Chapter 14

177 18 0
                                    

Grammatical and typographical errors ahead. Papikit na mata ko habang nagtatype HAHAHAHAH.


Horse back riding

Hyacinth's POV

"Are you for real, your highness?" Hindi makapaniwalang saad ko habang nakatingin sa kabayong nasa harap namin ni Alistair.

"What?" Aniya.

I crossed my arms while looking at him.

"You want me to ride that thing while dressed like this?" Then I looked down at the dress that I'm wearing.

Nasa Imperial Palace na ako ngayon katulad ng sabi ni Dad.

Luh, lakas maka daddy na ngayon.

Anyway, then Alistair took me here at their wide field and he's asking me to have a horse back riding with him. Hindi man lang inisip ang suot kong damit.

"At least lend me something comfortable. Like that knight outfit." Dagdag ko saka tumingin sa suot ng mga knight na nagbabantay sa amin.

Hindi niya ako pinansin at naglakad papalapit sa kanyang itim na kabayo. Akmang sasakay na sana ako sa puting kabayo na nakalaan para sakin nang bigla niya akong tawagin.

"Hyacinth, come here."

"Why should I?"

"I'll let the royal seamstress to know your worries." Saad niya habang nakatingin sa gawi ko. "For now, come and ride with me, so you won't feel uncomfortable." He patted the space in front of him.

Something's wrong. Why does he sound so soft now?

Lumapit ako sa kanya saka concerned na hinawakan ang kanyang noo.

"Are you sick, your highness?" Saka sinipat sipat ko iyon.

Tinabig niya ang kamay ko at tinignan ako ng masama.

"What do you think your doing?" Nagsalubong ang kanyang kilay.

"I'm just checking if you're sick. You're not on your usual self." Agad kong sagot sa kanya.

Binigyan niya ako ng what the fuck look kaya umiwas ako ng tingin.

"Putanginamoka!!" Gulat kong sigaw nang bigla niyang buhatin ng walang kahirap-hirap ang bewang ko at ilagay ako sa kanyang kabayo. Ang dalawang paa ko ay nasa isang side.

"At least warn me first!" I tried to kick his chest but he dodged it.

Sunod siyang sumakay sa kabayo. I was stunned when he put his one hand around my tiny waist and the other one was on the strap that's holding the horse.

"Tanggalin mo iyang kamay mo." Suhestyon ko.

"You'll fall." He simply answered and started to maneuver the horse.

Walang nagsasalita samin habang pinapatakbo niya ang kabayo. Hinayaan ko lang libutin ng mata ko ang mga paligid na nadadaanan namin. Dinadama ko rin ang simoy ng hangin at hinayaan yun makipaglaro sa buhok ko.

"Wow!" Namamangha kong sigaw nang makita namin ang kabuuan ng kapitolyo. "Ang ganda." Dugtong ko pa habang nakapako ang tingin sa harapan namin.

He suddenly stop the horse from running which made me looked up at him.

"Childish." Ungot niya kaya naman umasim ang reaksyon ko.

"Naghahamon ka ba ng away?" Masama ang tingin ko sa kanya ngayon.

Napasigaw ako nang pitikan niya ang noo ko.

Twisting the Villainess' Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon