Chapter 22: Who is the killer?

97 8 1
                                    


Kevin POV

“ May result naba?” Arthur took a deep breath before he start to speak “habang sinusuri sa laboratory yong katawan ni Olivia noong nakaraang araw bago siya ilibing at may nakuhang DNA”

“meaning?” tanong ni Zen habang seryusong nakatingin kay Arthur

“teka, saan galing yong DNA?” naguguluhan na tanong ni Ailyn

“may hibla ng buhok na nakita, sigurado ang Doctor na hindi Yoon kay Olivia, hindi naman nag match eh. idagdag niyo pa yong fingerprints na nakita sa leeg niya” nakatingin ako sa kawalan habang pinapakinggan ang detalye na sinasabi ni Arthur

Meaning, sinakal muna siya at pinahiranpan

“So, may pag-asa tayo na malaman kung sino ang pumatay kay Olivia ”

“ Definitely yes ” sagot ni Arthur kay Zen

“pero ito pa ang mas nakakabigla, yong dahil yong DNA ng killer ay nag match sa DNA ni Olivia. Ibig sabihin kamag anak niya lang ang gumawa noon sa kanya”

“teka? ano?”mabilis kong hinigit papasok si Arthur sa office namin, sumunod naman ang iba. Mahirap na dahil baka may makarinig saamin. Napalingon lingon pa ako sa paligid bago saraduhan ang pinto

“Kamag anak? Arthur, wala ng ibang kamag anak si Olivia maliban kay General Watson ”

“yun na nga e, hindi ba kayo nagtataka? tito ni Olivia si General pero hindi manlang siya lumapit dito kahit na hinahabol at hina-hunting na siya ng mga sendikato ” paliwanag ni Arthur, napabuga siya ng hangin bago itukod ang kamay sa desk table, tila ba ay nag iisip siya ng malalim at pilit na inaalam kung ano ang kinalaman ni General Watson sa pagkamatay ni Olivia

“pero teka, malabo. Kasi nong araw na namatay si Olivia ay kasama natin si General, so malinaw na hindi siya ang killer” gulong-gulo na sabi ni Ailyn, may point siya dahil kasama namin si general nong araw na namatay si Olivia.

“ Pero isang malaking katanungan kung bakit hindi siya humingi ng tulong sa tito niya gayong may kakayahan naman itong protektahan at tulungan siya, at isa pa. Bakit hinahabol ng sendikato si Olivia?”

“anong ibig mong sabihin Arthur?” tanong ni Zen, umiling iling si Arthur bago magsalita “naguguluhan pa ako”

“ Hindi siya hahabulin ng sendikato kung wala siyang nalalaman at malakas ang kutob ko na may natuklasan si Olivia, nararamdaman ko din na may kinalaman si General sa mga nangyayari ”

“pinag hihinalaan mo ba si General, Kevin?”

“parang ganon na nga”

“pero kung hindi si general ang pumatay kay Olivia, sino?” magsasalita pa sana ako ngunit nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si General Watson

He supposed to knock before he enter, we place our hands on the top of our eyebrow “General” matapos noon ay dahan dahan siyang naglakad palapit saamin

“Anong pinag kakaabalahan niyo?”

“Nag kwe-kwentuhan lang kami General, siya nga po pala. Bakit ka po naparito?” pilit ngiti Kong tanong

“Gusto ko Sana kayong anyayahan sa Welcome party Ng anak ko mamayang gabi”

“May anak ka po, General?” gulat na Tanong ni Ailyn, kakaiba. Sabi Niya noon Wala siyang anak

“oo, pasensya na kung nag sinungaling ako noon. Nasa amerika Kasi siya sa loob Ng mahabang panahon. Papayag ba kayo?”

“opo General ”

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now