C14:SPG

14K 133 3
                                    

I LOVE YOU.

CRAVOUR's POV

Nagising ako dahil sa nararamdaman kong may sumisiksik sa akin, pag mulat ko ay nakita ko si shammy na tulog na tulog. para siyang anghel na walang kamuwang muwang sa mundo kapag tulog.

Ang perpektong mukha niya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam, naalala ko pa nung una ko siyang nakita sa eskwelahang pinasukan ko kung saan siya nagtuturo.

Naalala ko padin kung bakit ako nagenroll sa eskwelahan na yun kahit namang nakapagtapos na ako.

halos lahat ng imbestigador ay binayaran ko para lang makita ko siya, isang imbestigador ang nagsabi sa akin na sa paaralan kung saan ko nakilala si shammy ay doon din sa paaralan na yun pumapasok ang hinahanap ko..

Naalala ko pa kung paano unang tumibok ang puso ko ng totoo.

FLASHBACK.
Third person point of view.

"Hoy craven! bibili lang ako ng icecream doon sa mama ha! jan ka lang! babalik din ako ibibili din kita" Cravour.

"Sige kuya, gusto ko yung cheese at chocolate" Craven.

Tumango si cravour at unti unting tumakbo papunta sa mamang sorbetero, sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo ay hindi na niya naiwasan mabunggo ang isang batang babae.

"Aray!!" Little Girl.

"Haharang harang ka naman kase!" Cravour.

Walang ginawa ang batang babae kundi umiyak lang dahil nagtamo siya ng sugat sa kanyang siko.

"Mom-myyyy!!!!" sigaw ng batang babae habang umiiyak.

Nagulat si cravour kayat agad niyang nilapitan ang batang babae at tinulungang tumayo. habang tinutulungan niya itoy nakaramdam siya ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Pagkatayo niya sa batang babae ay umiiyak padin ito kayat dali dali siyang pumunta sa mamang sorbetero at bumili ng pinakaespesyal na icecream. agad namang siyang bumalik sa batang umiiyak at inabot ito.

"Sorry na bata, eto oh ice cream! peace offering ko sayo, sorry ha? masakit pa ba ang sugat mo? wag mo na ko isusumbong sa mommy mo ha bati na tayo!" Cravour.

agad agad namang inabot ng batang babae ang icecream kahit may pagaalinlangan pa siya.

"akala ko bwisit ka, sorry din nakaharang kasi ako, sige bati na tayo salamat sa icecream ha?!" sabi ng batang babae sabay lasap sa icecream. at tumingin kay cravour ng sobrang lapad ng ngiti.

Napatulala si cravour, at parang lahat ng dugo sa kanyang katawan ay umakyat na kanyang pisngi.

"oh? may masakit ba sayo? bakit ka namumula?" sabi ng batang babae at hinipo ang noo ni cravour na kinagulat at kinaatras niya naman.

"wa-wala bata, sige na aalis na ko! eto oh sayo nalang ito para dagdag peace offering ko sayo, para maalala mo na nakipagbati na tayo sa isat isa" Cravour. sabay abot ng isang kwintas na may pendat na Initials na "CFA"

"Ha? Thank you? ocge ano naman ibibigay ko sayo na pang peace offering ko? ah alam ko na! sandali lang!!" sabi ng batang babae at may kinuha sa kanyang paa.

"Eto anklet ko! sayo nalang yan para maaalala mo din na nakipagbati na tayo!" Batang babae. sabay abot ng anklet na may pendat na pangalan...

'Vleighn'...

"Anak! uuwi na tayo!!" sigaw ng isang magandang babae na ikinatakbo naman ng batang babae, kumaway naman sa knya ang batang babae habang papalayo, natulala si cravour sa batang babae at sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay sa kotse at umalis.

Sex with My Hot StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon