na pinagsasabihan siya nito at ng Tito niya mismo. May crush na kase siya kay Faye sa simula pa lang, At hindi niya iyon itinatago kahit pa sa Tito niya.

"Well, let me be honest with you, then. Pamangkin ka ni Rafael at wala akong planong sirain ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa ikinikumpisal mong puppy love, Yo. Isa pa, I'm really not attracted to you." anito sabay ng animo paglunok habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Nasaktan man sa narinig ay nilakasan pa rin ni Yoko ang loob niya. "Hindi ako naniniwala." maktol niya.
"Sweet ka naman sakin ah! At saka you care for me and I feel that" giit pa niya.

"Thats because youre also a sweetest girl Yo. Kahit sino hindi maiiwasang maging extra sweet at maging protective sayo." paliwanag nito.

Totoo ang sinabi ni Faye, she was really sweet. Pinalaki kasi siyang ganoon ng mga magulang nila. Parati siyang nilalambing ng mga ito pati na ng Tito niya. Kaya nakuha rin niya ang attributes ng kapamilya.

"Eh, bakit di mo ko magawang mahalin kung taglay ko naman pala ang katangiang binanggit mo?"

"Siyempre mahal kita, dahil na rin sa pamangkin ka ng kaibigan ko." mapagpasensyang pahayag ni Faye na binigyang diin pa ang huling binangggit na salita.

Sa kabila ng mga sinabi nito sa pag uusap nilang iyon ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Yoko sa kanyang nararamdaman kaya wala pa rin siyang sinagot sa mga manliligaw niya kahit gaano pa kagwapo ang mga ito at kahit gaano pa kasugid kung manligaw.

Isang mabilisang halik ang pumukaw kay Yoko sa paglalakbay ng kanyang diwa.

Sayang!

Di ko tuloy na-enjoy ang halik niya sa akin. Hmp! Kung bakit ba kase napakabilis ng halik niya. Next time na nga lang.. May honeymoon pa naman mamaya, pilyang sabi niya sa sarili na ikinangiti na rin niya.

Pagkatapos ng sandaling selebrasyon kasama ang ama ni Faye, ng Tito at Jennie ay bumalik na rin agad sila sa normal routine ng araw na iyon. At nang mabilisang makauwi ay dumiretso na sila sa bahay ng asawa. Na simula ngayon ay magiging bahay na rin niya.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon