Chapter 37: His real identity

80 5 1
                                    

"anong nangyari dito?" tanong ko sa sarili ko ng pag pasok palang namin sa gate ng bahay ay nakita kong nakahilata yong mga guard, nag pasiya akong pumasok sa loob habang si Rhad naman ay nakasunod lang sa likuran ko

Pagpasok ko sa loob ay napakakalat, ang daming nakataob na gamit para kaming ninakawan, nagtungo kaming kusina, nakita ko ang mga kasambahay na nakatali at may busal ang mga bibig, mabilis akong lumapit sa kanila habang si Rhad naman ay kumuha ng kutsilyo "anong pong nangyari? ayos lang ho ba kayo?" tanong ko kay manang matapos kong tanggalin ang busal sa bibig niya

"may mga taong pumasok dito, may hinahanap sila, hija pumunta din sila sa kwarto mo" napatayo ako ng bigla kong maalala yong flashdrive

"ok kalang Daine?" tanong saakin ni Rhad matapos niyang kalagin ang lubid na nakatali sa kanila, hindi ko siya sinagot bagkos mabilis akong nagtungo sa kwarto ko

Pagpasok ko palang ay nakita ko na agad na nakataob yong kama ko, yong drawer at mga gamit ko ay nakakalat na sa sahig. Naglakad ako papasok habang si Rhad ay nakasunod padin saakin

Pati yong mga gamit na mababasagin binasag pa nila, napakasama nilang tao, pato yong picture ni daddy sinira!

"aray!" mabilis na lumapit saakin si Rhad "what happened?" tiningnan niya ang paa ko, nakaapak ako ng basag na vase, ang tanga ko kasi minsan ay, hindi manlang tumitingin sa dinadaanan

Itinayo niya yong isang upuan at inalalayan akong umupo doon "may first aid kaba dito?"

"ayon oh, nakataob na" itinuro ko yong first aid ko na nakakalat sa sahig, siguro ay pati yaan binuklat din nila pero hindi naman nila nakita yong hinahanap nila, mabilis siyang tumayo at kinuha yong first aid kit pagkatapos ay lumapit saakin, nilingon ko naman kung saan ko itinabi yong hinahanap nila, mabuti nalang at hindi nila naisipan na tingnan doon

Kahit naka suot ako ng sandals ay tumagos padin yong bubog kaya nasugat ako, dahan-dahan niyang tinanggal ang sandals ko at hinawakan ang paa ko, dumudugo ito at namamanhid, nilagyan niya yoon ng alcohol na ikinadaing ko "aray masakit"

"its ok, tiisin mo lang hmmm?" matapos ng ginawa niya saakin ay binalutan niya yong paa ko ng gasa

"ano bang kailangan nila sa'yo?"

"yong ibinigay saakin ni Olivia" kunot noo niya akong tiningnan "anong ibinigay niya sa'yo?"

"isang desk na may tatak na dragon yong cover tapos flashdrive"

"nasaan na yun? nakuha ba nila?"

"yong desk ay nakay Gyusion, tapos yong flashdrive ay nasaakin padin"

"pwede ko bang Makita?"

"no, wag muna, siyaka nalang"

"ok, I understand you" tumango siya siyaka tiningnan ulit ang paa ko, kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala "if you need some help, don't hesitate to approach me, you can trust me Daine"

Delikado na ang buhay ko, alam kong si Gyusion ang may pakana nito, sa pagkakataong ito hindi na takot ang nararamdaman ko sa kanya, nagagalit na ako, pati yong mga katulong na kasama ko dito sa bahay pinapakialaman niya

Adrious POV

"gusto kong malaman yong rason kung bakit hinalughog nila yong buong bahay nila Daine" I want to know kung anong meron sa desk at flashdrive na sinasabi niya, may ibinigay pala sa kanya si Olivia pero hindi manlang niya sinabi. Importante ang laman noon kaya ganon kagusto ng mga taong gustong makuha yoon na mahanap ito, ang tanong ay ano bang laman noon?

"Noted Commander" wika ni Kevin sa kabilang linya, alam din nila na buhay ako at pasimpli din nilang ini-imbistigahan si General Watson at ang anak niya pero wala silang makita na pwedeng gamitin laban sa kanila

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now