4. COLD TREATMENT

555 20 2
                                    


Naunang nagising si Faye kay Yoko kinabukasan kung kaya siya lang ang nakakaalam na nakayakap siya sa baywang ng asawa habang nakatihaya ito ng higa.

Kaya naman maingat niyang itinaas ang braso mula sa baywang nito para hindi ito magising pagkatapos ay bumangon na siya at naligo para maghanda sa pagpasok sa opisina.

Paglabas niya ng banyo ay wala na rin ang asawa sa kama. Nagmadali na siyang kumilos para hindi siya ma late sa opisina. Pagkababa niya sa kusina ay doon niya naabutan si Yoko.

"Good morning P'Fai, halika, mag-almusal tayo. May inihanda na rin akong kape para sa'yo. Ang aga mo palang gumising, mabuti na lang at naalimpungatan ako nang wala ka na sa higaan. Kung hindi baka tulog pa ako hanggang ngayon," Mahabang lintanya kay Faye ni Yoko habang inilalagay ang kapeng tinimpla sa nakahanda nang mesa.

Umupo na rin si Faye at inabot ang kapeng inilagay nito.

"Yeah. We have a meeting this morning," aniya habang humihigop ng kape. Nagustuhan niya ang timpla nito. Wala naman siya regulasyon sa pagtitimpla ng kape kagaya ng ibang tao. Kung ano ang pagkakagawa ni Manang Mercedes o ng sekretarya niya ay iyon na ang iniinom niya. Kaya nga ganoon na lang ang kanyang pagkamangha nang magustuhan niya ang Kapeng tinimpla ni Yoko.

Pagkatapos magkape ay tumayo na siya, kinuha ang kanyang bag na siyang kinalalagyan ng kanyang laptop pagkatapos ay nagpaalam na rito.

"Aalis na ako."

"Teka, hindi ka pa nag-aagahan. kumain ka muna. Pinaghirapan ko pa namang iluto ang mga iyan di ba Manang Mercedes?" Tila magkasundong-magkasundo na ito at si Manang Mercedes which amazed her.

Well hindi na iyan nakakapagtaka sa ugali ni Yoko. She's a nice girl, sabi niya sa isip.

"Oo nga po Ma'am . Naku ! Hindi po talaga nagpatulong si Ma'am Yoko sa pagluluto niyan." pangungumbinsi naman ng kasambahay nila.

Tiningnan niya ang mga pagkain na nakahain sa mesa. May omelete na parang espesyal na hitsura, fried dried fish, garlic rice at sawsawang may kamatis na may sibuyas dahilan para magdalawang-isip siyang umalis.

Hindi nagugustuhan ni Faye ang reaksiyon sa mga pagkaing nakahain. Tila hinahatak siya nito uli paupo sa mesa at kumain. Ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan niyang umalis, kaya naman tinalikuran na lang niya ang mesa at isinuot ang kanyang blazer, saka nagsalita.

"I have an early meeting kaya hindi ako pwedeng matagalan. Saka hindi ako nag-aalmusal, kaya huwag ka nang mag-abalang ipagluto ako sa susunod." Naisip niyang irason, ayaw kase niyang masanay sa mga ginagawa nito bilang may-bahay niya. Lumakad na siya papunta sa pinto at iniwang nakatayo at nakamaang si Yoko at Manang Mercedes.

______

"Sayang naman ang mga pagkain,"wika ni Yoko nang mahimasmasan nang iwan sila ni Faye.

"Halika Manang, sabayan nyo na akong kumain. Kaunti na lang ang ihahanda ko bukas hindi naman pala siya nag-aagahan.'' nakangusong turan niya habang  nakaupo na at nagsisimula nang maglagay ng pagkain sa plato niya .

"Naku, hindi po totoo iyan, Ma'am. Palagi pong nag-aalmusal si Ma'am Faye kasi nga po parating atrasado na sila kung magtanghalian sa opisina. Nagtaka nga po ako sa sinabi niya kanina eh.'' Sabi ni Manang Mercedes habang nakaupo na at nagsisimula na ring kumain.

Sukat sa sinabi nito ay may nabuong ideya sa isip niya. "Ganoon po ba? Kung ganoon ay magluluto po ako uli bukas pero huwag nyo na lang sabihing ako ang nagluto. Hayaan nyong isipin niyang kayo po ang nagluto.''

Baka ayaw lang niyang kumain kanina kasi alam niyang ako ang nagluto, malungkot na wika ni Yoko sa sarili.

"Aba'y bakit naman po Ma'am?'' tila naguguluhang usisa ni Manang Mercedes.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon