"Yo, can we talk now?" Tanong ni Faye sa asawa habang nagkakape silang dalawa. Ito mismo ang nagtimpla para sa kanya.Natigilan siya.
Iniiwasan niyang magkausap sila ni Faye dahil alam niyang anumang oras ay imumungkahi na nito ang pagpapalaya sa kanya .
Bakit hindi? Siyempre ay para maging malaya ito at ang babae niya makagalaw. At siya malaya na,
aanhin niya ang pagiging malaya kung tuluyan nang hindi mapapasa kanya si Faye.
Nanaiisin niya bang maging malaya? Para saan?
Lahat ba ng paghihirap niya ay mapupunta sa wala?Hindi siya papayag.
Kung kaya habang hindi pa siya nakakaisip ng paraan para hindi siya nito kausapin ukol sa hiwalayan, iiwas at iiwas muna siya. Bahala na, Kung bakit ba kase kahit anong sarap kaniig ng kanyang asawa ay hindi basta siya nito mabuntis. Hello kase pareho kayong babae. Sagot agad ng kabilang panig ng isip niya.
Tama! Kailangan na nilang magkaanak ni Faye para magdalawang isip ito na iwan siya at huwag piliin ang kabit nito.
Haist ! Pero pano naman? Uso ang artificial insemination pero hindi niya iyon magagawa kung siya lang ang may gusto.
Iiling-iling siya sa sariling naisip."Pag uwi mo nalang mamaya P'Faye, Maaga ka nalang umuwi.'' Alibi niya.
"Bakit hindi nalang ngayon? Dapat nga kagabi pa tayo nag-usap eh." sagot nito .
"P'Faye mala-late ka kung ipipilit mo yang gusto mo, Sige na mag-asikaso kana."
Hindi naman siya sinuway nang asawa.
Nang makaalis ito ay minabuti na muna niyang dalawin ang Ama ni Faye. Sakto naman kasing umalis ang ina nito dahil may importante daw itong pupuntahan.
''Hija, nawiwili ka yata sa pagpunta rito. baka naman pagselosan na ako ng asawa mo niyan.'' Tumawa pa ito nang malakas pagkatapos ng sinabi. Pero hindi siya natawa dahil alam niyang walang sinuman na pagseselosan ang asawa niya. Magagalit pa siguro oo. Dahil ayaw nitong niloloko ito. Pero selos? Paano naman mangyayari iyon, hindi naman siya mahal ng asawa niya.
Napansin ng matandang lalaki ang naging reaksiyon niya.
"Hija, is there something you want to tell me?"
Binigyang ito ni Yoko ng isang matipid na ngiti.
"Definitely Pa." pinilit niyang pasiglahin ang tinig.
"Alam nyo bang nasa bahay si Mama?" sa nabanggit ay animo nagulat ito. Sa nakitang reaksyon nito ay natutop niya ang bibig.
"Oh my ! So you really didnt know? Kaya pala ni hindi ka man lang bumisita roon."
Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at tumanaw sa labas papunta sa veranda.
"Kailan lang siya bumalik?"
"Just a few weeks ago Pa. Hindi ba kayo sinabihan ni P'Faye?"
Umiling-iling ito bilang sagot.
"How is she?" tanong nito pagkaraan.
"She looks good Pa. She's blooming actually.''
Napalingon ito sa kanya.
"Do you think she's seeing another guy?""Pa?!" Napakaimposible ng sinabi nito.
"Pwede namang maging blooming ang babae dahil naging masaya ang bakasyon niya. Hindi naman kailangang dahil iyon sa sinoman. Baka naman nakapag-relax lang si Mama sa ginawa niyang pag-alis kaya mas magaan ba ang aura niya ngayon."
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanfictionFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.