57. Closer

902 45 7
                                    



Erykah Sunshine

.

"Umalis na si Elmelda kasama si Elloida. I don't think she wants to push more for this case. Alam niyang marami siyang kasalanan... the best option that Judge Caladios offered her was to walked away without anything. Nakakapagtaka nga eh. Inakala ko pa naman na lalaban siya. Eh, hindi na. Kaya okay na ang lahat, Erykah."

Kausap ko si Samantha sa kabilang linya. Dinetale niya ang nangyari. The board of directors expelled Emelda. Sangkot din si Emelda sa milyong dolyares na funds na magpahanggang ngayon ay nawawala.

Sumakit ang ulo ko nang ma-e-presenta ni Samantha sa akin sa email ang legder ng kompanya ni Papa. Hindi ko alam kung paano aayusin ito, at saang anggulo ako magsisimula. Ayaw kong magbawas ng tao, dahil alam kong umaasa lang din sila sa kompanya ni Papa.

"The only solution we could do, Eres, is to shut the other branch in San Francisco. Kung gusto mo na ma-e-salba ang New York. Wala tayong choice, Eres. Ito lang din ang nakikita namin solusyon."

"I have to check it first, Sam," I sighed, feeling frustrated.

"Then you have to come here at least."

Pumikit na ako at bahagyang inikot ang katawan ko para sana matingnan kung nasaan si Glenn. Namilog ang mga mata ko, dahil hindi ko siya naramdaman na nasa likod ko na pala siya/

"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"I will call you again, Sam. Bye," I said, ending the call. I turned back to Glenn and smiled.

"Kanina ka pa ba?" I asked again, getting close to him.

"Ngayon lang. Are you going to New York?" he looks worried.

"I'm not sure. Samantha wants me to verify my father's remaining assets. I suppose I need to be there, right?"

"Then, I will accompany you. That's easy."

I pouted sweetly, and he chuckled slightly. His hands looped around my waist. We gazed at each other, and I sensed his curiosity about my life and my father's business, but he kept it to himself.

"Abala ka pa sa construction ng company mo. Makakapaghintay naman yata sila sa akin doon. Saka na tayo pupunta kapag tapos na ang mga pendings mo."

He kissed my forehead and then nodded. Niyakap ko na si Glenn nang mahigpit at nawala lahat ang pag-aalala ko sa negosyo. Alam kong nag aalala si Samantha. Maraming kaso si Emelda sa kompanya ni Papa. Kaya ang pag alis niya bago nakabalik si Judge sa Amerika ay malaking palaisipan kung paano niya ito natunugan.


Bumalik kami ni Glenn sa VB resort at tinulungan ko siya sa lahat. Madaling natapos ang sa akin at si Glenn ay bumisita ulit sa construction site. 

Nakabuntot si Manong Max sa akin. Palagi naman at nagtaka na ako. Simula kasi ng makilala ko si Manong Max ay talagang pinagmamasdan na niya lahat ang kilos ko.

"Manong, aren't you tired of following me?" Isa-isa akong namili ng mga apples. Pinili ko iyong magaganda at mukhang crunchy sa tingin ko.

Nasa palengke kami ni Manong Max. Kampante na ako sa kanya. Maayos siyang kasama at nabibitbit niya lahat ang mga pinamili ko. Gagawa ako ng apple pie mamaya para sa dinner dahil bibisita raw ang Papa ni Glenn mamaya. May sasamahan daw ang Papa niya.

"Hindi po, Ma'am Erykah." Naging pormal ang boses ni Manong. Nakatingin ang mga mata niya sa mga apples na pinipili ko.

"Ilang taon ka na ba, Manong?"

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅      Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon