CHAPTER 38: Kiss giver

73 5 0
                                    


Ang saya ko ngayon, ang saya saya saya ko, ang sarap sa pakiramdam na yong taong matagal mo ng hindi nakasama at miss na miss mo na ng subra, ngayon ay nasa tabi mo na

Ang sarap sa pakiramdam na akala ko tuluyan nang gumuho at naglaho lahat ang mga pangarap ko, akala ko habang buhay akong magdaramdam at magdadalamhati dahil inakala kong patay na siya pero mali ako, hindi pala dahil buhay siya, buhay na buhay, nayayakap, nahahawakan at nakikita ko

Buhay si Adrious at ngayon ay nasa tabi ko siya, breathing, smiling and laughing with me. “done staring at me?” tanong niya, kanina pa kasi ako nakatitig sa kanya, hindi lang talaga ako makapaniwala na buhay pa siya at ngayon ay nayayakap ko na ulit

“masama bang titigan ang gwapo kong boyfriend?” he pull me closer to him, nakahiga kami ngayon sa iisang kama, oo natutulog kami sa iisang kama, maraming beses na but it doesn't mean na may nangyari na saamin, Adrious never think about touching me nor engaged love making with me and I'm lucky because i have a man like him, a man who always respect me as his woman

I ask him before kung paano niya napipigilan ang sarili niya, kung paano niya kino-control and his answer made me smile he said he love me so much at hindi siya gagawa ng ano mang bagay na hindi pa ako handa, ang laki ng respeto niya saakin, sa dinami dami ng lalaki sa mundo hindi ko inasahan na siya ang makikilala at mamahalin ko

“i love you” wika niya na puno ng paglalambing,  he kiss my forehead and stroke my hair upward and down “na miss mo ba ako?” biglang tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya

“walang araw na hindi, maniwala ka man sa hindi pero ikaw ang laging laman ng puso at laging iniisip ko” hindi ko napigilan ang sarili ko nahawakan ang noo niya at haplosin ito pababa sa kilay niya at kasunod no'n ay ang ilong at ang huli ay sa labi niya “are you sure na habang wala ako sa tabi mo walang ibang tinikman ito?” taas kilay kong Sabi

“wala, kahit tikman mo pa yong labi ko malalasahan mo lang yong sarili mo” natawa ako sa sinabi niya “ano, game?” ok, stop being pakipot, walang mabuting maidudulot yun

Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya at inangkin ito at tumugon naman siya. I put my two arms on his neck to give him more access, nang matapos yoon ay kumalas na kami “anong lasa?”

“masarap” wika ko habang tumatango na ikinatawa niya, bumalik siya sa pwesto niya at muli ay niyakap ako “kunin na nila ang lahat saakin wag lang ikaw, mawala na ang lahat wag lang ikaw” ilang minuto kami sa ganong posisyon hanggang sa napaisip ako, bumangon ako at tumingin sa kanya
“what happened six months ago? paano nangyari ang lahat? i want to hear your explanation. Alam mo bang halos takasan na ako ng bait at magpakamatay just because of you, halos mabaliw ako kaiisip sa'yo tapos malalaman kong fake lang pala yong pagkamatay mo” habang sinasabi ko yun ay nag iiba ang tono ng boses ko “grabe yong pag-luluksa ko, araw-araw at gabi-gabi akong umiiyak tapos buhay ka naman pala, hindi yon nakakatuwa”

“Honey" hinawakan niya ang kamay ko at sinubukang yakapin ako pero ihinarang ko yong dalawang kamay ko, nag iba nanaman yong mood ko, ang hirap kaya nong pinagdaanan ko, akala ko kinuha na ang lahat saakin, akala ko iniwan na akong magsulo, iyak ako ng iyak

“baby I'm sorry”

“mag explain ka wag kang tanga” sakrastikong sabi ko na ikinanguso niya, pffffff ang cute niyang tingan

“Ok, i will explain” mahinahon na sabi niya, kaya ako sa kanya ay even ginaganon ko siya hindi niya nagagawang magalit ganyan kapag gusto ng peace of mind.

“6 months ago, bago ka namin puntahan ni Liam” nagsimula siyang magsalita habang ako naman ay nakikinig lang, i want to hear his explanation para maunawaan ko ang lahat at para hindi ako naguguluhan, i want to make things clear

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now