EPILOGUE

181 15 2
                                    

DAINE POV

Mabilis akong lumapit kay Adrious, nag aalala ako para sa kanya. Nasaksak siya at patuloy sa pag tulo ang dugo niya "no, no, no" umiiling-iling na sabi ko ng mag simulang lumapit saamin si Gyusion habang hawak niya padin yong patalim

"please tama na, sumuko kana lang, tama na" pag mamakaawa ko at halos mabasag na ang boses ko pero ngumisi lang siya "sumuko?" na pa halakhak siya "hindi ako susuko hanggat nakikita kong buhay kayo, my father died and i won't stop hanggat nakikita ko kayong humihinga" tinadyakan niya si Adrious na ngayon ay hinang-hinang naka higa sa sahig dahil sa natamo niyang salsak, madami na din kasi ang dugong nawala sa kanya

Hindi ko kayang makita siyang ganito, nahihirapan at nasasaktan.

"ano ba, tama na!" humarang ako para hindi niya maituloy kung ano mang binabalak niya "kung galit ka sa'kin please ako nalang, wag mo na siyang idamay, gusto mong sumama ako sa'yo at gawin lahat ng gusto mo? sige gagawin ko wag mo lang siyang saktan, please" desperadang sabi ko habang nangingilid ang mga luha, ayaw kong mawala siya ng tuluyan.

I'm willing to sacrifice everything and give anything for the man that i love

"please nakiki usap ako"

"oww how sweet but sorry, it's to late. Pero kung gusto mo talagang iligtas ang pinakamamahal mong si Adrious" isang ngisi ang pinakawalan niya na siyang ikina iling ko, ano nanaman ang binabalak niya? napatingin ako sa hawak niyang patalim ng i-abot niya ito saakin

"kill yourself" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, kill myself? tumingin ako kay Adrious at ngumiti na siyang ikina iling niya ng ilang ulit "no, Daine. Wag mong gawin ya'n please i'm begging you" wika niya habang nakahawak sa tagiliran niyang dumudugo

Humalakhak si Gyusion at nakita ko sa mukha niya ang sayang nararamdaman niya, masaya siyang nakikitang nahihirapan kami. "kawawa naman kayo, two lovely birds"

"Daine, please no, wag mong gawin 'to, wag" halos mabasag ang boses niya habang sinasambit ang katagang 'yon, hinawakan niya pa ang kamay ko at tiningnan ako ng punong-puno ng pangungusap

I'm sorry but like him, handa akong mamatay para sa kanya. Hindi ako takot, wala ng tatakbo, wala ng buhay na dapat mawala pa dahil pag katapos ng gabing ito, matatapos na ang lahat

Hinaplos ko ang mukha niya habang may ngiti sa mga labi. Yong buhay niya, lakas at pag sasakripisyo ng dahil saakin ay hindi dapat masayang, kung nagawa niyang ingatan ako sa mahabang panahon, magagawa ko din 'yon ngayon

Hindi na niya kaya pang tumayo kaya oras na para ako naman ang lumaban para sa aming dalawa

"makinig ka saakin, inuutusan kita, wag mong gawin 'to" tumulo ang luha niya habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko"please baby, don't do this, alam mong ikaw ang buhay ko, ikaw ang puso ko at kapag nawala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko"

"trust me, i can handle it" binalingan ko si Gyusion na naka upo na sa swivel chair at nakangising pinag mamasdan kami "dalian niyo na, i'm waiting"

"Daine please no"

"shshshsh" inilagay ko ang gitnang daliri ko sa labi niya "like what you've said before, there is no reason to be afraid and don't let your fear be bigger than your confidence" wika ko

"but-" hinalikan ko siya bago ako tumayo at lumapit kay Gyusion, i need to this. Ayaw kong nahihirapan siya dahil nasasaktan lang ako.

"are you ready Daine?" nag lakad ako palapit sa kanya at ngumiti. Tumayo siya at lumapit din saakin, inilahad niya ang patalim kaya naman tiningnan ko siyang maigi. Kukunin ko na sana ngunit mabilis niya itong inilayo, mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at inikot, ngayon ay naka pwesto siya sa likuran ko habang nakatukod ang kamay ko sa desk table

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now