VientiTrés: Kidnapped (2)🔞

383 13 6
                                    

BAWAL SA BATA. BAHALA LA KUNG MAG BABASA KA BASTA NAANJAN NA YUNG WARNING

READ RESPONSIBLY.

Gaea's POV

Nang magising ako, ramdam ko agad ang bigat ng buong katawan ko. Parang walang natirang lakas kahit sa simpleng paggalaw. Nanatili akong nakahiga, at sa gilid ng mata ko, nakita ko si Carrie, tahimik at walang emosyong pinupunasan ang pawis sa noo ko gamit ang malamig na tela.

Sinubukan kong kumilos, pero halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Nang magtama ang mga mata namin, walang bakas ng awa o concern sa mukha niya. Ibang-iba siya sa Carrie na nakilala ko dati. Sa totoo lang, parang hindi ko na nga siya kilala ngayon.

"Bakit... bakit mo ginagawa 'to sa 'kin?" halos pabulong kong tanong, pinipilit ang boses ko na lumabas kahit tuyo ang lalamunan ko.

Tumigil siya sa ginagawa at sandaling tumingin sa akin bago bumaling at kumuha ng baso ng tubig. Walang imik, iniabot niya sa akin ito. Nang tanggapin ko, nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan akong uminom.

"Carrie..." mahina kong tawag, umaasang may sagot akong maririnig na magpapagaan sa lahat ng bigat na nararamdaman ko.

"Bakit mo 'ko sinasaktan?"

Hindi siya sumagot agad. Tumayo lang siya sa gilid, parang wala lang ang tanong ko, at saka nagsalita nang malamig.

"Hindi mo kailangan malaman lahat ngayon, Jazelle. Wala ka nang magagawa. Nandito ka na."

Ramdam ko ang dagok ng bawat salita niya. Walang emosyon, walang paliwanag. Para bang wala akong halaga sa kanya, na para bang isa lang akong bagay na hawak niya ngayon. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot at kawalan ng pag-asa. I lost my will to fight her the moment i see those face.

Tahimik ako, pero sa loob loob ko, puno ako ng mga tanong. Ano na bang nangyari sa kanya? Bakit ganito na si Carrie? Pero higit sa lahat, paano ako makakatakas sa ganitong sitwasyon?.

Nang tapusin ko ang iniinom kong tubig, naramdaman ko ang malamig na kamay ni Carrie na dumampi sa braso ko. Mahina niyang itinaas ang mga kamay ko dahil pag gising ko ay wala ng posas ang kamay ko, atsaka dahan-dahan akong binibihisan. Nakaalalay siya, pero hindi ko maramdaman ang dating pag-aalaga nya sakin. Walang pag-aalala, walang init sa mga kilos niya wala akong maramdaman. Para bang ginagawa niya ito dahil kailangan, hindi dahil gusto niya.

Tahimik pa rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung paano magsisimula ng pag-uusap, o kung dapat pa nga bang magsalita. Nakatingin ako sa kanya, sinusuri ang bawat galaw niya, pero hindi siya tumitingin pabalik. Lalo akong kinabahan. Ibang-iba ang Carrie na nasa harap ko ngayon-walang init sa mga mata niya, at parang wala na siyang natitirang emosyon sa loob loob nya.

Pagkatapos akong bihisan, lumapit siya sa isang tray na nakahanda sa maliit na lamesa sa tabi ng kama. May pagkain doon-isang simpleng ulam at kanin. Kinuha niya ang kutsara at, sa malamig na boses, sinabing,

"Kumain ka."

Hindi ako gumalaw. Tinitigan ko lang ang pagkain, parang hindi ko kayang nguyain kahit isang subo. Pero wala akong choice-kailangan kong kumain para makabawi ng lakas. Mahina kong binuka ang bibig ko, at siya mismo ang nagpakain sa akin. Mabagal ang bawat subo, at bawat lunok ko ay parang may mabigat na pakiramdam na bumabalot sa sikmura ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagkain o dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Habang sinusubuan niya ako, napansin ko ang kakaibang lamig ng mga mata niya. Walang ni isang bakas ng emosyon. Tahimik akong nagtatanong sa isip ko,

Bakit ganito?

A Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon