Pagkarating namin sa bahay nila Raine ay binati agad kami ng lola niya. Pumasok kami sa loob at nando'n na rin ang iba.
Hinanap ng mata ko si Janjan at nakita ko siya agad kasama sila Koby.
Lumingon siya sa'min at lumapit kaya parang naiihi tuloy ako.
"Roly, Jia"
He offered a fist bump kaya tinanggap ko 'yun.
Ayaw niya ba ng shake hands? Okay lang naman sa'kin
"Pasensya, hindi ko na kayo nahintay kanina. May dinaanan pa ako" Janjan.
"Ayos lang, hinintay ko rin si Jia eh ang tagal kase mag-ayos ng gamit niya"
Bahagyang natawa si Janjan kaya napatingin ako sa kaniya.
Ang cute niya talaga.
"Do'n na tayo maupo, nando'n na sila Andy" turo niya sa inuupuan niya kanina.
Nauna siyang maglakad kaya sumunod kami.
"Wow, mukhang fully charged ka na ah" pa-simpleng bulong ni Roly sa'kin kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
Napadaing siya.
"Tabi kami ah?" Bulong ko sa kaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Hmp, sama ng ugali nito
Lumapit kami sa pabilog na lamesa at nag-offer naman si Andy na do'n ako maupo sa tabi niya. Tatanggi sana ako dahil gusto kong makatabi si Janjan pero ipinaghila niya na ako ng upuan kaya 'di na ako nag-inarte pa.
Bale nasa kaliwa ko si Andy at Koby, nasa kanan ko si Alira at Andrew, at nasa harap ko naman si Janjan at Roly na nagkikuwentuhan.
Lumingon siya sa'kin pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Hmp, parang 'di best friend ah. Cut off ka sa'kin
"Guys, sorry 'di pa dumadating 'yung mga in-order kong food"
"Okay lang, maaga pa naman" sagot ni Alira.
Napatingin ako sa kaniya.
She's really pretty
"Laro kaya muna tayo habang wala pa 'yung food?" Raine suggested.
"Ano namang lalaruin?" Koby asked.
"Spin the bottle, truth or dare" Raine said happily sabay kuha ng bote.
"G! Nang ma-reveal ang secrets ng iba jan" sabi ni Roly sabay pa-simpleng tingin sa'kin.
Inirapan ko siya.
Umupo si Raine sa tabi ni Koby at Roly at pinaikot ang bote.
Natapat 'yon kay Janjan.
"Truth or dare?" Raine.
"Truth" Janjan.
"Hm, kayo na ba ni Ally?" Tanong ni Raine kaya nagsigawan sila.
Ally? Sino 'yon? Ba't 'di ako na-inform?
YOU ARE READING
THE DISTANCE BETWEEN US
Romance"I don't know if it's still right but I don't care, I love you Cael"