9. TUG OF WAR

491 18 8
                                    

"Yo, can we talk ?" Gaya ng inaasahan niya ay naabutan niya si Yoko sa boutique nito.

Hindi siya inuwian ng asawa kagabi. At halos hindi rin siya nakatulog. Kaya nang makakuha ng tiyempo sa lunch ay pinuntahan niya ito hindi baling hindi na siya kumain mapabalik lang uli ang asawa.

Pinapasok siya nang mga staff ng boutique, pagkakita palang sakanya ay binati na agad siya ng mga ito. May idea na siguro ang mga ito kung sino siya sa buhay ni Yoko. Kilala rin naman siyang bestfriend ng Uncle nito, minus na lang na iba na ang sitwasyon nilang magkaibigan ngayon. Mainam na rin naman iyon dahil tiyak na kung hindi siya kilala ng buong staff sa boutique, siguradong hindi naman siya papapasukin sa opisina nito.

Halata naman ang pag-iwas ng asawa. Kung kanina ay nakatutok lang ang mga mata nito sa monitor ng laptop nito, ngayon ay kung anik-anik ang inayos sa ibabaw ng mesa nito.

"Bakit nandito ka, wala ka bang meeting ?" wala sa loob na sagot nito. Hindi man lang siya magawang tapunan ng tingin ng asawa.

Labis ang pangungulila niya rito. Di yata hindi angkop ang kanyang nararamdaman. Hindi nga ba't kahapon lang naman hindi umuwi si Yoko. Pero hindi man lang niya ito nagawang hanapin.

"We have to talk Yoko please--."Ni hindi man lang siya pinaunlakan maupo sa sofa ng opisina nito.

"Wag kang mag-alala P'Faye, nakausap ko na ang lawyer ko. Kung divorce rin lang naman ang pag-uusapan natin, walang problema. Kaya pwede bang umalis ka na? Putol ni Yoko sa mga dapat niya pang sabihin. At parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa tinuran nito.

Pinuntahan niya ito para humingi ng paumanhin sa lahat ng sinabi niya rito kahapon. Wala at malayo sa isip niya ang sinasabi nito ngayon.

"I just want to say sorry sa mga nasabi ko sayo kahapon. I'm sorry Yo, it's just im furstrated that time." seryoso niyang sagot dito. Ang isiping makikipaghiwalay na ito sa kanya ay malayo sa kanyang hinuha . Ganon siya katiwala sa pagmamahal ni Yoko. hindi niya kailanman naisip na ito mismo ang makikipaghiwalay sa kanya.

Sasagot pa sana ang huli nang tumunog ang intercom sa office table ng asawa. Sinagot naman ito ni Yoko

"Ma'am , andito po si Ma'am Anda. Remind ko lang po na may meeting pa kayo."

Sukat sa narinig na iyon ni Faye, ay tila binalot siya ng kakaibang emosyon. Emosyon na hindi niya maipaliwanag.

So kaya ba minamadali ni Yoko ang pakikipagdivorce sakin para maging malaya sila ng unggoy na yon ?

''Please excuse me pero busy ako ngayon P'Faye, wala akong alam sa pag-oopisina pero abala ako ngayon, bumalik ka na rin sa opisina mo malamang kailangan ka na nila don."
Pagtataboy sa kanya ng asawa. Na may halong sarkastiko.

Masakit pala. Yung pakiramdam na ayaw kang makausap ng taong mahal mo ? Yung pinagtatabuyan ka.
Mahal ? No way ! Hindi mo siya mahal ! Tandaan mong hihingi ka lang ng tawad sa mga ginawa mo. Yun lang yon.

Kibit-balika siyang lumabas ng opisina ng asawa. Sa labas ay naabutan niya pa ang unggoy.
Tila nagulat pa ito ng makita siya, Ngunit nagbago ang eskpresyon ng mukha nito nang makalapit siya , wala naman siyang choice kundi dumaan sa harap nito.

"Faye, andito ka pala. Pasensya ka na nga pala sa---"

"Umalis ka sa daraanan ko bago mo tuluyang masira ang araw ko!" yung disappointment na nararamdaman niya ay dito niya naibuhos, bastos na kung bastos anong gagawin niya , nagseselos siya.

Naririnig mo ba ang sarili mo ?
Anong selos ? Bakit ka nagseselos?
Hindi mo dapat yan nararamdaman.

Hindi naman na umimik ang huli at tuluyan na siyang umalis ng establisyamento. Habang nagpupuyos ang damdamin dahil tila ba wala nang amor sakanya ang kanyang asawa.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon