HOT AND COLD
hindi matanggal ang titig ko kay cravour, ang gwapo niya lalo siyang naging hot sa ulan, bumakat ang abs niya sa basang basa niyang damit, napatitig ako dito at nagising lang ako sa pagkatulala ng magsalita siya.
"done checking me?" Aniya.
napapitlag ako ng bigla siyang magsalita.
"Ye-yes. I-I mean No! Im not checking you, I wa-was just thinking bakit ka a-andito?" sabi.
"So what's the reason why you're stammering?" aniya. aba loko to ah.
"Im not! bakit ba kasi andito ka ha?!"sabi ko.
"So hospitable you are shammy, bawal ba ako pumunta?" he said using a cold tone habang nakatitig ng mapungay sa akin.
"Haist! tingnan mo basa kana! sumilong ka nga dito sa payong!! nako nako tara sa loob magpalit ka!!" pagdidivert ko ng usapan, kung alam mo lang cravour napakasaya ko na andito ka.
pinayungan ko siya at hinatak papasok sa loob, dinala ko siya sa sofa at pinaupo tyaka ako dumiretso sa kwarto para kumuha ng tuwalya..
"ah e-eto tuwalya, ahm ano ayun yung c-c.r sa kwarto ko, diretso ka lang don. hahanap lang ako ng da-damit na pwede mong isuot,meron naman atang naiwan si si cra-craven dito" sabi ko. ano ba shammy bakit ba nauutal ka!
tumango lang siya at dumiretso na sa kwarto,pumunta naman ako sa guess room na kwarto ni craven pag dito siya natutulog, alam ko madaming siyang biniling bagong damit kanina sa mall para daw may damit siya dito at I think magkakatawan naman sila kaya walang problema.
Kumuha ako ng isang white v-neck tshirt na sa palagay ko ay kakabili lang ni craven dahil may tag price pa, mukha namang inuwi niya na lahat ng lumang damit niya dito at pinalitang ng bago, naghalughog at nakita ko na puro pambahay lang na damit ang meron dito at walang panglakad kayat kinuha ko nalang ang jersey shorts na andito, wala na akong choice puro jersey short at puro v-neck tshirts lang ang andito na ibat ibang kulay, buti nalang kahit papano bumuli din siya ng mga calvin kleins na underwear.
pagkakuha ko ng damit niya ay dumiretso na ako sa kwarto ko, hindi padin tapos maligo si cravour kayat inilapag ko nalang sa kama ko yung mga damit at lumakad papunta sa tapat ng banyo.
kakatakot na sana ako para sabihin na nasa kama na ang isusuot niya ng biglang bumukas ang pinto ng c.r
Nanlaki ang mata ko at I can't help but to stare at his breath taking body, well nakasaplot naman ng tuwalya ang ibabang parte niya pero nakikita ko padin ang hubog na hubog na v line niya at abs..
"So, I guess you like the view huh?" sabi niya na nakapagpapitlag sa akin, napalunok ako ng mariin hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatulala sa katawan niya. Ano ba sham asan kaba? nawawala ka nanaman sa sarili mo!
"Ahh so-sorry, ahm ayun na yung ano, yung damit na pwede mong isuot tyaka kukunin ko na din yung damit mo pa-para malaban ko na, para mapatuyo at may masuot ka pag uuwi kana" sabi ko sabay talikod, hindi ko alam kung ano itsura ko sa harap niya paniguradong sobrang pula ko tsk! nakakahiya ka sham! mabilis akong lumabas ng kwarto ko at isinara ito, nakangisi lang naman kasi si cravour kanina!
parang natatawa pa siya sa itsura ko! hay nako ano ba sham! itext mo nalang nga si craven! para pumunta na siya dito!
kinuha ko ang cp ko at may message na ito galing kay craven.
Besty Craven:
Hi shammy baby! sorry I can't come tonight, napakalakas ng ulan at hindi humihinto, Dad's overacting here baka daw maaksidente ako sa daan kasi madulas, watch some news may bagyo daw, Take care there ilock mo na ang pinto and go upstairs dun kana matulog baka kasi bumaha pa!! Sorry sham! take care of yourself! I love you! (kiss emoticon)