N/A: Editing this while walking through the bridge looking in the water feels like i want to jump. I looked into it for almost 20 minutes and i decided to edit and publish this because i want to sleep so i can see her.
Someone's POV
Nakatutok ang baril ko kay Carrie Lorjin Sebastian, o kung sino man ang kaharap ko ngayon. Alam kong hindi na siya ang dating Carrie na kilala ko. Nakikita ko kung paano niya ayusin ang kanyang suot kalmado, walang emosyon. Parang walang kahit anong mali sa paligid niya, kahit pa alam ko kung anong klaseng tao na siya ngayon.
Huminga ako ng malalim mula sa likod ng isang pader, tahimik na nasa anino, handa ng barilin sya. Kailangan ko itong tapusin. Bawat galaw niya, bawat segundo na tumatakbo, mas nagiging maliwanag sa akin na hindi na siya puwedeng hayaang magpatuloy sa ganito kailangan kong gawin to para kay Gaea.
Ang mga kamay ko ay steady na steady, matagal na akong sanay sa ganitong sitwasyon. Pero sa pagkakataong ito, iba ang bigat ng sitwasyon. Bago ko pa magawa ang dapat gawin, isang huling sulyap ang binigay ko. Tumama ang mga mata ko sa kanya, at sa isang iglap, alam kong wala nang ibang paraan.
Sinigurado ko ang anggulo at saka ko pinakawalan ang bala—isang malinis, matalim na putok. Sa bilis ng paglipas ng oras, sigurado akong tatama ito kay Carrie. Pero bago pa man umabot ang bala sa kanya, isang bagay ang sumalubong.
Hindi ko inaasahan iyon. Si Gaea—bigla siyang sumulpot mula sa kung saan at sinalo ang bala. Bumagsak siya sa harap niya, sa mismong mga kamay ni Carrie. Para bang lahat ng oras ay tumigil. Dahan-dahan siyang bumagsak, at kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatitig kay Carrie, puno ng emosyon, habang unti-unti siyang nawawalan ng malay.
Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Walang tumatakbo sa utak ko kundi ang tanong,
"Bakit, Gaea?" Naibigay ko ang lahat ng enerhiya ko para protektahan siya, para tapusin ang kabaliwan ni Carrie, pero heto siya ngayon, tumayo sa harap ng isang bala.
Nakatingin si Carrie pababa kay Gaea, at kahit hindi ko marinig ang mga salita, alam kong may binubulong siya sa kanya.
Gaea's POV
Hirap akong huminga habang nakatitig sa mga mata ni Carrie. Hawak niya ako ng mahigpit, para bang takot siyang mawala ako anumang sandali. Pero sa kabila ng lahat ng sakit, ng hapdi ng sugat ko, alam kong ito na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
“Carrie…” mahina kong tawag, halos pabulong na, pero alam kong narinig niya. Nakatitig siya sa akin, kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat, takot, at pagkabahala.
"G-gaea... hindi, huwag. Hindi ka pwedeng mawala," nanginginig ang boses niya habang pinipilit niyang pigilan ang pag-agos ng dugo ko. Hawak niya ako na parang ako lang ang mahalaga sa mundo, na parang hindi niya kayang mabuhay nang wala ako.
“Carrie... mahal kita. Mahal na mahal kita.” Nilabanan ko ang bawat sakit para lang masabi ang mga salitang iyon. Nakita ko ang panginginig ng mga labi niya, parang hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.
“Hindi… Gaea, wag kang magsalita ng ganyan. Hindi pwede, hindi ka pwedeng mawala. Lalaban ka, aayusin natin ‘to. Gagawin ko ang lahat, just stay with me.” Desperado ang boses niya, kita ko ang takot at paninikip ng dibdib niya.
Ngumiti ako ng mahina, hinahaplos ang mukha niya gamit ang nanginginig kong mga daliri.
“Kahit sino ka pa, Carrie... kahit si Lorjin ka pa. Mahal kita. Hindi mo kailangang magtago sa akin. I see you… I know you."
Nagulat si Carrie. Kita ko sa mga mata niya ang pagkawasak, ang galit sa sarili. Napapailing siya habang pinipilit hawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
“Gaea, please... Please don’t leave me. I need you. You’re all I have left."
“Carrie…” bumigat ang mga mata ko, pero pinilit kong manatiling gising.
“Kahit saang timeline... kahit saang mundo, kahit anong oras... mamahalin kita. Ikaw lang.”
Umiling siya, mas lalo siyang nanginig.
"Gaea, please, wag kang magsalita ng ganyan. I... I can’t lose you. Not now. Hindi ko kaya."
Ramdam ko ang init ng mga luha niya na tumulo sa mga pisngi ko. First time ko siyang nakitang ganito—fragile, vulnerable, at desperado. Hindi ko alam kung kailan niya huling naramdaman ang ganitong sakit, pero alam kong hindi niya ito pinakikita kahit kanino. Hindi siya Lorjin ngayon, hindi siya Carrie na kilala ko. Siya lang... siya lang ito.
"Mahal kita, Carrie," ulit ko.
"Kahit gaano pa kadilim ang mundo mo, nahanap ko ang liwanag doon."
"Gaea, no... Please don’t say goodbye." Nanghihinang boses niya. Halos hindi ko na naririnig dahil parang unti-unting humihina ang lahat. Pero hawak ko pa rin siya.
“Mahal kita…” ulit ko, at doon ko na naramdaman ang tuluyang pagkabagsak ng katawan ko sa bisig niya.
"Gaea, no!" sigaw ni Carrie, halos pabulong pero puno ng pighati. Pinilit niya akong gisingin, pero alam kong hindi ko na kakayanin.
Habang bumabalot na ang dilim sa paligid,
ang huling bagay na naramdaman ko ay ang init ng yakap niya.
END.
BINABASA MO ANG
A Killer's Obsession
Детектив / ТриллерA killer and a detective. Gaea. A genius detective, She's a maldita and self-centered person. Mapride at well maganda. All of the mission she handles will be solve perfectly. But......... Will she solve this case?.... Mahuhuli nya kaya ang crimin...