Chapter 2

2.9K 70 5
                                    


Ross Monroe's POV

I just finished grooming Shadow when my phone ding. Pinunasan ko ang kamay bago kinuha ang phone sa upuan malapit sa kwadra.

It's a message from Sian Montefalco. My co-model friend. Siguro ay nabalitaan niyang umuwi ako.

Nagkasabay lang kami ng isang beses sa shoot but we immediately click. Our humor matched and we hangout after the shoot, we had fun at the club.

Naalala ko tuloy na kailangan kong magpanggap na boyfriend niya para lang hindi siya lapitan.

He has a feminine and seductive vibe that made him a man magnet.

Kahit sino nalang talaga, mapababae man o lalaki ang sinusubukan siyang landiin. But he's a faithful one. He beg me to pretend as his boyfriend whenever someone approach him. He said his boyfriend would sulk if some random guy or girl keep messaging him on Instagram. So he wanna avoid them as much as possible. He even told me that he would introduce me to his boyfriend kapag nakauwi na ako ng pilipinas.

Sian Montefalco
Hi Ross! Nakauwi ka na diba?

Ross Monroe
Hello Sian. Oo nakauwi na ako kahapon.

Sian Montefalco
Ikaw nga talaga 'yong sinasabi ng kaibigan ko HAHAHAHA

Ross Monroe
Who? Anong sabi?

Sian Montefalco
My friend, Vaughn Rei Riego.

Namilog ang mata ko ng nabasa iyon. Biglang napatayo ng maayos kaya nabigla si Shadow sa akin. Tumawa ako at hinaplos ang kanyang ulo.

"Chill bud." Sabi ko habang malawak ang ngiti.

Muling tumunog ang phone ko kaya binalik ko ang attention ko rito.

Sian Montefalco
He said meron daw weird guy na napaglipasan ng panahon sa harap ng nahay niya kanina.

Muli akong humagalpak sa tawa. Seriously Vaughn? You're cute. Then I'm Boy romantikong napaglipasan ng panahon.

Ross Monroe
What? HAHAHAHAHA napaglipasan ng panahon?

Sian Montefalco
I hope you're not offended, sadyang red flag lang talaga 'yon HAHAHAHA

Offended? Kapag ba si Vaughn magawa ko bang magtampo?

Well, kung susuyuin niya why not.

Ross Monroe
No no, I don't mind.

Sian Montefalco
Btw, do you want to hangout tonight?

Ross Monroe
I'm in para magkaroon naman ako ng kaibigan dito.

Chance ko na 'to. Tadhana na ang tumutulong sa akin para mapalapit ako sa  kanya.

Sian Montefalco
So tonight at M.Y club?

Ross Monroe
Okay I'll come.

I laughed again when I remember how Vaughn described me.

Sinadya ko naman talagang gamitin si Shadow para magpapansin kina Vaughn para kunyari nagtatanaw lang sa azucarera.

Ang awkward naman kung sasakyan ang gagamitin ko tapos tatambay sa harap ng bahay nila. Edi nagmukha akong may balak na kidnapin siya. It's a nice idea but I shake my head as I prepare myself for club later.

Nang makapasok ako sa club ay agad kong nilibot ang tingin sa mga tables. Trying to find Sian's group.

Nakita ko siyang kumaway kaya agad akong lumapit. "Hey man, long time no see." I squeezed him into a hug.

"Mabuti at nakarating ka. Ito nga pala mga kaibigan ko. Si Clyde, Quinn, Jaheel, and Owen my boyfriend." Agad siyang kumapit sa braso ng sinsabi niyang boyfriend. The guy looks so white. Hindi malayo ang agwat ng height nila. They looked good together.

"Nice to meet you all, I'm Ross Monroe." They all gave me a welcoming smile na agad ko namang sinuklian.

Nilibot ko ulit ang tingin ko para hanapin si Vaughn. He's not here?
"By the way, where's your friend? The one who dissed me."

"Si Vaughn ba kamo? Hindi pa dumating 'yon. Lagi naman 'yong late." Napalingon ako sa tinuro niya kaninang si Jaheel.

Nginitian ko lang siya bilang sagot. This guy is like a sunshine. Nakakagaan ng loob, 'yong tipong sira ang araw mo but he can lit it up.

Everyone has a partner except Jaheel kaya kaming dalawa nalang ang nag usap. Ganito talaga ang ganap kapag merong jowa eh. Tsk tsk tsk

"I heard that you're a model" nakasandal lang kami pareho sa sofa habang nilalaro ang baso namin.

Nilagok ko muna ang laman ng baso ko bago siya sinagot. "Ahm yes,  pero magpapahinga na muna ako."

Kumislap ang mga mata niya dahil sa mga ilaw sa loob ng club. "Are you going to stay here for good?"

Napabuntong hininga ako nang maalala ang totoong pakay ko sa pag uwi rito. "I'm still not sure. Kung magiging successful 'yong inuwian ko maybe I'll stay."

"Ano 'yan Jaheel? Pumuporma ka na?" Biglang singit ni Sian na kasalukuyang sumisiksik sa gilid nga boyfriend niya.

"Hala gagi! Hindi. We don't even know if he swing that way." Medyo defensive ang reaction ni Jaheel kaya mahina akong natawa.

"You're gay?" I asked.

Umayos siya ng upo para itago ang pagkakahiya. " I actually swing both ways. I'm Bi."

I smirk, "That must be fun."

Tumawa siya ng malakas "Actually not." Tinungga niya ang inumin bago tumingin sa dance floor. Ayaw atang halungkatin ko pa ang tungkol sa mga experience niya.

"Hindi pa nagkakaboyfriend or girlfriend 'yan Ross. Masyadong busy sa pagsasayaw." Sabat ni Sian habang nakangiwi.

"Baka ikaw na ang para diyan." Nakuha pang mang asar ni Quinn. The guy with a wide shoulder, and a great height. Nagtawanan lang kami.

Suddenly, someone behind me cleared his throat.

"Vaughn is here!" Clyde teased catching everyone's attention.

Shivers run down my spine and my heart hammered against my chest as I heard his name. Fuck! Sana pala pumwesto ako kung saan kita ang entrance ng sa ganoon ay nakapaghandan manlang ako.

This would be the first time I'll be close to him after a long time. Binaba ko ang glass ng alak na hawak ko dahil biglang nanginig ang kamay ko.

Unang nagsalita si Sian. " Vaughn nandito na 'yong nilalait mo kanina. Ayan harapin mo." He laugh so loud but I can't find any humor sa sinabi niya dahil sa tension na nararamdaman ko ngayun.

I took a long breath before facing him.

"Hi I'm Ross Monroe." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. I'm so thankful na hindi na iyon nanginig. He took my hand and looked directly into my eyes.

"Nice to meet you, I'm Vaughn Rei Riego."

Finding My Way Back To You (Complete)Where stories live. Discover now