Gaea's POV
I am Gaea Jazelle Quinn, a forensic investigator. Mostly ng mga katulad ko ay nasa laboratoryo, nag-eexamine ng mga crime evidence, but I am different. I am 5'5, average height ng babae sa Pilipinas. Matalino ako, sabi raw nila, at maganda, sabi nila 'yan, ah, di ako nagsabi.
Nasa isang meeting ako ngayon para sa isang kaso. May natagpuang bangkay kasi sa tabi ng ilog at hindi lang isa kundi dalawang bangkay ang natagpuan: isang matandang lalaki na nasa edad 50-60 at isang batang babae na nasa edad 14-18 years old. Parehas silang binalatan at isinuot sa manikin ang mga balat nila. Ang mga manikin naman ay nasa kalsada at dinadaanan lang ng mga tao.
Nakakadiri, right? Yeah, nakakadiri at napaka walang awa ng gumawa nito kaya agad naming nilagay sa homicide ang kaso dahil hindi pa ito macoconsider na serial killing dahil sa dalawang tao lang naman ang natagpuan. Bumuntong hininga ako at sinenyasan ang assistant ko na ipagtimpla ako ng kape dahil naboboring ako sa sinasabi ng nasa harapan ko.
"Anong gagawin natin ngayon at hindi natin matrace kung sino ang gunggong na gumawa nito?" saad ni Lieutenant Ava na ngayon ay kunot ang noo saka ito tumingin sa akin na para bang inaantay niyang magsalita ako.
"Wala tayong magagawa ngayon kundi mag-intay. Walang CCTV sa crime scene at lalong walang nakitang fingerprint ng kahit sino sa bangkay. Wala ding nakitang kahit anong gamit sa area kaya napaka-impossible ngayon na matukoy kung sino ang gumawa," malumanay at kalmadong sabi ko at tinignan ko sila ng seryoso.
Inilapag ng assistant ko ang black coffee sa harap ko at nilagyan ko iyon ng limang cubes ng asukal at hinalo. Iniisip ko kung paanong nagawa ng isang tao yun. Ang mag-iwan ng halos walang bakas ng kahit ano at halos perpekto ang pagkakabalat niya ay nakakatakot. Para siyang si Jack the Ripper.
"Anong gagawin natin ngayon, tunganga!?" sigaw ng isang lieutenant habang nakatingin sa akin ng masama para bang ang sama ng sinabi ko eh nagsabi lang naman ako ng totoo.
"Katulad ng sabi ko, wala tayong magagawa sa ngayon," madiin kong sabi at nilabanan ang masamang tingin nito ng seryosong tingin ko. Napairap lang ito at nagtigbagang na tumayo.
"Hindi pwede 'yang gusto mo, Ms. Jazelle. Kami ang malilintikan kung ganyan ang gagawin mo, at kilala mo ang mga nasa itaas. Di sila manonood lang," sambit naman ng isang detective na nasa kaliwa ko.
"Ang sinabi ko lang naman, wala tayong magagawa sa ngayon dahil wala tayong kahit anong lead pero hindi 'yun dahilan para hindi tayo kumilos. Kung basta-basta lang kayo huhuli ng kahit sinong makita nyo ng walang sapat na ebidensya, mas nakakahiya 'yun." Pagkasabi nun, sumipsip ako ng kape at napapikit dahil sa sarap ng lasa nun.
Yung matamis na lasa ay nanatili sa dila ko na nagpaparelax sa akin. At wala akong pakialam sa mga nasa harapan ko. Bahala sila mag-away-away pero dahil ako ang in charge, wala silang magagawa.
Someone's POV
"Pasintabi po! Sa mga kumakain dyan, dalawang bangkay ang natagpuan sa isang ilog sa Barangay San Juan na binalatan at isinuot ang balat sa manikin! Nakilala ang dalawang bangkay bilang si Sofia Ray, isang 16 years old, at si William Santiago, na 67 years old. Hanggang ngayon wala paring lead ang mga autoridad ukol dito. Iyan pa ang ibang balita. Back to you, Melissa."
Napatingin ako sa tunog ng TV at napangiti. Ang bilis nilang mahanap yung bangkay, napakagaling. Akala ko mahihirapan silang mahanap yun at masisilayan ko pa ng mga ilang araw pero mukhang hindi na. Kailangan ko na ng bago para naman magka-lead na sila sa kaso nila.
"Grabe yung ginawa sa matanda saka dun sa batang babae, no?" rinig kong sabi ng lalaking umupo sa harap ng bar counter para siguro uminom.
"Oo nga eh, sino kayang gago ang gumawa nun? Napaka-walang awa. Jusko, kaawaan sana siya ng Diyos sa ginagawa niya," sagot naman ng kasama nito.
Nakangiti lang ako sa kanila at mukhang busy pa sila sa pag-uusap. Totoo naman yung sinabi ng kasama nito na walang awa ako. Ikaw ba naman, balatan ang dalawang tao at isuot ang balat nila sa mga manikin, ay walang kasing sama. Pero para sa akin?
Isa iyong art kung saan napapakita ko ang aking nararamdaman at ang aking nais.
"Ano pong order nyo, mga sir?" maligayang tanong ko sa kanila.
Well, mukhang alam ko na kung sino ang next na target ko. Maganda sigurong gawin silang...........
Estatwa.
TO BE CONTINUE..............
BINABASA MO ANG
A Killer's Obsession
Mystery / ThrillerA killer and a detective. Gaea. A genius detective, She's a maldita and self-centered person. Mapride at well maganda. All of the mission she handles will be solve perfectly. But......... Will she solve this case?.... Mahuhuli nya kaya ang crimin...