C8

11K 90 2
                                    

Lutang lang ako at walang imik pag uwi ko kagabi ay tinanong ako ni mama kung ano nangyari pero nilagpasan ko lang siya di niya ako tinantanan pero tulad nga ng sinabi ko wala akong imik hanggang kanina, di ko alam kung asan ang utak ko ngayon ee..

"Ang tanga tanga mo naman shammy!" sambit ko sa sarili habang nakaharap sa salamin..

nababaliw na ata ako, nakatapos na akong magbihis at napagpasyahan ko ng pumasok medyo mahirap lang talaga ngayon hayss.

pero this time hindi ako papasok dahil magtuturo ako, papasok ako dahil gusto ko ng magresign di na kasi maganda ang feeling ko dito hayss, tyaka bata pa naman ako diba? halos yung mga tinuturuan ko ay kaedad ko lang. napag pasyahan ko din na magaral muna ulit tutal may ipon naman ako, gusto ko mag iba ng career, balak ko sanang mag business or kahit about fashion nalang tutal yun naman talaga ang hilig at hindi ang pagtuturo, nanay ko lang talaga ang may gusto nito tsk.

---

madali ko namang nakausap ang principal t inalok pa nga niya ako na doon nalang sa university mag aral pero tinanggihan ko dahil nakapasa na ako sa scholar sa isang kalapit na university.

Ang Faulkerson University.
isang tanyag na unibersidad sa buong siyudad, dahil na din siguro sa angkin kong katalinuhan kaya ako nakapasok sa unibersidad na ito, kilala din ito sa pagkakaroon na high tech na pamamalakad at halos lahat dito ay high tech, hindi basta basta ang mga estudyante, sobrang katalinuhan ang meron ang mga estudyante dito kaya narin siguro ito nakilala sa buong siyudad. Kilala din ito bilang paaralan ng hindi lang mayayaman kundi mga bilyonaryong tao na hindi mo alam kung bakit hindi nauubusan ng kayamanan, swerte ko nadin at naging isa ako sa pinalad na makapasok sa paaralang ito at swerte talaga dahil ni piso ay wala akong gagastusin sa matrikula ko pati na rin sa titirhan ko at allowance,siguro ay ang problema ko nalang ay ang aking mga proyekto, at iba pang hihilingin ng mga guro ko na naaayon sa pagaaral.

halo halo ang nararamdaman ko, sobrang saya na may halong kaba at excitement, dahil simula sa lunes ay maguumpisa na ko.


--Lunes

Nanginginig at kinakabahan pero excited yaan ang mga pangunahin kong emosyon ngayon, balik eskwela nanaman ako kahit na graduate na ako sa pagiging propesor , ngunit ngayon ibang propesyon ang kahaharapin ko, sana ay magtagumpay din ako dito..

Todo suporta naman ang aking nanay sa paghatid sa akin sa bagong eskwelahang papasukan ko dinaig ko pa ang batang unang beses palang papasok sa eskwela, kagabi rin ay dun siya natulog sa titirhan kong bahay dahil tinulungan niya akong mag ayos ay napagod siya at ginabi medyo may kalayuan ang lugar namin sa eskwelahan kayat kinaylangan kong tumira sa bahay na inihandog ng unibersidad kaya narin hindi nakauwi ang aking nanay..

Unang araw ko sa eskwela ay parang bago ako ng bago samantalang akoy naka experience na neto ngunit accelerated lang naman kasi ako kaya hindi ko naranasan maging 2nd year college at 3rd year college, ngayon ay susulitin ko ang pagkakaroon ng magandang buhay kolehiyo.

isang dahilan nadin ito para makalimutan ko si cravour...



"OUCH!!" hays kapag talaga si cravour ang iniisip ko nawawala ako sa sarili unang araw disgrasya agad agad hay nako.

"Sorry yah! harang harang kasi ee ayan nalaglag tuloy mga gamit ko" sambit ko hay nako sira na agad ang araw ko tsk.

"pasensya na miss nagmamadali din kasi ako malalate na ako sa klase ko" pagangat ko ng ulo ko ay napanganga nalang ako sa nagsasalita, pucha!

"Cravour!!!????" sabi ko.

napatulala siya at parang sinusuri ako.

"Sorry miss pero hindi ako si cravour na sinasabi mo, at kung sino man yon ayoko ng maging siya dahil nagiisa lang ang gwapong tulad ko sa mundo" napatulala ako habang nagsasalita siya, pero si cravour siya kamukhang kamukha niya si carvour at kulay lang ng mata ang naiba.

"nagka amnesia kaba cravour? tyaka grabe contact lens mo ha." sambit ko na may pagkabigla.

"sorry miss ha hindi ako si cravour at hindi ako nagkaamnesia at hindi rin ako naka contact lens, and wait ha see you around nalang dun nalang tayo magpatuloy ng paguusap kapag nagkita ulit tayo kasi miss late na ako sa klase at baka ikaw din its already 8:30 at obviously 8 ang simula ng klase at parang tayong dalawa nalang ang nandito sa labas" tulala parin ako ngunit tumingin na ako sa orasan at oo nga shit 8:30 na omaygash.

"oo nga omaygash late na ako!" sabi ko, "bye ha" lakad takbo akong umalis sa kinatatayuan ko kanina at nakita ko naman siyang nag wave ng kamay niya..

akyat akyat akyat, grabe halos magkandarapa ako sa kakaakyat dahil 7th floor pa ang klase ko pagka panik ko ay eksaktong 9 na kaya parang zombie akong naglakad dahil panigurado sa unang araw na to ay sermon ako..

Sex with My Hot StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon