Fourteenth Chapter

2 0 0
                                    

Everything has ending, and the vacation already reached the ending. I'm currently looking at myself in the mirror, wearing my school uniform. I sighed heavily before I leave my room.

Si Archy ang naabutan ko sa sala na naglalakad lakad na.

"Nandito ka pa pala, late ka naman Abril! First day na first day," I sighed heavily, first na first day sinisita ako ni Mama.

I pouted, "Nguso nguso ka pa diyan, pumunta ka na ikaw talagang bata ka, saan ka ba nagmana hindi naman kami ganyan ng papa mo," dagdag pa ni Mama.

"Tch. Eto na pupunta na ako bye na, bye bye Archyyyy ko," I kissed his cheeks first bago ako lumabas ng bahay. 7:40, late na ako for 10 minutes. Hindi pa rin ako nagmadali sa paglalakad I chose to walk normally, for sure naman kasi mahaba haba ang introduction na naman sa flag ceremony. Ang kailangan ko lang talaga malaman ay saan ang room.

"First day late ka na na naman Miss Montenegros," sita ng guard. Ngumiti lang ako kay Manong guard, as usual I list my name sa book for penalties and nagpatuloy na sa paglalakad.

Wala ng students sa quadrangle nang makapasok ako sa campus so for sure nasa classroom na sila at busy sa pag i-introduce ng sarili nila. Napatigil ako nang may nakabunggo sa akin.

"Sorry," agad na sambit ko. Nag-angat tingin naman siya, my brows furrowed because she looks familiar.

"Sorry," malumanay na sabi niya she even bow a little. I just nod at nagpatuloy na sa paglalakad. Saan ko na ba siya nakita? Nakarating ako sa second floor iyon parin ang nasa isip ko. Sure ako nakita ko na yun. Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

Napalingon ako sa right side and I saw Ma'am Alvarez, she's raising her hand towards me and rapidly moving the fingers up and down with the palm facing down. I walk slowly hanggang sa tapat lang ng pintuan.

"Yes po Ma'am?" Tanong ko.

"You're late Miss Montenegros, pumasok ka na dito sa loob," my brows furrowed, I walked backwards and look at the sign sa taas ng pintuan. 12- STEM.

I gave Ma'am a shy smile. I bow my head a little bago pumasok. Agad na nakita ko ang tatlong kaibigan ko na umiiling sa akin. Wala vacant space sa tabi nila, ang vacant space ay sa tabi ni Duke.

"Kindly introduce yourself bago ka umupo sa tabi ni Alonzo," sabi ni Ma'am tinuro niya pa si Duke.

I smiled to my classmates, same pa rin naman ang mga mukha wala transferees at wala rin nabawas sa amin.

"Naabig a buklas sa ating lahat. My name is Reivien April Montenegros..." Tumingin ako kay Ma'am, hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko.

"Grade 11," napatingin ako kay Duke when he mouthed it.

"Zoning out is my hobby, future hindi ko pa alam, Isaiah 60:22, iyon lang po salamat," pakilala ko.

"Okay you may now seat, I hope this is the last time na late ka Miss Montenegros," sita ni Ma'am, I shyly nodded.

Nang makaupo ako sa tabi ni Duke, mahinang nag thank you ako sa kanya. Tumango lang siya.

"Hindi ko na aayusin ang seating arrangement niyo students, you're all in your last terms hindi naman na siguro kailangan na lagi kayong sitahin diba class?" Tanong ni Ma'am with matching paypay pa.

"Yes Ma'am." Sabi ng kaklase namin. Yes daw, baka nga paiyakin pa nila si Ma'am dahil sa kakulitan nila.

"At dahil hindi naabutan ni Miss Montenegros ang introduction ko uulitin ko," Ma'am smiled at me so I did also. "My name is Wennely—

"Sorry to interrupt you Ma'am but is this STEM 12 po?" Hindi ako napatingin sa nag- interrupt kay Ma'am napatingin ako kay Thaniel na nakatingin sa babaeng nagsalita, his eyes widened like she knew the lady. Dahil doon napatingin ako sa babaeng nagtanong. My brows furrowed, siya yung nabunggo ko kanina.

My Sunset and SunriseWhere stories live. Discover now