VeintiUno: Find Me.

237 11 1
                                    

Hi! I'm sorry for not being able to update this long but sana magustuhan nyo.


Gaea's POV

Dumiretso ako sa kwarto kung saan ko iniwan si Carrie. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, pero kailangan kong malaman ang totoo mula sa kanya. Hindi ko kayang itago ang sakit at mga tanong na bumabalot sa akin.

Pagbukas ko ng pinto, agad akong kinabahan. Tahimik ang buong kwarto—wala si Carrie. Agad akong pumasok at  mabilis na hinanap siya. Naandito lang siya kanina, pero ngayon, para syang nawala na parang bula. Ang kama ay maayos, walang bakas na may natulog dito o may humiga manlang.

Where the fuck is she?.

Napaupo nalang ako sa kama at napansin ko ang isang maliit na papel na nasa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong kinuha ito. Pagbukas ko ng papel, isang maikling mensahe lang ang nakasulat.

"FIND ME" - L

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa bigat ng nararamdaman ko hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam kong hindi si Carrie to. Pero kilala ko ang sulat-kamay na 'to—sulat 'to ni Carrie. Pero bakit may "L"?.

Sino si "L"?

At bakit ganito ang ginawa ni Carrie?

Bakit siya biglang nawala?

O tumakas sya?

Nilapit ko ang papel sa mukha ko, nagbabakasakali na may iba pa akong makikitang clue. Pero wala. Yun lang—"FIND ME" - L.

Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng alam ko tungkol kay Carrie kahit wala naman talaga. Mga hinala, mga pagbabago sa kilos niya nitong mga nakaraang araw. Pero ngayon, mas maraming tanong kaysa sagot. Ewan nababaliw nako. I'm supposed to examining the crime na hinahawakan ko pero hindi ko alam gagawin ko.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, pakiramdam ko, mas lalo akong nalulunod. Napaupo ako ulit sa gilid ng kama, hawak pa rin ang papel.

I need to fucking find that women.













Someone's POV

Habang nagmamaneho ako palayo sa ospital, ramdam ko ang adrenaline na pumupuno sa sistema ko. Mga ilaw ng kalsada ang nagsisilbing gabay ko sa dilim ng gabi.

Tahimik lang ang paligid, pero sa loob ng utak ko, ang dami kong iniisip. Mabilis akong tumakas mula sa ospital, hindi makapaniwalang napakadali kong naiwan si Jazelle. Mahina. Hindi niya ako kayang pigilan. Akala kopa naman suitable na sya para maging laruan pero..... Hindi pa naman tapos ang laro namin dalawa.

Ngumisi ako at lalo pang binilisan ang pag papatakbo ng sasakyan.

Nasa abandoned building ako, malayo sa kabihasnan at halos natatakpan ng mga lumang gusali at halaman. Walang sino mang mag-iisip na may tao dito, kaya para sa akin, ito ang perpektong base. Walang mag hihinala na naandito ako.

Pagdating ko sa harap ng pinto, walang ingay akong bumaba mula sa kotse. Pumasok ako sa loob alam kong walang makakapansin sa akin. Walang tao sa paligid eh para akong nasa gitna ng gubat. Kung meron man hindi sila dapat nandito.

Pagdating ko sa loob, agad akong dumiretso sa control room. Ilang computers, servers, at screens ang nandoon, bawat isa ay may nagpi-play na live feed mula sa iba't ibang parte ng ospital at sa buong city.

Surveillance cameras sa bawat sulok—mga pasilyo, labas ng ospital, mga kalye, mga parke—lahat nasa ilalim ng kontrol ko. She has no escape from me.

Hinawakan ko ang mouse at binuksan ang isa sa mga feeds. Doon nakita ko si Jazelle sa loob ng room, hawak ang sulat na iniwan ko.

Natawa ako nang mahina. Nagtataka siguro siya, nahihirapan siyang intindihin ang mga nangyayari kahit gaano pa sya katalino impossible sa taong mafigure out ang isang bagay lalo na at nasa state of shock pa sya.

Hindi niya alam kung sino ako, kung ano ako pero sya alam ko kung sino at ano sya. Siya lang ang naiwang clueless sa larong 'to.

"Find me," bulong ko sa sarili ko. Hindi niya ako basta-basta makikita, hindi ganun kadali. Pero siya ang magsisilbing paboritong subject ko sa larong 'to.

Binuksan ko ang iba pang feeds. Kita ko ang bawat galaw ng mga pulis, ang galaw ng traffic sa buong city, at ang mga importanteng establishments na pinapanood ko. Hawak ko ang access sa bawat sulok ng City.

Napangiti ako ulit habang pinagmamasdan ang lungsod na parang laruan lang. Lahat ng tao, parang mga pawn sa isang chessboard na kaya kong ilipat kung saan ko gusto. Si Jazelle? Isang matigas na piraso, pero alam kong matutunaw rin siya pagdating ng tamang oras. Isang piraso na kailangan ko para durugin sya ng tuluyan.

Sisimulan ko muna sa ganito—surveillance, monitoring, at hints para lituhin siya. Unti-unti ko syang pahihirapan hanggang sa wala na siyang ibang choice kundi hanapin ako, hanapin si "L."





Let the game begin. Gaea Jazelle Quinn.













TO BE CONTINUE.............

Namiss kong mag sulat. Medyo busy lang.

A Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon