Kinabukasan ay sinadyang late umuwi ni Faye ng gabing iyon. Pinag-iisipan niya kasi ang mga sinabi ng kanyang ina.
Handa na nga ba siyang makalimot? Magpatawad?
Ah ! I dont know ! I still don't know if I can already do those ..
Hindi niya inaasahang gising pa rin si Yoko . Sinalubong siya nito sa pintuan at inabot ang kanyang gamit.
"Bakit gising ka pa ?'' tanong niya habang paakyat na sila sa kuwarto.
"Hinintay talaga kita. Bakit nga pala ang tagal mong umuwi?''
"May biglaang meeting kanina. I need to go to Dubai tommorrow.''
Nagulantang si Yoko sa narinig. Biglaan nga naman kasi ang sinabi niyang pag-alis.
"Bakit naman agad-agad?''
"Biglaang meeting nga kasi Di ba ?'' sarkastik ma sagot ni Faye.
"Galit pa rin kaya siya sa akin?'' Piping tanong niya sa sarili.
Bahagya siyang nilingon ni Faye bago muling nagsalita. Wala na ang bahagyang pagkainis sa mukha nito at animo umamo pa nang kaunti ang aura.
"I need to close a deal there,'' Anito habang papunta sa banyo.
Umupo nalang siya sa kama habang hinihintay ang asawa.
"Ilang araw ka naman kaya niyan doon?'' Tanong niya nang lumabas na ito ng banyo."One week.''
"Ang tagal naman.''
Humiga na si Faye at hindi na siya sinagot kaya humiga na rin si Yoko hanggang sa nakatulugan na ang pag-iisip tungkol sa pag-alis ng asawa.
____
"I need to go, Ikaw munang bahala dito sa bahay.'' ani Faye.
"Okay, mag-iingat ka sa biyahe, At saka, tumawag ka agad pagdating mo doon ha."
Hindi maiwasang malungkot ni Yoko. Dahil isang linggo ring mawawala ang asawa. Kahit hindi siya kinakausap masyado ay sanay na siya sa presensiya nito, Sanay na siyang katabi itong matulog at kumain kapag hapunan. Tiyak na mami-miss niya ito nang sobra.
"Yeah, I will sige.'' Akmang tatalikod na ang asawa niya kaya tinawag niya ito.
"P'Faye..'' Paglingon ni Faye ay lumapit agad siya at saka ito siniil ng halik na tinugon naman nito.
"I'll miss you, tatawagan kita palagi.''Tinanguan lang siya nito at pumasok na sa sasakyan. Nang ini-start na iyon ay kinuha niya uli ang pansin nito.
"Faye, Mahal kita. Mag-iingat ka!''
Matapos ang kanyang sinabi ay pinaandar na ni Faye ang kotse at umalis na. Nakatayo pa rin si Yoko sa may gate at tinatanaw ang sasakyan nito palayo.
Mamimiss mo rin kaya ako?
Bumuntong-hininga na lang siya at pumasok na sa bahay nang hindi na niya matanaw ang sasakya ng asawa.
____
Habang papalayo ang kotse ay hindi maiwasan ni Faye na tumingin sa side mirror hanggang sa hindi na niya matanaw si Yoko. Hindi niya maintindihan ang sarili. Pakiwari ay ayaw na niyang umalis nang makita ang lungkot sa mukha ng asawa. Hindi rin niya napigilan ang sariling tugunin nang mapusok ang halik nito.
I really need this break, I need to clear things. Sukat sa mga naisip ay ibinaling na lang ni Faye sa deal na kailangan niyang i-close sa Dubai.
Nang nasa Dubai na siya ay sobra-sobrang pagpipigil ang kanyang ginawa para hindi tawagan si Yoko. In-off niya rin muna ang cellphone pra hindi siya nito matawagan. She needed to get her out of her mind for a while kung hindi ay mabubulilyaso ang trabahong ipinunta niya roon.
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanfictionFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.