Pain.
Lumipas na ang kalahating buwan at andito na kami sa pasukatan ng mga isusuot namin para sa kasal., Hindi narin kami naghiwalay ni cravour dahil matutuloy at matutuloy na ang kasal dahil nga buntis na ako sino pa ba ang tututol samin diba?
Hays konti nalang ang hihintayin at ikakasal na kami ng pinakamamahal ko mabilis man pero waley e haha. mahal na mahal namin ang isa't isa..
KASAL..
(C R A V O U R' S P. O. V)Napagdesisyunan namin na kahit papaano ay sumunod kami sa mga nakakatanda na maghiwalay kami ni Shammy sa pagpunta ng simbahan.. Noong mga nakararaang araw kasi ay hindi naman kami naghihiwalay, ni kahit isang pamahiin ay wala kaming sinunod dahil sabi ko nga bakit pa e may tutol at may mangyayari pa bang masama? Mahal na mahal namin ang isa't isa at siguradong wala nang makakapaghiwalay sa amin ano pa ba ang sasamang mangyayari? siguro'y pagiingat nalang talaga ang kailangang gawin.
~Babe calling~
"hello mahal ko? bakit napatawag ka?" ako.
"Hihihi nagsend ako ng picture ko sayo tingnan mo babe." siya, matigas talaga ang ulo sabi nila mama ay huwag nga daw kaming magkita, hindi nga kami nagkita pero nagsend naman siya ng picture.
"Matigas talaga ang ulo mo babe, alam mo naman na bawal tayong magkita diba?" ani ko.
"So ganon?! ayaw mo kong makita?!!" hays tantrums. baliw nanaman siya.
"Hindi naman sa--" Hindi na niya ako pinatapos at "Che! walang kang kiss mamaya!! "(toot* toot*) tss pinatayan na ako galit nanaman yun hay nako.
~Calling Babe~
"The subscribers cannot be reach please try call later" hays talagang babae na yun.
hindi ko tinantanan pero dumating din ako sa pagsuko dahil talagang pinatayan niya na ako.
~Tok tok~
"Come in" ani ko.
"Son! You really look handsome!" dad.
"Yeah dad, I know." me."masyado mo ata anak minadali ang kasal mo? ni hindi ko man lang nakilala king sino siya at ang parents niya?"
"Dad look shammy is pregnant, ayokong makita ng marami na lumalaki ang tiyan niya na hindi pa kami kasal and Im sorry kung last week mo lang nalaman."
"at worst kay ven ko pa nalaman, pero what will I do? anjan na yan. mahal niyo naman siguro ang isat isa at ayokong maging kontrabida sa inyo. Congratulations anak naunahan mo pa akong mag asawa haha!"
"Dad naman"
"Just kidding, ang bilis may apo na ako haha at magiging tatay na ang lampang bata na pinalaki ko, Thank God you've grown a handsome and smart"
"Thanks to you, kung wala ka Dad siguro wala na din kami ni craven, Thank you"
we hug each other.
"O pano baka magkaiyakan pa tayo at mapagkamalan kang run away groom baka mauna pa sayo si shammy don ha?"
"Oh? Anjan pa kayo aba't tara na late na tayo oh, dapat ikaw ang mauna kaysa kay shammy sige ka baka bigla ka nalang kalimutan jan ni shammy" craven.
sa sinabi ni craven ay bigla akong kinabahan. pero inalis ko iyon baka kinakabahan lang ako dahil sa kasal, sa sobrang saya ay kinabahan ako. Oo tama! yun nga.
Bumaba na kami at sumakay na ng kotse. kasama ko si Dad sa kotse at ako ang driver. Si craven naman ay nakahiwalay sa amin masyado siyang maarte.
Pag sakay ko ng kotse ay sobrang kaba ang naramdaman kong parang hindi ako makahinga. Hindi ako makapag focus.
