Chapter 7- New

1 0 0
                                    

Pagkauwi ko ay agad din akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng high waist na pantalon at pink t-shirt na may design na ribbon sa kaliwa.

Kinuha ko rin ang shoulder bag ko at dalawang kulay purple na helmet.

Bumaba na rin ako ng makapagsuot ng sapatos at dumiretso sa garahe.

Tinanggal ko ang pagkakataklob no'n at halos maluha ako ng makita ko 'yon ulit.

Halos 2 years ko na 'tong 'di nagagamit. Pero inaalagaan ko pa rin naman 'to.

Pinagbawalan lang ako ni kuya na gumamit nito simula nang umalis siya dahil wala na raw magbabantay sa'kin.

Sumakay na ako ro'n at isinuot ang helmet ko. Pinaandar at binaybay ang daan.

4:30 pm pa lang kaya naman kitang kita ko ang paglubog ng araw. Ang ganda.

After 15 minutes ay nakarating din ako sa terminal. Nakita ko rin naman siya agad na nakaupo kaya nilapitan ko siya.

Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap.

Cringe =⁠_⁠=

"I missed you JCil!" Papunas-punas pa ng luhang sabi niya nang bumitaw sa'kin.

Araw-araw ko na namang maririnig 'yang tawag niya sa'kin.

"How are you? Bihira ka kaseng mag-reply sa mga text ko"

"I'm d-doing good naman ate, busy lang din sa school" I slightly smiled at her.

"Si mama?"

"B-busy sa work niya but she's okay. She's healthy" I forced a smile.

Alam kong alam niya pero tinanong pa rin niya.

She's Janina Samantha Flores, the oldest and my mom's favorite child. Mommy's girl siya at Daddy's boy naman ang kuya ko, si kuya Jamie Angelo Flores. Ako? I'm a lolo's girl. Sa kaniya ko naramdaman na mahal na mahal ako ng lolo ko, lagi niya ring sinasabi na ako ang paborito niyang apo. Sa tuwing galing silang ibang bansa, ang dami niya laging pasalubong for me.

Ever since nung bata ako never kong naramdaman na favorite ako ng pamilya ko. 'Yong mga tita at tito ko, halos bihira nila akong isama kapag nag-aout of town sila. More on kuya Jamie at ate Janina sila. Kahit si lola at parents ko. Kaya nga hindi ako naniniwala na 'pag bunso ay paborito ng parents e. It was never been true and will never be.

Nabalik ako sa wisyo nang may magpunas ng mata ko.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala at umiiyak na.

We're currently in a restaurant, nag-aya kase siyang kumain bago umuwi.

"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero bigla kang naluha" nag-aalalang tanong ni ate. "Puwede ka namang mag-open sa'kin. I'm here"

Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling at hindi na siya nangulit pa.

Nag-aya na rin akong umuwi pagkatapos naming kumain.

Pagkauwi namin sa bahay ay nagpaalam ako kay ate na aakyat na akong kuwarto.

Wala pa si mama at sabi ko'y magluto na lang siya ng pagkain kapag nagugutom pa siya.

Pagkaakyat ko sa kuwarto ay agad kong ini-lock ko ang pinto. Matutulog ako.

Napahaba ang tulog ko at umaga na nang magising ako. Pagtingin ko sa clock ay 5:47 am pa lang. Bumangon na ako at naligo.

Awarding day ngayon kaya puwede kaming mag-civillian. Nagsuot lang ako ng khaki cargo pants, white Wave to earth shirt, at khaki rubber shoes. Ipinuyod ko rin ang buhok ko at naglagay ng liptint.

THE DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now