Tama ang hinala ni Faye sa pagbisita sa kanya ni Apple. Tinangka siya nitong akitin. Nagulat na lang siya nang bigla itong umupo sa kandungan niya at sinunggaban siya ng halik. Ngunit kahit anong gawin nitong pang-aakit ay hindi rumiresponde ang kanyang katawan.
Nang magkaroon ng pagkakataon ay nailayo niya si Apple sa kanyang katawan. She reminded her that she was already married. Pero wala raw itong pakialam. Sinabihan na lang niya ito na may meeting siya ilang minuto mula nang dumating ito, saka animo parang napahiya sa disimulado niyang pagpapaalis dito. Hindi siya naapektuhan sa panse-seduce ni Apple samantala nang makita niya si Yoko ngayon na nakasimpleng bestida lang ay nag-init na agad siya.
Nagagalak siyang inuwian na siya nang asawa. Kagabi ay hindi siya umuwi dahil paniguradong hindi rin siya mkakatulog kakaisip kay Yoko at Anda kung kaya minabuti nalang niyang sa opisina niya magpalipas ng sama ng loob.
Malinaw sa kanya na may relasyon si Anda at Yoko. Hindi niya masisi ang asawa kung maghanap ito ng ibang taong mamahalin dahil kahit kailan hindi naman niya naparamdam ang totoong pagmamahal sa asawa.
She shouldve learned how to respect Yoko. Tama si Anda, at nasaktan siya sa mga sinabi nito. Truth really hurts. Grabe na marahil ang pagdurusa sa kanya ni Yoko kaya sinukuan na nito ang pagmamahal sakanya. Hindi niya ito masisisi, masakit ang kaalamang may namamagitan kay Anda at sa kanyang asawa. Pero wala naman siyang karapatan masaktan dahil una palang, siya na ang nagbigay ng dahilan sa asawa para sumuko, siya itong hindi nagpahalaga sa asawa. Kaya masisisi niya ba si Yoko kung tuluyan na itong napaibig ni Anda? samantalang siya na asawa nito ay pulos pasakit lang ang handog kay Yoko.
She really dont deserve you.
Yoko deserve much better person at hindi ikaw iyon !Sa buong magdamag niya sa opisina ay pinapagalitan lang niya ang kanyang sarili. Kaya naman hindi na rin niya inexpect na uuwian pa siya nito sa kabila nang lahat.
Mahimbing itong nakapikit at nakasandal ng bahagya sa kama nilang mag-asawa at sa wari ay nakatulugan ang binabasa nitong libro.
Yoko is so hot and pretty. Noon pa man magpahanggang ngayon ay hindi niya maitatwa sa sarili nagagandahan siya rito at nacu-cute-tan. Aminin man niya o hindi noon pa man ay natutukso na siya rito lalo na nang magtapat ito ng pagmamahal sa kanya. ngani-nganing yakapin niya ito pero kinonsidera pa rin niya ang pagiging magkaibigan nila ni Rafael. Hanggat maaari ay nilayuan niya si Yoko, ayaw niyang abusuhin ang munting pagmamahal sakanya nito.
Napalunok siya ng bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng asawa. Tila kay sarap nitong halikan. Parang nag-init bigla ang dalawa niyang pisngi sa kaisipang iyon.
Sinubukan niyang pawiin ang init na kanyang mararmdaman sa pamamagitan ng pagligo ngunit walang naging epekto iyon. Sa halip ay lalo lang siyang nag-init nang maisip na kasabay niyang naliligo ang asawa. Hindi pa kase nila gawawa iyon.
Oh well, this isnt good anymore, hindi na ito madadala ng paligo ligo lang. iiling iling pa siya sa realisyasyong iyon.
Nang lumabas siya nang banyo ay nagising na ito .
"Kumain ka na ba? pinaghanda kita kay Manang Mercedes ng hapunan.''
"Salamat pero busog pa ko. Kumain na kami sa restaurant ng kameeting ko bago umuwi."
Sagot niya sa asawa.Nagkibit balikat lang naman at bumalik na sa pagkakahiga para makapagpahinga, marahil ay napagod ang kanyang asawa sa maghapong inilagi nito sa shop nito.
Parang siyang sira dahil ganon pa man, Nang makahiga ay hinintay niyang lapitan siya ni Yoko at dampian ng halik kagaya ng ginagawa nito bago matulog ngunit hindi naman siya pinansin ng asawa.
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanfictionFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.