Eight Chapter

1 0 0
                                    

Time flies too fast and it's now month of preparation for Christmas. One week nalang para sa Christmas week. Dahil may Christmas Ball expected na kakanta kami.

We're currently in our room, having a meeting para sa magiging line up namin. Dalawang kanta ang pinagpipilian namin. Hindi naman porque Christmas ay Christmas song na ang kakantahin namin, we've decided na pang malamigan ang kantahan namin, dahil malamig ang klima. We chose Hale's songs.

Hale's song is really suit for cold night vibes.

And now we're down to four songs of Hale. Back From Beginning, Kung Wala Ka, Blue Sky, and The Day You Said Goodnight. Pinakinggan muna namin ulit yung apat na kanta.

"Let's now vote," we took our phone out and sent it our votes sa GC.

Back From Beginning - 1
Kung Wala Ka - 1
Blue Sky - 3
The Day You Said Goodnight - 5

"Okay then, The Day You Said Goodnight at Blue Sky, Rei ikaw ang mag drum, si Haien ang mag bass," utos sa amin ni Gerome, impossible naman kasi ako ang kumanta this time, lalake yung kumanta mahirap kunin 'yun. Madali naman yung drums niya so ayos lang.

"Pag-aaralan ko paano ang magiging flow with Mona, update nalang namin kayo kapag may schedule na para sa practice," sabi ni Gerome. Agad akong tumayo.

"Bye, may class pa kami," paalam ko sa kanila. Patakbo kung tinakbo ang room namin. Wala naman akong naabutan na teacher sa harap kaya pumasok na ako at umupo sa upuan ko.

"Nag practice kayo ng banda?" Tanong ni Thaniel. Umiling ako.

"Nag-meeting lang kayo?" He asked again. Tumango nalang ako. "Tungkol saan?" He asked.

I sighed heavily, "About our line up," walang ganang sagot ko.

I bet he's going to ask what's our line up, "Anong line up niyo?" Tanong niya. This time masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Why would I tell our line up? It's confidential, mahirap na kapag na leak ang kakantahin namin, hindi na magiging surprise. Nag peace sign lang siya sa akin.

"Hindi ka sasama sa ballroom dance?" Tanong niya. Umiling ako, I'm not into dance. As far I can remember my first dance in public is noong JS namin. Grabeng laughtrip nga noong JS even noong mga practice, I feel sorry sa naging partner ko, I am a bad dancer talaga. Budots nga na free dance nahihirapan pa ako.

"Sayang ikaw sana partner ko," napatingin ako sa kanya, I arched my eyebrow after that tumingin na ako sa labas ng bintana, kung pwede lang talaga ako mag-headset or headphones pero bawal baka ma confiscate, papagalitan ako ni mama if nangyari iyon.

"Narinig mo na ba yung The Day You Said Goodnight?" Tanong niya out of the blue. What's about that song? I'm a bit curious kaya nilingon ko siya. "Hindi ka ba nagtataka bakit yung nag goodnight sa kanya day nagsabi?" Tanong niya sa akin. My brows furrowed a few seconds then after a few second I bursted out of laughters. It's not funny hindi ko alam kung bakit ako natawa, maybe dahil sa pagsabi niya nun, para kasi siyang bata.

"Hindi ka rin ba nagtataka sa sa Eroplanong Papel kung bakit walang Eroplanong papel sa lyrics?" Joke niya, it's a nonsense joke pero hindi ko alam kung bakit natatawa ako.

"Alam mo rin ba yung kantang, Ako ay may lobo, lumipad sa langit, hindi ko na nakita, pumutok na pala?" Tanong niya. I nodded. "Paano niya nalamang pumutok kung hindi niya na pala nakita?" Tawang tawa pa rin ako sa magkakasunod na joke niya, lakas din ng tama niya e.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti ka e," he said out of the blue that made me stop from laughing, I swallowed the lump in my throat. I awkwardly looked away, what was that? It's uncomfy to received compliment out of the blue.

My Sunset and SunriseWhere stories live. Discover now