5. SOMETIMES

669 20 2
                                    

Nang makaalis na si Faye papuntang opisina, kinabukasan ay naisipan ni Yoko na bisitahin ang ama nito. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap noong araw ng kasal dahil saglit lang silang magkasama sa reception. Medyo close pa naman siya sa ama ni Faye . Magmula kasi nang pumanaw ang mga magulang ay ito at ang ina ni Faye ang tumayong mga magulang niya. Nais niyang ring malaman kung galit din ba ito sa kanya, sa kanila ng Tito niya dahil sa nagawa ng huli sa anak nito.

Nagpahatid siya sa driver nila sa bahay ng biyenan bago magtanghali. Hindi na kasi ito nag-oopisina dahil nga malapit na rin naman itong magretiro.

"Yoko, hija. Napasyal ka?'' bungad nito sa kanya.

Humalik na muna siya sa pisngi nito bago sumagot.
"Pasensiya na po kayo kung bakit hindi ako nakapag-abiso na pupunta ako rito 'Pa. Biglaan lang kasi.''

"It's Okay. Wala rin naman akong importanteng magawa rito sa bahay. Mabuti nga't nadalaw ka at naiinip na ako rito. Parang gusto ko tuloy uli bumalik sa opisina,''Pagbibiro pa ng matandang lalaki.

Hindi ganoon ang trato ng matandang Peraya sa ibang tao. He was usually cold ang typically brutal, Lalo na pagdating sa negosyo. Sa katunayan ay kahit sa anak nitong si Faye ay medyo malamig din ang pakikitungo nito. Kaya masarap sa pakiramdam na medyo lumalambot ang pakikitungo ng matanda pagdating sa kanya.

"Naku , Tama po ang desisyon ninyong magretired na. Kung ako po sa inyo , i-enjoy na lang po ninyo ang buhay ngayong hindi nyo na kailangang pumunta sa opisina." sabi niya pagkatapos ay sabay na silang umupo ng sofa sa sala ng napakalaking bahay nito.

Nag-iisa na lang ang matandang Peraya doon dahil isang buwan bago naghiwalay sina Faye at Jennie ay umalis ang asawa nito at bigla na lang iniwan ang mag-ama sa hindi nila malamang dahilan.

"O siya, siya. Sinusubukan ko lang naman kayo kulitin.'' tumawa pa ito.

"Siya nga pala, Ano't napadpad ka bigla ? May sadya ka ba talaga o namimiss mo lang ang matanda?''

Napangiti si Yoko sa sinabi nito.
"Ikaw talaga Papa..'' Umiiling-iling na lang siya. Aside from missing you, I just wanted to know if you're mad at me , at us.'' Sumeryoso na siya.

Tila nagtaka naman ito sa sinabi niya.

"Mad? Why would I even mad at you? At sinong us ba ang tinitukoy mo?''

Napayuko si Yoko bago sumagot.
"Sa'min po ni Tito, Dahil sa nagawa ni Tito kay Faye.'' Hindi na rin niya magawang itaas ang tingin. Nilukuban kase siya ng malaking hiya para sa kapatid niya.

Faye's Family was there for them all throughout when her parents died in a plane crash. They helped them with their business. And most especially, They had been a family to them. Kaya hiyang-hiya siya ngayon dito.

Ilang saglit din ang lumipas bago sumagot ang biyenan.

"Yo , I know my daughter and your uncle. I know that they care for each other so much like real siblings. Kaya sigurado akong bago iyon nagawa ng Kuya mo ay ikinonsidera na niya ang lahat-lahat, Ganoon din si Jennie. I've known her quite well, too. And I know that she is a good lady like you. Now, you might not be able to believe me, but I know my daughter quite well, as well." Narinig niyang tila nagbitaw ito ng mahinang tawa kaya napaangat ang mukha niya.

"She's tough one. Alam kong kakayanin niya iyon, At kita mo nga? She's now married to you.'' Nakangiti ito nang sabihin iyon.

Nang maalala ang pagiging kasal niya kay Faye ay hindi maiwasang maging malungkot ni Yoko. Napangiti siya ng pilit at hindi iyon nakaligtas sa pansin ng matanda.

"Is there something wrong hija?''

Pinilit ni Yoko na gawing natural ang ngiti niya.
"Wala, Papa.'' Umiling-iling siya.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon