Chapter 2- Phonecall

1 0 0
                                    

Nagpaalam na rin akong uuwi na ako pagkatapos kumain dahil baka hanapin ako ni mama.

Inihatid naman ako ni Raine sa labas hinintay na makasakay ako ng tricycle.

Nagpasalamat ako sa kaniya and waved her a goodbye.

Pagkauwi ko ay as usual, tahimik ang bahay. Wala pa siguro si mama dahil alas 4 pa lang ng hapon.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at humiga sa kama ko nang hindi pa nagbibihis.

Parang ang bigat kase ng katawan ko. Itutulog ko na lang.

Patulog na sana ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko.

Napilitan akong bumangon at kinuha 'yon sa bag ko.

Unknown number

Sinagot ko ang tawag.

"Hello? Sino po sila?" Tanong ko pero wala akong narinig mula sa kabilang linya.

"Hello? Hello? Scammer ata 'to"

Papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita ito at muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko.

"Anak? Si papa 'to"

Pinatay ko agad ang tawag.

Wala na akong tatay!  Ang kapal naman ng mukha niyang tumawag sa'kin matapos ang nangyari.

Nag-flash back na naman sa'kin ang lahat. Lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.

It's been 3 years pero 'yung sakit nandito pa rin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

It still haunts me, 'kala ko okay na ako. Hindi pa pala.

Naalala ko na naman, nararamdaman ko na naman 'yung sakit.

Dumapa ako sa kama at patuloy na umiyak hanggang sa makatulog.

Naalimpungatan na lang ako ng marinig ko ang pagkatok ni mama sa pinto.

Bumangon ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Wala ka nang ibang ginawa kundi ang matulog! Ni mag-atindi rito sa bahay ay hindi mo magawa!"

Heto na naman

"Tingnan mo 'tong kuwarto mo, ni hindi mo man lang malinisan ng maayos. Nakakalat ang mga gamit!"

Bla bla bla bla

Ganyan naman siya lagi pagkakauwi niya, parang sa'kin niya lagi inilalabas ang galit niya.

Nasanay na ako.

"Magsaing ka do'n!" Sabi niya sabay labas na rin ng kuwarto ko.

Napabuntong hininga ako.

Isa ito sa rason kung bakit minsan ay ayoko na lang umuwi rito sa bahay.

Palagi na lang ganito. Nakakasawa na.

—–—–—–—–—–—–—–—–—

Kinaumagahan, wala na si mama pagkagising ko. Nag-iwan lang siya ng baon ko na nakadikit sa fridge.

Kumuha na lang ako ng cup noodles sa cabinet at nilagyan ng tubig na mainit. May mga lutuin naman sa fridge, pero hindi kase ako marunong magluto so nasanay na akong puro noodles or in cans ang kinakain ko 'pag wala si mama.

Pagkatapos kong kumain ay naligo at nagbihis. Tinamad na rin akong mag-ayos ng sarili dahil wala rin namang magbabago.

Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa room at nagbasa ng notes. Oral Communication at Philosophy ang subject namin ngayon and I heard na may quizzes sa dalawang subject so nag-review na ako ng advance kahit nagbibigay namn ng time ang teacher para mag-review.

THE DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now