Erykah Sunshine
.
"So, that's how you know my name?" Malakas akong natawa nang malaman ko ito.
"Oo. I couldn't be bothered asking if I could go with you because you are fast. But then again, I caught you just in time."
Napailing ako sa sarili habang nagmamaneho. Katabi ko lang siya. Ang akala ko ay may espiya ang mga mata niya, pero mali ako. Nalaman niya lang ang pangalan ko sa reception borrowing desk nang mag renta ako ng golf ECAR. Panghuli na raw itong akin at doon niya nabasa ang pangalan ko dahil nasa likod ko naman siya. Hindi ko siya napansin.
"Madalas ka bang naglalaro mag-isa?"
"Ngayon lang. Hindi sumipot ang dalawang kaibigan ko dahil abala sila sa mga anak niya. Kaya nag-iisa ako rito."
"Aw..." Nginitian ko siya at saka ibinalik ko ang mga mata sa daan. "Then, you should have taken your girlfriend with you," suhesyon ko.
"I don't have one." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Nakita iyon ng mga mata ko.
"Pihikan ka siguro ano? Kung sa bagay hindi ka naman mauubusan... I'm sure marami ang nakapili sa 'yo." Bahagya akong natawa. Malapit na kami sa center sports club.
"I'm not really. I can just randomly select a wife. My heart has to choose it, not my eyes."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Dapat kasi ang puso ang pipili at hindi ang mga mata. At sa sitwasyon namin ni Glenn ay ang mga mata ko ang pumili kasama na ang utak ko.
Walang pagmamahal ang kasal namin, dahil purong plano at kagustuhan lang para sa pangarap ni Glenn at gusto ko. Ganun lang iyon at wala ng iba pa.
"I wish you all the luck upon finding the right one. Huwag mo rin masyadong taasan ang standard mo. Hindi lahat ng babae ay perpekto, at hindi lahat nang katangian ay nakikita sa iisang tao lang." I smiled bitterly.
My point is, Glenn has most of the qualities I was searching for that was in my list of will. But as perfect as I want a husband, there's no way a perfect prince charming will come.
"Are you married?" Tanong niya nang bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Suot ko ang wedding ring namin ni Glenn.
"Hmm, sort of. But not here in this country."
"I see. He didn't register it here?" he slightly smiled.
"Hindi pa puwede. It's a long story and confidential. . . Malapit na tayo!" Ngiti ko sa kanya pabalik.
"Do you love him? I'm sorry if that's too personal. You don't have to answer me."
Inihinto ko na ang ECAR sa mismong parke nito at saka tinitigan siya na nakangiti.
"I'm not sure, but he is not bad."
"So, it's a legal agreement. I see..." Bumaba na siya at kinuha ang dalawang golf set sa likod. Umayos na din ako at akmang kukunin sana ang golf set ko sa kamay niya, pero inatras niya ito at napatingin na ako sa mukha niya.
"Join me, please, for lunch, Eres."
"H-Ha? Ah, e."
"I won't accept a NO. Please," pa-cute na ngiti niya at natawa na lang akong bigla.
"Okay. If you say so." Wala na rin akong nagawa kaya sumabay na ako.
May dalawang bodyguard agad ang sumalubong sa kanya pagkapasok namin. Kinuha ng isa ang dalawang golf set sa kamay niya.
"T-Teka lang. Iwan mo nalang ang akin sa gilid ng reception desk. Okay lang d'yan," tugon ko sa isang bodyguard at tumitig agad siya kay Steven.
"Do you have a locker here?"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomantikUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...