Pagkadating ko sa bahay ay nagtungo agad akong banyo para mag half bath dahil nanlalagkit na ako, pagkatapos noon ay sumampa ako sa kama at isinandal ang likod ko. Kinuha ko ang picture frame na naka lagay sa mini table, larawan namin 'yon ni Adrious kung saan unang beses na dinala niya ako doon sa lugar nila, doon sa bundok kung saan matatanaw ko ang lahat mula sa taasNapangiti ako at marahang hinaplos yoon, kung buhay pa siya, sana nasa tabi ko siya ngayon, kung hindi agad siya kinuha saakin ede sana tinutupad pa namin yong mga pangrap namin, wale eh, ang unfair. Pinanganak yata akong may dala-dalang sumpa
Pinahiran ko ang luhang namumuo sa mata ko at niyakap ang larawan, kung hindi lang siya namatay, siya sana yong yayakapin ko ngayon, mahal na mahal ko siya kaya hindi madali saakin ang kalimutan siya kahit anim na buwan na siyang patay, halos kalahating taon na din
Ang akala ko hindi ko kakayanin pero salamat sa Diyos dahil nakabangon ako, pero kahit ganon dala dala ko pa din yong sakit, nasa puso ko pa din at hindi basta basta nawawala, hindi ganon kadali
Napatingin ako sa bandang terrace ng may marinig akong katok mula doon, kahit na nakakaramdam ako ng kaba ay hindi ko nalang 'yon pinansin, tumayo ako at marahang naglakad patungong terrace, una kong hinawi ang kurtina kasunod noon ay binuksan ko ang glass wall, kumunot ang noo ko ng wala naman akong makitang tao, niyakap ko ang sarili ko dahil subrang lamig
Akala ko kung ano na, babalik na sana ako sa loob ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang rosas na nakalagay sa gilid
Lumapit ako dun at kinuha ito, hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil mahilig ako sa bulaklak, kanino naman kaya galing 'to? sino ang nag dala nito? napalingon-lingon muna ako sa paligid bago pumasok sa loob habang marahang inaamoy-amoy ang rosas
___
Maaga akong gumising at ginawa ang morning routine ko, saturday naman ngayon kaya I decided na 'wag na munang pumunta ng company besides nakaka stress I want to free and calm my mind muna
Naglakadlakad ako sa park, sa park kung saan una kong nakita at nakilala si Adrious, ang sarap balikan kung paano ako naging maldita sa kanya, kung paano niya ako iniligtas mula sa kamay ng mga taong gustong kumuha saakin
Habang naglalakad muli ay naramdaman ko na may matang nakatingin saakin, lumingon ako ngunit wala naman, nakaramdam na ako ng kaba ngunit binalewala ko nalang hanggang sa may lalaking tumakbo palapit saakin at inagaw yong bag ko, syempre hindi ako magpapatalo kaya naman pumalag ako
“What the fvck, stop! Get away from me”
“akin na wag ng maraming satsat” ginawa ko ang lahat ngunit kahit anong gawin ko malakas padin siya, tinulak niya ako na siyang naging dahilan para mapasubsub ako sa lupa at mapatama ang noo ko, hinawakan ko iyon at laking gulat ko ng may dugo akong makita
Hindi ko 'yon ininda bagkos tumayo ako at sinubukang habulin yong magnanakaw, nahihilo na'ko pero nagpatuloy padin ako, nakita kong pumunta ito sa isang gilid, dahil nga nanghihina na ako ay bumagal ang paglakad ko, napapahawak na ako sa mga pader para maalalayan ako at hindi matumba
Kahit kailan talaga Daine napaka pasaway mo! dapat kasi hindi mo na hinabol bw*sit!
Pumunta ako sa gilid na pinasukan niya at doon ay nakita ko ang magnanakaw na binubugbog ng isang lalaki, nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha
Nang makuha na ang bag ko ay humarap ito saakin, doon ay nakita kong muli yong lalaking nakasuot ng itim na maskara “ikaw...” salitang binitawan ko bago man labo ng tuluyan ang paningin ko, ngunit bago paman ako tuluyang bumagsak ay naramdaman ko na may brasong sumalo saakin
Ang lalaking nakasuot ng itim na maskara ang huli kong nasilayan bago ako mawalan ng malay
___
Nagising ako at mabilis na napahawak sa ulo ko, inilibot ko ang buong paningin ko, gayon nalamang ang pagkagulat ko ng mapagtantong nasa ibang lugar ako, kaninong bahay 'to?
YOU ARE READING
LOVE ME HARDER COMMANDER
Random"I was born for a purpose and the purpose is to love you" -Commander Raphael Adrious Guarshwin " I suppose to hate you, but i always feel safe when I'm with you" -Daine Leonor Ambersmith