"Shameeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!" nagulantang ako ng sumigaw ang napakaganda kong ina.
"Alam mo ba kung anong oras na Shame!"
"Ma naman Shammy! dalaga na ako para maging Shame!"
"Hala! tama na yang arte mo! anong klaseng guro ka mas late ka pa sa estudyante mo! hala hige maligo kana!!!"
"Ay! Ay! mudra!"
ganyan kami ng nanay ko hehe.
Pero tama sia mas nalalate pa ako sa mga estudyante ko, daig pa nila ako e.
-
andito na ako sa school,
hayss ang sarap maging guro pero mas masarap maging estudyante.
"Goodmorning Ma'am Shammy!" bati sa akin ng mga estudyante ko. hays okay na okay lang sa kanila na malate ako. ayos na ayos sa kanila pano dalawang oras ata akong late jusme.
"Ang saya niyo naman hehe"
"Maam shammy may nagpapabigay po pala sa inyo ng letter na to"
at iniabot sakin ng president ko ang isang letter na nakalagay sa red envelope..
"Thanks maya ko nalang basahin hehe."
"uyy si maam mayron ng secret admirer" sabi ng isa sa mga estudyante ko.
halos mga kaidaran ko lang sila matanda lang ako ng 2 or 3 years.. syempre isang magiting na propesor haha..
ang galing ko nga nagaaccelerate kasi ako noong nagaaral ako kaya napabilis ang buhay kong magaaral haha..
-
nagbell na hudyat na kailangan ng lumafang ng aking mga estudyante at eto me vacant ng 2hrs. haha wala kasi akong klase ngayung monday.. parang estudyante lang haha. pero syempre sumasideline ako minsan ngiging prof ako sa biochem at biology.
pero social science talaga ang major ko o diba astig napakalayo ng sideline ko sa mismong toka ko hahah..
-
hindi pa nakakalipas ang dalawang oras ng ipatawag ako ng dean.
may bagong estudyante daw at sa room ko ilalagay.. woooo may bago akong magiging friend and guess what mas matanda sia sakin..
sabi ng dean, last year lang daw neto kinuha ang 1st,2nd and 3rd year college nia at isinummer lang daw nia ito.. at dahil sa napakagiting kong prof. ako ang naatasang magturo sa kanya..