55. Trade

287 28 4
                                    



Erykah Sunshine

.

"Paano kita ipapakilala sa asawa ko aber? Seloso 'yon eh." I looked at Philip and he taunted.

"Just tell him I'm a good friend. Tell him the truth about who I am, Erykah."

Pinaikot ko lang ang mga mata ko habang inaayos ang seatbelt. Nasa loob ng eroplano kami, at parehong naka-business class kami. Katabi ko siya at makulit. Personality na ito ni Philip noon pa man. Maalaga rin siya pagdating sa kung sinong babaeng nakakasama niya. Kaya siguro na in love si Samantha sa ugali niya.

"Huwag kang dikit ng dikit sa akin ah. Sasabihin ko na matalik kitang kaibigan dahil iyon naman ang totoo. Pero hindi mo puwedeng sabihin kay Glenn ang tungkol sa pagkatao ko at sa kompanya."

Nagtagpo bahagya ang kilay niya. Pero ngumiti rin nang ma-e-serve ng attendants ang inomin namin. Ladies cocktail ang ini-order ko at wine naman sa kanya.

"Thank you, beautiful," he said flirtatiously to the attendant.

"Okay. If you say so, but I have already made an excuse for us, Erykah. Don't worry." he winked and tasted his wine. "I want to know your husband too. Sisiguraduhin ko lang kung mabuti ba siyang tao."

"Mabait si Glenn. Hindi na ako makakahanap ng iba na kagaya niya. Kaya huwag kang epal, okay?" Taas ng kilay ko, at natawa lang din ang walanghiya.

Hapon na nang makarating sa NAIA ang eroplano namin. Sa labas ay naghihintay ang pribadong sasakyan ng hotel na kung saan pansamantalang titira si Philip. Sumabay na ako. Malapit lang ang penthouse ni Glenn sa hotel ni Philip. I'll be staying at Glenn's old penthouse again.

"Dinner tonight?" he asked as I stepped out of the car.

"Bukas na lang. Pagod ako eh."

"Okay. Then, I will call you before bedtime, and I will see you tomorrow."


Isang maleta lang ang dala ko at maliit lang ito. Pumasok ako sa loob at nagkatinginan ang mga staff sa lobby ng gusali. Ngumiti ang iilan sa kanila sa akin, at ganun din ako.

Ang tagal ko ng hindi nakabalik dito, dahil nanatili ako sa VB ni Glenn. Hindi rin alam ng mga staff dito na asawa na ako ni Glenn. Wala silang alam, at wala ring alam ang companya niya.

Malamig at nakakabingi ang katahimikan ng pumasok ako sa loob. Segundo ko munang tinitigan ang maleta bago ako humakbang patungo sa kwarto.

For some reason, I felt lonely, and a part of me was missing. It was my heart because I missed that one person.

Hindi na muna ako pumasok ng kwarto. Pagod ang katawan ko, at gusto ko lang ma upo saglit. Laking gulat ko nang kusang bumukas ang magarbong kurtina sa harapan, at ang ilaw ng mga kalapit na gusali agad ang nakikita ko rito.


I sighed as I stepped toward the glass wall, unbothered by how it opened. The apartment had a small balcony outside, enough for you to build a tent if you choose to sleep outside.

Iyon nga lang, takot ako sa matataas na gusali, kaya hindi ako masyado na lumalabas sa tuwing nandito ako. Pakiramdam ko ay parang liliparin ang kaluluwa ko sa tuwing tumitingin ako sa baba.

Nagtagpo bahagya ang kilay ko nang mapansin ko ang ilaw ng kandila sa labas sa ibabaw ng mesa. Kinabahan ako.

May pumasok rito? Sino?

Binuksan ko ang sliding glass door at napangiti ako sa sarili nang makita ang dosenang bulaklak sa ibabaw ng lamesa.

I looked around, trying to find Glenn around the corner. He told me today before my flight that he will be back tomorrow. But who knows? Baka nga nandito na siya at sorpresa lang din niya ito.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon