Chapter 27: Try to hurt her and I will kill you

87 8 0
                                    


“Ahhhhh! pwede ba ibaba mo'ko?” wika ko nang buhatin niya ako, ang hilig niyang mangbuhat. Hindi ba siya nagigibatan sa'kin?

“Saan mo'ko dadalhin?”

“Sa kwarto mo, diba, sabi mo gusto mong pumunta dun?” Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko nalang siya na buhatin ako patungo sa kwarto ko. Nanga makarating doon ay marahan niya akong ibinaba sa kama

“Nandito na ako, labas na” utos ko dito. Kunot noo ko naman siyang tiningnan nang umikot siya at humiga sa kama ko “Anong ginagawa mo?”

“Matutulog malamang”

“Pero kwarto ko 'to!”

“Bahay ko naman 'to” napatampal noo ako, oo nga. Bahay niya pala 'to at wala akong laban. Tiningnan niya ako at ngumiti ng matamis ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay at nanatili nalang akong naka-upo sa kama ko

Gusto ko siyang palabasin pero hindi naman siya papayag

I don't want to have some argument with him lalo na kung matatalo lang din naman ako “Parito na, humiga kana”

Hindi ko siya inimikan ni balingan manlang ng tingin. Saan kaya humuhugot ng kapal ng mukha si Adrious? gusto niyang matulog katabi ako, ayaw ko kaya! that's a big no, baka mamaya kainin niya pa ako eh, aswang pa naman siya.

Gabi nadin naman aasi, pagkatapos naming kumain kanina ay nag laro kami ng tagu-taguan, hysss ayaw ko ng isipin yong nangyari kanina.

Habang nag mumuni-muni ay nagulat ako nang higitin ako ni Adrious pahiga sa kama “Ano ba! Lumabas ka kasi ng kwarto ko” Hindi siya sumagot bagkos ay ikinulong nito ako sa mga bisig niya kaya ayon, ang ending ay nakahiga ako habang nakayakap siya saakin

Para tuloy kaming mag-asawa “I just want to sleep beside you, don't worry i won't do anything nor make any bad moves. Hindi kita ra-rapen maliban nalang kung ikaw mismo ang humiling”

“Ang kapal talaga ng mukha mo”

“Matulog na tayo” magsasalita pa sana ako ngunit pinigilan ko nalang ang sarili ko, niyakap ako ng mahigpit ni Adrious pagkatapos ay isiniksik niya ang ulo niya sa bandang leeg ko, nakikiliti tuloy ako

Ilang oras ang nakalipas ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok, sa tingin ko ay tulog na si Adrious kaya naman humarap ako sa kanya

Napaka gwapo niya kahit natutulog pa siya, i can't stop myself from touching he's face, napaka perpekto ng hugis ng kanyang ilong

Hinawakan ko din ang kanyang labi na minsan ko ng natikman

Dumako ang tingin ko sa kanyang kilay na maganda din ang pakakahugis, kung hindi ko pala siya nakilala hindi ako matututong magmahal ng ganito

“I supposed to hate you but why i feel safe when i'm with you?” pabulong kong sabi habang hinahaplos ang kanyang buhok. Natawa pa ako nang maalala ko na sinabi ko sa sarili ko na kahit siya nalang ang matitirang lalaki sa nundo ay hindi padin ako iibig sa kanya

Natatawa ako nang sinabi ko na kahit anong mangyayari hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya, pero lahat ng 'yon na balewala

I fall inlove with him

Paano ba naman kasi lagi niyang pinaparamdam na special ako, sa kanya ko lang naramdaman na kahit napaka gulo ng utak ko at may pagka abnormal ako ay pilit niya padin akong iniintinidi

Siya lang yong bukod tanging naging dahilan kung bakit nagkakaganito ako, dahil sa kanya unti-unti nabago ang ugali ko

“Hindi kita hiniling pero ikaw ay dumating, at ng ikaw ay dumating ikaw ay inibig ko din”

LOVE ME HARDER COMMANDER Where stories live. Discover now