Chapter 7

199 19 0
                                    

After Party

Hyacinth's POV

Masakit ang ulo kong bumangon sa pagkakahiga. Parang bumibiyak sa sakit at pinupukpok ng martilyo.

"M-Miya! Rowena!" I called out my maids name.

Mabilis naman silang pumasok sa kwarto ko at tinulungan akong maupo sa kama.

"Can you prepare me a hot chicken soup and great taste white—" minulat ko ang mata ko dahil sa sinabi ko, wala pala silang great taste white dito. "I mean ginger tea for my hangover." Agad kong bawi sa sinabi.

"Yes my lady." Medyo nag aalinlangan ang tingin nila sakin bago sila umalis.

Arghhh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Pati ibang parte ng katawan ko ay masakit din. Sinubukan kong tumayo upang makapunta sa sofa ko. Nahagip ng mata ko ang salamin sa aking bed side table.

Nagulat ako nung makita ang itsura ko sa salamin.

Ang make up ko ay sirang sira. Yung eye shadow sa kabilang mata ko ay napalitan ng parang pang sundalo na tinta, yun bang parang may tatlong guhit. Ang lipstick ko ay kumalat naman na parang pilit binubura.

What the fuck happened last night?

Napaupo ako sa sofa ko at ipinatong ang braso sa mesa na parang nagdadasal. Seryoso akong nakatingin sa kawalan habang inaalala ang mga pangyayari kagabi.

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang may kumatok sa aking pinto. Hindi pa ako nakakasagot ay pumasok na agad sa kwarto ko si Zarina at Zephyr. Tulak tulak nila ang cart ng mga pagkain na ipinahanda ko kina Miya at Rowena, pero mukhang nadagdagan ang mga iyon ng iba pang pagkain.

Tahimik nilang inilapag ang pagkain sa mesa ko saka rin sila naupo at ginaya ang pose ko. Ngayon tatlo na kaming seryosong nag iisip ng kung ano.

"Sis, what did I do last night?" Seryoso kong tanong kay Zarina.

"Hindi mo gugustuhing malaman." Seryoso niya ring sagot kaya naman kinabahan ako.

"Brother..." Tawag ko kay Zephyr.

"This will be the last time that you'll drink." Seryoso niya ring sabi.

They both look so exhausted. May eyebags ang ilalim ng kanilang mata, mukhang hindi nakatulog.

Pumikit ako at pilit inalala ang nangyari kagabi. Hindi naman ako nabigo dahil nagsimulang mag flashback ang iba't ibang scene ng mga pinaggagagawa ko kagabi.

1st scene:

"Lady Hyacinth, can we also try your drinks?" Biglang lumapit sa amin sina Telia kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Ilang taon ka muna?" Tanong ko sa kanya. "Bawal ang minor dito."

"A-Ah, I'm 20 years old my lady." May nakaguhit na pagtataka sa kanyang mukha. Sumagot din ang mga kasama niya at medyo nahihiya pa akong kausapin.

"Alright! Here, have some drinks." I poured them the vojita that I made.

Other nobles started to approach us too, kaya wala na ako nagawa kundi bigyan sila.

"If only we had a long table." Bulong ko habang nakatingin sa mga binigyan ko ng inumin.

"I have an idea." Pumalakpak sa ere si Kesiah.

Twisting the Villainess' Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon