Quince: Bar

385 19 5
                                    

Gaea's POV

Isang linggo na ang nakakalipas ng mangyari yung sa office at hindi lang isang beses o dalawang beses yun nangyari halos araw araw nga kapag kami lang dalawa ni Carrie dito sa opisina.

Pagkatapos ng isang mahabang araw dito sa opisina, halos hindi ko na nararamdaman ang aking katawan sa sobrang pagod. Sa dami ng trabaho ngayong araw tila hindi na ito nauubos, at ang mga papel na kailangan kong tapusin ay parang patuloy na dumarami patuloy din kase sa pangungulit ang higher ups tungkol sa investigation.

Tumunog ang aking cellphone, at agad kong binuksan ang mensahe. Iilan lang din kase ang nakakaalam ng number ko kaya impossibleng wrong number sya.

Jazelle, let's go out tonight! Bar tayo, my treat. Kailangan mong mag-relax!

FROM: LEA

Napangiti ako. Si Leah talaga, laging alam kung paano ako pasayahin kahit sa pinakapagod na araw ko. She's my childhood friend kaya alam na alam nya ang kiliti ko kahit wala naman. Saglit akong nag-isip at naisip kong kailangan ko nga ng break. Tumugon ako agad,

"Sure, Leah. See you there!"

Pagkatapos ng ilang minuto, tinapos ko na ang trabaho ko at nagmadali akong mag-ayos. Kailangan kong makawala kahit sandali sa stress ng trabaho. Sa biyahe papunta sa bar, naisip ko kung nasaan si Carrie this past few days ay wala sya as in. Hindi sya macontact at kahit naman puro bayo ang ginagawa nun sakin nag aalala ako sakanya. I don't know why i am feeling this kind of thing na new pa sakin.

It scares me.

Pagdating ko sa bar, sinalubong ako ng masiglang tugtog at makulay na ilaw. Agad kong nakita si Leah na kumakaway mula sa isang mesa malapit sa bar counter. Nakangiti siyang lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Jazelle, you made it! I knew you needed this," sabi niya, at hinila ako papunta sa mesa. Umorder kami ng mga inumin at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw namin. Unti-unting nawala ang bigat ng stress sa aking balikat, i sometimes do this at sya lang ang natatakbuhan ko dahil lagi kong iniisip na baka maistorbo ko ang mga tao kung hihingi pako ng tulong nila.

Ngunit habang nasa gitna kami ng masayang pag-uusap, bigla kong napansin ang isang pamilyar na mukha sa sulok ng bar. Si Carrie. Ngunit hindi siya nag-iisa. Nakayakap siya sa isang babae, magkadikit ang mga mukha nila at tila ba hindi alintana ang mga taong nakapaligid.

Ang mundo ko'y biglang tumigil. Ang bawat hakbang papalapit sa kanila'y parang pasan ko ang mundo. Nang malapit na ako, napansin kong mas lumalakas ang pagtawa ni Carrie na kahit kelan ay hindi ko narinig kapag mag kasama kami. Para bang ipinapakita sa lahat na wala siyang pakialam. Parang ipinamumukha niya sa akin na kaya niyang gawin ang gusto niya, kahit na masaktan ako. Well wala namang kami pero sya ang nakauna saakin at hindi ko alam. Pero nasasaktan ako.

"Carrie," tawag ko, halos hindi marinig sa sobrang ingay. Ngunit nang marinig niya ang boses ko, bigla siyang tumigil at binitiwan ang babae. Sa sandaling iyon, nakita ko ang bahid ng gulat sa kanyang mukha, ngunit agad din itong napalitan ng mayabang na ngiti.

"Oh, Jaz," sabi niya, halos sumigaw dahil sa ingay ng musika. Jaz?.

"Nagulat ka ba? Wala lang 'to. Nag-eenjoy lang kami," sabi niya sabay tawa na parang wala lang nangyari.

Ang mga luha ko'y nagbabadyang bumagsak, ngunit pinilit kong pigilan. Ayokong makita niyang nasasaktan ako. Ayokong makita nyang mahina ako. Never.

"Nag-eenjoy? Ito ba ang tawag mo sa panloloko mo?" tanong ko, ang boses ko'y nanginginig sa galit at sakit.

"Relax ka lang, jaz. Hindi naman ito big deal atsaka panloloko? Meron bang tayo?," sabi niya, sabay kuha ng baso ng alak at nilagok ito nang parang wala lang na kaharap nyako.

Fuck this feeling.

Ang babae, na mukhang hindi alam ang buong sitwasyon, ay lumapit ulit kay Carrie at hinawakan ang kanyang braso. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Umalis ako ng bar, ang mga luha'y tuluyan nang bumagsak. Ang bawat hakbang papalayo ay parang kumakawala ang puso ko sa dibdib. I hate this.

Paglabas ko ng bar, sinalubong ako ng malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam sa mga butil ng tubig na unti-unting nag papabibigat sa aking damit at nagpapabasa sa aking mukha, nagpatuloy akong maglakad palayo. Ang ulan ay tila nakikisabay sa bigat ng nararamdaman ko, bawat patak ay parang kasabay ng bawat luha na hindi ko na pinipigilan.

Naglakad ako nang walang direksyon, ang mga hakbang ko'y pabigat nang pabigat habang ang paligid ay patuloy na nilalamon ng ulan. Parang nasa isang eksena ako ng pelikula, ngunit sa pagkakataong ito, ako ang bida sa isang trahedya.

Huminto ako sa gitna ng isang walang katao-taong kalsada. Tumigil, tumingala sa langit, at hinayaan ang ulan na bumuhos sa aking mukha. Ang malamig na tubig ay nagsimulang humalo sa mainit kong mga luha. Ang bawat patak ng ulan ay tila bumubura sa mga alaala namin ni Carrie, ngunit kasabay nito ay ang sakit na para bang hindi mawawala.

Habang naroon ako, walang akong pakialam sa pagdaan ng oras, napaisip ako sa lahat ng nangyari. Sa pag bigay ko dito at umasang sa pangalawang pag kakataon ay may taong mag iingat at aalaga saakin. Ang mga salita ni Carrie sa loob ng bar ay patuloy na nag-echo sa aking isip.

"Relax ka lang, jaz. Hindi naman ito big deal atsaka panloloko? Meron bang tayo?." Para bang pinagtawanan niya ang lahat ng pinagsamahan namin. Pero sa totoo lang tama naman ang sinabi nya

Ano nga ba kami?

Fuck buddy?

Friends with benefits? Actually hindi nga kami mag kaibigan.

She initiate it and i allow it so wala syang kasalanan. Kasalanan kong umasa at kasalanan kong maramdaman ang bwesit na pakiramdam nato. Nakakainis.

Nakapikit ako, ninanamnam ang bawat patak ng ulan, hinayaan kong ang kalikasan ang maging sumbungan ng sakit at galit na nararamdaman ko. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga kamay, tila iniisip na baka sakaling kaya ng ulan na hugasan ang lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko ngayon.

Ngunit kahit gaano kalakas ang ulan, alam kong ang sugat na iniwan ni Carrie ay hindi basta-basta maghihilom. Tumayo ako roon, hinayaan ang ulan na yakapin ako, umaasang balang araw, hindi kona sya makikita pa muli.


I hate you. Carrie.













TO BE CONTINUE............

A Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon