Ayan! Dahil mabait akong author! Maguupdate ako haha!, guys pasensya kung walang pinapatunguhan tong kwento na to haha! Trip ko lang kasing magsulat gusto ko lang mafeel kung pano maging writer ni plot nga wala itong story na to haha! Na curious lang ako sa mga nababasa ko na may mga b.s bakit ang dami nilang fans neh? Hahaha masyado na ba akong famewhore? Ay choz! Basta wala akong kaideidea sa mga pinagsusulat ko gusto ko lang may bumasa at sumaya sa mga pinaggagagawa ko haha!
.
Enjoy reading po! :)
.
.
."Hoy shameeeeeee!!! Gumising kana jan! Tanghali ka nanaman! Walangya kang bata ka! Gabi ka na ngang umuwi! Tanghali ka pang gumising! Napaka iresponsable mong guro talaga shameeeee!!! Pag di ka tumayo jan bubuhusan kita ng malamig na malamig na tubeeeeeg!!!" Sigaw ng mahiwagang ratatat na bunganga ng mudrabels ko as usual may bago pa ba? Haha.
Napabalikwas nalang ako agad..
Nanlalata pa ako ee! Nanay ko talaga oo! Ang sakit ng mga binti ko, ang sakit ng katawan ko huhu T.T pati ulo ko ang sakiiiit!
Ayts naalala ko nanaman yung nangyare pati hanggang paguwi ko kagabi huhu.
Hindi ko namalayan na namumula na pala ako sa pagalala ng mga nangyari...
Flashback...
"Ah ma'am shammy hatid na kita?" Alok niya.
"Pagkatapos ng nangyari hindi na ako komportableng ma'am shammy ang tawag mo sakin mr.austone" sabi ko naman, ano ba pinagsasasabi mo ha shammy?
"Ok, Shammy would be fine siguro??" Sabi niya.
"Yeah. Shammy" ako.
"By the way I'm Cravour Flame Austone, CEO of Austone Group of companies" utas niya.
"What?!!" As really? Emegesh hindi lang pala siya yummy richy pa huhu.
"Yes, Alam ko naman na itatanong mo kung bakit nagaaral ako?. May hinahanap kasi akong babae at andito siya sa university, eto lang ang way para makita at mapalapit ako sa kanya,ang magaral ako sa university na pinapasukan niya.." sabi niya.
Natulala nalang ako sa sinabi niya mygahhd! Meron siyang inistalk na babae dito sa university?
"May inistalk kang studyante?" Ngumisi nalang siya sabay sabing..
"I love her and I already found her." Sabi niya.
Napatulala nanaman ako.,feeling ko ako yung babaeng sinasabi niya..
Hello teh?!assuming ka masyado yuhooo! Sabi niya pumapasok sa university! Hindi nagtuturo wag kang paestudyante mode haha!
Hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya.
End of flashback..
Naramdaman ko nalang ang sobrang lamig na tubig sa katawan ko.
"Emegesh! So lameeeeeg!" Sabi ko sa pagkabigla.
"Anong emegesh so lameeeg ka jan ha?! Hala hige bumangon ka! At haharumbahin nalang kita kapag di ka pa gumayak!" Agad agad na akong tumayo hehez iba na timpla ni mudrabels hihi.
"Opo mamabels eto na gagayak na po!labyuuu!" Sabi ko.
Naririnig ko paren na nagdidiwara ang nanay ko napapangiti nalang ako. Hays tumatanda na ang mama ko huhu.
Natapos ako sa paggayak at lahat lahat kaya andito na ako sa tapat ng building kung saan naroroon ang advisory class ko hays parang hindi pa ako handang pumasok pero hayaan na nga kailangan kong pumasok sa ayaw at sa gusto ko huhuhu.
Naglalakad palang ako sa corridor ay feeling ko hindi ko na kayang lumakad pa papunta sa kwarto ng mga estudyante lalo na kapag napapaisip ako na nandoon siya ang lalaking nakakuha ng lahat lahat sa akin ng walang hirap huhu..
Asa pinto na ako ng silid kaya't kahit labag sa loob ko pumasok na ako.. nasilayan ko ang mga mumunting ngiti ng mga estudyante ko at hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata niyang... wait?? Ano yun? Kamanyakan ba yung tingin na yun? Hay ewan inirapan ko nalang siya badmood lang tssk.
"Morning class." Walang ganang bati ko sa kanila hayss.
"Goodmorning ma'am shammy bakit parang ang lungkot mo?" Bati ng presidente ko.
"Ah wala ito masama lang ang pakiramdam ko."
"Ah ma'am sorry kung sisirain ko ang moment ng pagkasama ng pakiramdam niyo pero eto po may nagpapabigay nanaman e"
At inabot niya sakin ang red envelope, lagi niya daw nadadatnan ang envelope sa harapan ng pintuan at alam na alam niya daw para sa akin dahil nakaukit ang pangalan ko sa harapan ng envelope.
Lumilipas ang araw na wala ako sa mood, parang wla akong pakielam sa lahat ng bagay badmood ako e. Dumaan ang araw na walang magandang nangyare..
At eto uwian na hayss. Kailangan ko lang siguro ng pahinga..
Naglalakad ako sa corridor ng pakiramdam ko ay may sumusunod sakin kaya luminga linga ako sa paligid pero wala naman. Ako lang ang nandito..
Pababa na ako sa 2nd floor ng biglang may humila sa akin sa janitors room.. hindi ako nakagalaw agad dahil sa gulat..
Nawala ako sa ulirat lalo ng naramdaman kong hinalikan niya ako..
Mapusok na halik.
Halik na nanabik.Pinipilit kong kumawala pero malakas siya hanggang sa siya na ang bumitaw at iniwan ako..
Iniwan niya akong tulala, ngunit bago siya tuluyang lumabas ng pinto ay may sinabi siya..
"Akin ka lang shammy, hindi ka pwedeng mapakahit kanino, dahil papatayin ko kung sino man ang umagaw sayo miski ikaw mapapatay ko." nanigas ako sa pagkakatayo sa sinabi niya napakalalim at seryoso ng boses niya nakakatakot..
Ni hindi ko na nagawang tingnan kung sino siya. Agad akong tumakbo palabas upang makita kung sino siya pero wala na siya..
Wala na.
Sino siya?
Napadausdos nalang ako sa sahig at biglang...
"Shammy bakit?" Si cravour.
"Cravour!!" Napapitlag ako at napatayo sabay takbo at akap sa kanya hindi ko alam pero parang natakot ako sa kung sino mang lalaki ang nakaenkwentro kong yon..
"What happened?" Tanong niya.
"Ah wala ah so-sorry sige ma-mauna na ako" nauutal kong sagot.
"Gusto mo ihatid na kita?" Umiling ako.
"Wag na nakakahiya tyaka may dadaanan pa kasi ako sa prinsipal" tumango nalang siya at ngumiti sa akin..
Sino kaya yon? Sino siya?..
Takot. Takot ang nararamdaman ko dahil wala akong ideya sa kung sino man siya...