Chapter 32: Painful goodbye

59 6 0
                                    

Third Person's POV

Unti-unting iminulat ni Daine Ang kanyang mga mata, napahawak siya sa ulo niya dahil ramdam niyang masakit ito. Sinubukan niyang tumayo Ngunit natumba siya dahil narin sa epekto Ng gamot na naamoy Niya, idagdag mo pa Ang naka posas niyang mga kamay at paa na animo'y isang bilanggo

Pilit niyang pinapatatag Ang kanyang loob Ng mapagtanto at maalala Niya Kung ano Ang huling nangyari bago siya mawalan Ng malay, pinigilan Niya Ang umiyak kahit gusto Ng lumuha ng kanyang mga mata

"Adrious..." pangalan Ng kanyang kasintahan Ang kanyang unang binanggit "kailangan Kita, iligtas mo ako Mahal ko" umaasa siya na ano mang oras ay dadating Ang kanyang kasintahan. Hanggang ngayon ay pinahahawakan padin Ng dalaga Ang pangako ni Adrious sa kanya

Pangako na kailanman ay lagi siyang darating para iligtas siya, pangako na ano mang mangyari ay po-protektahan Niya at iingatan ang dalaga. Hindi Niya hahayaan na may manakit Kay Daine, at kahit na kamàtayan ay hindi Niya katatakutan oras na saktan nino man ang babaeng kanyang minamahal

Napatingin siya sa pinto Ng may pumasok dito, isang lalaki na may dalang tray at naglalaman Ng masasarap na pagkain. Hindi Niya ipinakita na natatakot siya bagkos ipinakita Niya na matapang siya "Sinong may Sabi na dalhan niyo'ko niyan?" sakrastikong Sabi nito

"si boss" inilapag Ng lalaki ang tray sa tabi ni Daine "kumain kana"

"bobô kaba o bulag? hindi mo ba nakikita? naka posas ang kamay ko Kaya paano ako makakakain?" tinarayan Niya Ang lalaki, Hindi Naman nag atubili Ang lalaki na tanggalin sa pagkaka posas si Daine dahil Alam Niya niya na walang magagawa at Hindi siya matatakasan Ng isang simpling babae

"kumain kana, wag kang puro reklamo" badtrip na Sabi Ng lalaki sabay sindi Ng sigarilyo

Napa-paypay si Daine gamit Ang kanyang kamay at nagkunwaring na iinitan "ang cheap niyo Naman, Ang dami daming Lugar dito sa pilipinas dito niyo pa talaga ako naisipang dalhin" kunot noo siyang tiningnan Ng dalawang lalaki. Tumayo siya at eleganteng naglakad palapit sa pader, ipinahid Niya Ang daliri niya Doon pagkatapos pailing-iling na humarap sa Lalaki

"tsk, Hindi ako satisfy Napakadumi, Hindi manlang ba ninyo naisipang maglinis?"

"pare may saltik yata" bulong Ng isang lalaki sa kasama niya "siguro, parang galing mental. Bakit Kaya nagka-interest diyaan si Boss?"

"Marites here, marites there, marites everywhere" umupo si Daine sa kama at naka-dikwatrong tinikman Ang pagkain "ewww, Hindi masarap. Mag luluto nalang Hindi pa ayos, kulang sa asin" napakuyom kamao Ang isang lalaki, lumapit ito Kay Daine at akmang sasampalin. Natigilan siya Ng taasan lang ito ni Daine Ng kilay

"bakit galit ka? Natamaan ka ano? Ikaw ba yong nagluto? Ay sorry Naman ha, Hindi Kasi masarap" pakutyang Sabi nito, umakto siyang maarte, mataray at maldita sa harap Ng dalawang lalaki

"ang init, Ang cheap niyo talaga Hindi manlang kayo nagpabili sa boss niyo Ng electricfan. Wala ba kayong pangbayad Ng koryente?" nagtinginan muli Ang dalawang Lalaki, gigil na gigil at punong puno Ng pagtitimpi

Susubo Sana siya Ng pagkain Ngunit natigilan siya Ng mapansing nakatitig sa kanya Ang dalawang lalaki, masama at nakamamatay Ang tingin "anong tinitingin-tingin niyo? Dukatin ko Kaya yang mga mata niyo" narinig Niya Ang pagkasa Ng baril Ng isang lalaki Ngunit sa halip na matakot si Daine ay ngumisi pa ito

"bw*sit Kang babae ka! Inu-ubos mo Ang pasenysa ko!" gigil na gigil na Sabi Ng lalaki at naglakad palapit Kay Daine ngunit pinigilan siya Ng kasama Niya dahil baka Kung anong magawa nito Kay Daine ngunit Hindi ito nag papagil

Lumapit ito Kay Daine at mabilis na tinutukan Ng baril sa ulo, taas noong tumayo si Daine at hinarap Ang lalaki "sige pàtayin mo'ko, tingan natin Kung Hindi magalit Ang boss mo, baka nga Mauna kapang ilibing kaysa saakin" natatawa nitong sambit, Ang Tapang Niya sa harap nila ngunit Ang totoo ay sinisidlan na siya Ng matindinding takot

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now