Erykah Sunshine
Driver
.
Nakaupo ako sa waiting area sa loob ng firm na ito. Malaki ang gusali. Mataas at maraming palapag. Ang sabi ni Nanay, ay may iba't-ibang departamento ang bawat lebel at magiging madali lang din sa akin ang paglilinis kapag nasanay na ako.
Bitbit ang konti kong dokumento ay matiya akong naghintay sa kaibigan ni Nanay. Siya raw ang magpapasa nito sa HR para sa posisyon na janitor.
Okay na ako sa trabaho na ito. Ang kailangan ko lang ay may matutuluyan ako pansamantala. Kapag kasi natangap raw kasi ako ng kompanyang ito, ay may sarili silang unit para sa in-house cleaners nila.
Dalawang oras na akong nahihintay at halos kasabay ko ang mga pormal na applikante kanina. Tapos na silang lahat. Nagsi-uwian na nga ang lahat sa kanila at heto, ako na lang ang natira.
Humugot ako nang malalim na hininga at saka tinitigan ang babae sa reception desk. Ngumiti ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako napapansin o baka naman sanay na sila sa dami ng tao sa bawat araw rito, at wala lang sa kanila ang ngiti ko.
Gutom na ako.
Hindi man lang ako nag kape. Maaga kasi ang sabi ni Nanay. Eh ba't hanggang ngayon ay wala pa ang kaibigan niya?
Ang tagal naman ah.
Tatayo sana ako para maunat ang kamay, pero nahinto akong saglit nang mamataan ko ang pamilyar na anyo niya sa harapan. Distansya lang ang layo niya at nakatitig siya sa akin ngayon.
Oh my goodness, does he work here?
I smiled when he strode closer to me.
Umayos ako at saka ngiting tinitigan siya. Hindi ko inaashan ito, pero masaya ako na maliban kay Nanay ay may isa pa pala akong magiging kaibigan rito.
"Are you one of the applicants?"
Kumurap ako. "Yes, sir! At your service." Ngumiti ako sa kanya. Hinihintay ko na sabihin niya na kilala niya ako at nagkita na kami sa New York SOLO FF. Pero mukhang nakalimutan na niya yata, dahil iba na siya makatitig sa akin. At sa tingin ko hindi na niya ako maalala.
"Can you drive?" Sabay bigay niya sa susi.
"Yes, sir." Tinangap ko ito at tulala kong tinitigan ang susi sa kamay ko.
Parte ba ito ng trabaho ng isang janitor ang ipag-drive siya? Sino ba siya? Baka siya nga naman ang big boss sa kompanyang ito. Sabi kasi ni Nanay ay lalaki ang big boss ng firm na ito.
"P-Parte pa ba ito ng trabaho ko, sir?" Kurap ko at ngumisi lang siya.
"It's just a test. Follow me." Sabay talikod niya.
I have no choice anyway but to follow him. My life is in danger at the moment, and I want to get this job. I will hide as of now. I don't want Emelda to find me, and doing this type of job is my best solution to everything.
"Address po, sir?"
Nakahanda na ang kamay ko para e-encode ang address niya. High-tech ang sasakyan na ito at may built in GPS. Kahit naman wala ay kaya ko naman mag-drive sa sarili, pero dahil baguhan pa ako sa lugar ay medyo mahihirapan ako rito.
Ibinigay niya ang blue na notepad at binasa ko ito.
"I need to be there in fifteen minutes." Napatingin siya sa relo.
"F-Fifteen minutes, sir?" awang ng labi ko. Kahit pa thirty minutes ay mukhang imposible ito. Alam ko ang lugar at isa ito sa sikat at mamahaling residential penthouse area na medyo labas na sa syudad. Malapit din ito sa malawakang golf course.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...