Pagkaalis ko ng bahay ay dumiretso muna ako sa sementeryo para dalawin si Lolo.
He and Lola was the one who took care of me when my parents are away before.
But he died because of me, he saved me.
I really miss him.
I bought some flowers and candles. Nilinisan ko ang puntod niya at sinindihan ang kandila. Naupo ako ro'n at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.
He was my hero.
"Lolo, I miss you so so so much. I wish you are here pa-"
Hindi na ako makasalita pa ng hindi ko na mapigilan pa ang paghikbi.
"Here"
Napatingala ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko.
He's tall and handsome!!! I think he's around 20 years or something.
He's offering his handkerchief to me.
I accepted it and agad na pinunasan ang luha ko.
"Thank you. Isasauli ko na lang sa'yo kapag nagkita ulit tayo" I said shyly kase nakakahiya naman kung ibabalik ko pa 'yung panyo e may sipon ko na.
"Keep it" he smiled and then walked away.
Pinagmasdan ko ang likuran niyang papaalis at sumigaw ulit ako.
"Salamat ulit!"
Pero hindi na siya lumingon hanggang sa mawala sa paningin ko.
Tiningnan ko ang panyong hawak ko at napansing may nakatahi ro'n na letra.
G?
I wonder what his name is.
—–—–—–—–—–—–—–—–—–—
"Jia, magluluto tayo nito sa Monday" sabi ni Renz pagkalabas namin ng store. Kakatapos lang naming mamili ng mga kakailanganin.
Kasama namin ngayon sina Raine, at Andy na nauunang maglakad sa'min.
"Overnight 'yun so magpaalam ka na agad sa parents mo" dagdag pa niya.
"S-sige, magpapaalam ako"
Nagpaalam na rin akong uuwi na and Renz even insisted to send me home pero tumanggi na ako dahil kaya ko namang mag-commute.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong nilabhan ang panyo at isinampay 'yun sa sa kabinet ko. Isasauli ko 'yun sa kaniya kapag nagkita kami hihi.
----
Monday na at hindi pa rin kami nag-uusap ni mama pero gusto ko na siyang kausapin kase may overnight kami mamaya dahil magluluto kami.
Nakahanda na rin ang gamit na dadalhin ko at pagpayag niya na lang talaga ang kulang.
Maaga akong gumising para maabutan ko pa siya at sakto ngang pagbaba ko sa hagdan ay nando'n siya sa kusina nagkakape at may ginagawa sa laptop niya.
Lumapit ako at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa katapat niya at sumimsim muna bago nagsalita.
I cleared my throat.
"Ma, m-magpapaalam sana ako—"
"Go, do whatever you want tutal umaalis ka rin naman ng bahay ng hindi nagpapaalam" sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan.
YOU ARE READING
THE DISTANCE BETWEEN US
Любовные романы"I don't know if it's still right but I don't care, I love you Cael"