VientiCuatro: Her Past

254 13 1
                                    

Carrie's POV

Bata pa lang ako, alam ko nang iba ako. Tahimik lang ako noon, laging nasa isang sulok habang pinapanood ang ibang bata na naglalaro. Gusto ko rin sana sumali, pero kapag lumalapit ako, binabato nila ako ng masasakit na salita. “Duwag,” “mahina,” “walang kwenta.” Hindi ko alam kung bakit nila ako ginaganun, pero hindi ko na lang pinapansin. Tinanggap ko na lang na ganun talaga.

Isang araw, umuwi ako ng bahay na may mga pasa sa braso at tuhod. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong nasaktan ng mga kalaro ko. Pagpasok ko, nakita ako ni mama. Tiningnan niya lang ako, walang salitang lumabas mula sa kanya. Hindi ko alam kung nasanay na ba siya sa ganitong eksena o hindi na lang niya talaga alam kung anong gagawin. Si papa, laging wala. Lagi siyang nasa trabaho, kaya wala rin siyang ideya sa nangyayari.

Pero isang gabi, nagbago ang lahat. Narinig ko ang mga sigawan sa sala habang nasa kwarto ako. Parang may kung anong bumubulong sa akin na huwag akong bababa, pero mas malakas ang kutob ko na may nangyayaring hindi maganda. Kaya dahan-dahan akong bumaba, at doon ko nakita si tito, kasama ang ilang malalaking lalaki, habang hawak-hawak nila si mama at papa. Hindi ko masyadong naiintindihan ang mga sinasabi nila noon, pero naramdaman ko agad na may mali.

"Bayaran niyo ang utang niyo!" sigaw ni tito. Wala siyang awa, parang wala siyang pakialam na pamilya kami. Kita ko ang takot sa mukha ng mga magulang ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila lumalaban. Bakit hindi sila nagsasalita? Bakit parang hinayaan na lang nila na ganun?

Bago pa ako makagalaw o makasigaw, pumutok ang baril. Dalawang putok. Dalawang buhay ang nawala. Napatulala ako, hindi alam kung anong mararamdaman. Pakiramdam ko, ang bagal ng oras pero ang bilis din ng lahat ng pangyayari. Sa isang iglap, wala na akong magulang.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, tinakpan ko ang sarili ko ng kumot. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko, umaasang kapag dumilat ako, magigising ako mula sa bangungot na ito. Pero hindi. Ang bangungot ko ay totoo. Iniwan nila ako, at ang tito ko, ang taong dapat nagtuturo sa akin kung paano maging mabuting tao, siya pa ang dahilan kung bakit ako nawala sa mundong kilala ko.

Wala na sila. Ako na lang mag-isa. Nakahiga ako, nanginginig, hindi alam kung anong gagawin. Bakit nangyari ito? Ano bang kasalanan ko?

Sa mga oras na iyon, ang daming tanong na umiikot sa isip ko. Pero wala akong sagot. At simula noon, alam kong wala na akong pwedeng pagkatiwalaan.

Nasa ilalim ako ng kama noon, nagtatago, pilit nilulunod ang mga tunog ng pag-iyak ko. Pero narinig ako ni tito. Ramdam ko ang bigat ng mga yabag niya papalapit sa akin. Wala na akong takas.

Hinila niya ako palabas ng kwarto.

"Tumayo ka, Carrie!" Sigaw niya habang mahigpit na hawak ang braso ko. Ang sakit. Pakiramdam ko, mababali ang buto ko sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin. Pilit kong nilabanan ang takot, pero hindi ko kayang itago ang panginginig ko.

Paglabas namin ng kwarto, itinulak niya ako sa sahig. Bumagsak ako nang malakas, nadapa sa harap ng mga lalaking kasama niya.

"Weak ka, Carrie. Gaya ng tatay mo," sabi niya habang naglalakad palapit, nanlilisik ang mga mata.

"Walang kang silbi."

Nakatutok siya sa akin, parang predator na nag-aabang ng biktima. At hindi ko nagawang tumayo. Hindi ko kaya. Bigla niyang hinatak ang buhok ko, tinayo ako sa kabila ng panginginig ko. Bago pa ako makapalag, isang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ko. Namilipit ako sa sakit, pero wala akong magawa kundi tanggapin ang bawat suntok, bawat sipa na ibinabato niya sa akin.

"Wala ka nang pamilya. Walang magtatanggol sa'yo," patuloy niyang sinasabi.

"Tandaan mo 'yan, Carrie. Kung gusto mong mabuhay sa mundong ito, matutunan mong lumaban. Pero sa tingin ko, wala dahil wala kang kwenta. Mahina ka!"

Pilit kong sinasabi sa sarili kong hindi ako mahina, pero habang tinatanggap ko ang bawat hampas, parang sinasampal ako ng katotohanan. Mahina ako.

Pero sa gitna ng sakit, may naramdaman akong kakaiba. Isang galit. Isang poot na hindi ko pa nararamdaman noon. Parang may bumubulong sa akin mula sa loob.

"Hindi mo kailangan magpatalo," sabi ng boses na iyon.

"Ipakita mo sa kanila. Hindi ka mahina."

At doon ko siya naramdaman. Isang bahagi ng sarili ko na matagal nang natutulog. Isang ako na handang lumaban. Hindi si Carrie ang maghihirap dito. Hindi siya ang papatayin nila sa takot. Kundi sila ang papatayin nya sa takot.

Bigla akong tumayo, pinilit ko ang katawan ko na lumaban. Hindi na ako si Carrie, ang duwag na batang laging sinasaktan. Ako si Lorjin her........ Other half.














TO BE CONTINUE........................

Update kase naka tatlong Uno ako ngayong prelim.

A Killer's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon