Chapter 4

215 22 0
                                    

Siblings

Hyacinth's POV

"Nakikinig ka ba Hyacinth?" May halong inis ang boses ni Zephyr saka pumitik sa harap ko.

"Yeah, no. Ah, ano ulit yun?" Balik kong tanong.

It's been a couple of days since I went to the market place. Wala namang naging issue pag uwi ko. Inuwian ko rin ng pasalubong ang ibang maids na nag aalaga sakin. And I also gave Zephyr and Zarina a small present which is a shortcake that I bought on a famous shop. Wala roon ang Duke pag uwi ko, it turns out that he went on a business trip.

"As I said, talk to your older sister. May gusto siyang sabihin sayo." Buntong hininga niya.

"I feel guilty, brother." Then I bit my lower lip.

"Tanga mo eh. Tumalon ba naman sa balkonahe." Asik niya sakin kaya mas lalo akong napanguso.

Edi sorry, ibong malaya ang lipad lang ang peg.

"Speaking of. There she is." Tumingin siya sa likod ko kaya't napasulyap din ako dun.

It was Zarina, and she's walking towards our direction, sa likod niya ay nakasunod ang kanyang loyal maid. Nang makarating sa gawi namin ay agad siyang naupo at nag cross arms.

Halata agad na ma-pride ang isang to.

Nagtingin kami ni Zephyr saka pasimpleng natawa.

"I know what you two are thinking." Aniya na parang naiinis.

"Just spill it, twin." Pangunguna ni Zephyr.

"Fine. I'm sorry." Sabi ni Zarina habang nakatitig sa pirasong muffin.

"Anong ginawa mo sa muffin? Ba't jan ka nagsosorry?" Saad ko habang nagpipigil ng tawa.

Sinamaan niya ako ng tingin, kasunod nun ay ang pagsubo niya sa muffin na yun. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at parang nahihiya.

"Sis, I should be the one saying sorry here." Nguso ko sa kanya. "Sorry for worrying you."

"Para kasing galit na galit, gustong manakit ang personality mo nung papunta ka sa kwarto ko eh." Paliwanag ko.

Hinawakan ni Zephyr ang kanyang bibig saka nag iwas ng tingin na parang nagpipigil ng tawa.

"G-Galit na galit, gustong m-manakit? What does that even mean?" Takang tanong ni Zarina.

"I said you look really mad at that time, so I was a bit afraid of you." Pagtatranslate ko sa sinabi ko.

"Well, it's because you didn't accept my invitation to have a tea with me. And I have something to talk to you at that time." Paliwanag nito. "At nagulat na lang ako nang bigla kang sumampa sa balkonahe." She fidgeted.

Kamot ulo akong umiwas ng tingin sa kanya. It was entirely my fault, yeah, definitely. Tumama ang tingin ko kay Zephyr na ngayon ay tumatango na sakin na parang sumasang ayon nga sa iniisip ko.

"B-But, what are you going to say again?" Pag-iiba ko ng usapan.

"The house of Revér sent a letter. They want us to attend their daughter's debutante party. Since you never attended any party before, I want you to come on this one." Litanya niya kaya't nagulat ako.

"Teka, kasama ba ako jan?" Singit ni Zephyr.

"Of cours-"

"Eh bakit si Hyacinth lang gusto mong makausap noong nakaraang linggo?" Ungot ng magaling kong kuya.

Twisting the Villainess' Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon