20. Married

998 45 6
                                    


Erykah Sunshine

.

Nerve crackling. . . este, wracking.

Nanginginig ang tuhod ko at sadyang pinigilan ko lang ito. Peke akong ngumiti sa mga magulang niya, at malamig pa sa ice candy silang lahat makatingin sa akin.

I cleared my throat and glanced at Glenn beside me.

Naghahanap ako ng kakampi, pero mukhang wala akong maasahan kay Glenn. Dahil katulad din siya ng mga magulang niya. . . malalamig sila.

Maraming pagkain at ang sasarap nito. Pero hindi ako matutunawan sa gabing ito. Puno ng kaba ang puso ko at ang katahimikan nila ay dumadagdag lang sa pag-aalala ko ngayon.

"How did the two of you meet?" Cheska asked. I didn't expect that it was coming from her. I anticipated Glenn's parents would ask me that, but I was wrong.

"Uhm, we-we meet in New York," pekeng ngiti ko. Nakatitig ako kay Glenn, dahil siya naman ang katabi ko, pero mukhang wala siyang narinig. Panay lang ang pag-subo niya at ganoon din ang mga magulang niya.

"New York? I see. . . That's explained why kuya always go overseas. Ikaw pala ang dahilan." Ngiting galak ni Cheska. Mukhang okay sa kanya ang sagot ko.

"Ang cute! Gusto ko rin ng ganyan na love story. Iyong meant to be," dagdag niya.

"And how did you meet? Where?" Selecta raised her eyebrows as she looked at me seriously.

"Uhm, we meet at an exclusive auction."

"Oh, really? What sort? Ang alam ko mahilig si Tita sa mga auctions. Lalo na sa mga antigong gamit at mamahaling paintings. Right, Tita?" Tumitig na si Selecta sa Mama ni Glenn at tipid land itong ngumiti. Hindi siya sumagot sa tanong ni Selecta.

"I bet it was love at first sight?" Pa-cute ni Cheska.

Napakurap ako at ininom ko na ang tubig. At least I wasn't lying about how I first met Glenn. I met him at the SOLO FF auction. That was my first for him, and he wasn't paying attention to my presence. Ni hindi nga niya maalala iyon.

"So, who fell first?" tanong ni Selecta.

"It was me," direktang sagot ni Glenn. Ni hindi siya nagdalawang isip at basta-basta nalang sinagot ito. He never even looked at the two girls and me.

"Talaga? Ikaw Kuya Glenn? Tsk, unbelievable. . . So, that explains why you acted like that the other day when Tita Saber was here. Haha! Nakakatawa." Natawa bigla si Cheska.

"I'm happy for you Ate Eres. Good luck kay Kuya, okay?" Hinawi niya agad ang buhok at saka nagpatuloy na sa pagkain.

Ngumiti lang ako at hindi na ako umimik. Tumikhim ang Papa ni Glenn, at naging dahilan ito nang katahimikan ng lahat. Wala kang maririnig na inggay maliban nga lang sa mga kubyertos.

Natapos kami at lumabas muna ako sa harden para magpahangin. Tama nga naman si Glenn kanina. Wala raw sa posisyon na magtanong ang mga magulang niya. Hindi raw sila magtatanong, kaya wala na kaming pinag-usapan kung paano at kung ano kami nag simula.

I sighed as I felt heavy inside my stomach. I was right. I'm feeling the indigestion inside me.

"Ate Eres, wala kayong wedding ring?"

I whirled my body halfway when I heard Cheska's voice. It's bubbly to see her smile. I liked it because it gave me a comforting feeling. She then settled beside me.

"Meron. Teka lang." Dinukot ko agad ang kwintas sa leeg. Natabunan kasi ito. Pumailalim ang pendat sa damit ko.

"Here. Ang cute 'di ba?" Proud ako nang ipinakita ko ito sa kanya.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅      Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon