Prologue

5 0 0
                                    

Jia's POV

Tok! Tok! Tok!

"Jia, tanghali na wala ka bang balak pumasok?!"

Napakamot ako sa ulo ko habang naririnig ko ang patuloy na pagkatok ni mama sa pinto ng kuwarto ko. Inaantok pa kase ako at pagtingin ko sa cellphone ko ay 5:30 am pa lang.

Agad kong pinatay ang electric fan, nagbukas ng ilaw at nag-unat ng katawan.

Btw, I'm Jia Cael Flores! I'm Grade 11 and we're currently in first semester.

It's November so medyo malamig at maulan na rin lalo na dito sa Bicol so I'm wearing a jacket and my uniform, which is a slacks dahil bukas pa ang schedule ng skirt.

After kong magbihis ay pumunta ako sa harap sa salamin at agad ding nadismaya sa nasilayan.

Hays! Lahat na lang talaga pangit sa'kin, buwisit na buhay 'to. Buti na lang talaga hindi ako pinagdamutan ni Lord ng utak, medyo may sira nga lang.

Tinamad na akong mag-ayos tutal wala rin namang magbabago kaya nagsuklay na lang ako at nag-spray ng pabango.

Lumakad na ako sa sakayan ng tricycle at nakasakay rin naman agad kaya maaga akong nakarating ng bayan. Hindi na ako nagpahatid sa school dahil bibili muna ako ng almusal sa 7 eleven, tinamad kase akong kumain sa bahay, tutal pagagalitan lang naman ako ni mama habang kumakain.

Pero buti na lang talaga ay naliligo pa si mama nang makaalis ako.

3 kaming magkakapatid at ako ang bunso and ako na lang ang naiwan sa bahay dahil 'yung ate ko is nagwo-work sa Laguna while waiting for her board exam result and my brother is also working in Bulacan.

Ang papa ko? Ayun, sumakabilang-bahay na. Wala na kaming balita sa kaniya dahil wala na siya rito sa Camarines Norte.

Pagkapasok ko sa 7 eleven ay may nakita rin akong ibang students dun na kumakain.
I bought a cup noodles, footlong, siopao and water para talagang busog kase 'di rin naman ako makakapag-recess mamaya.

Hindi naman sa lonely ako sa school, may mga kaibigan naman ako na nakakasama ko.

Though, hindi ako gano'n ka-open sa kanila tungkol sa pamilya ko, pero isa pa rin sila sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.

While I am putting a hot water into my noodles, there's a guy beside me who accidentally dropped his phone on my foot kaya medyo napadaing ako.

Ow!

Sakit nun ah

"Hala sorry, 'di ko sinasadya"

He... Smells good

"No, it's okay po, just be careful next time" I told him while still holding my foot.

Titingnan ko sana siya pero pagtingin ko'y wala na 'yung lalaki.

Ngeks, nawala agad. Ano 'yon multo?

After kong kumain ay lumabas na rin ako at naglakad papuntang school habang nakasalpak ang airpods sa tenga ko, medyo malapit lang naman 'yun at 20 minutes pa bago mag-flag ceremony.

Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa tulay habang nakatingin sa ulap.

Napakapit ako sa jacket ko, ang lamig kasi.

Pagkarating ko sa school ay sakto lang dating ko dahil tumunog na ang bell na hudyat ng pagsisimula ng flag ceremony.

Agad kong hinanap ang pila ng GAS-11 at pumunta sa pinakalikod. Nandoon na rin 'yung mga kaibigan ko kaya binati ko sila.

After the flag ceremony, pumunta na kami sa Second floor para sa 1st sub which is Gen Math.

I actually hate Math pero ano pa bang magagawa ko? Andiyan na 'yan eh, so gagawin at gagawin pa rin.

Pagkaupo ko'y agad kong nilabas ang binder ko'y ni-review 'yung lesson namin last Wednesday, baka kase magpa-quiz na naman, wala pa akong maisagot.

"Roly naman!" reklamo ko nang masagi niya ang desk ko. Nagsusulat kase ako, namali tuloy.

"Chill! Ang init naman ng ulo mo Jia, nauma-umaga ah" sabi pa ni Roly at kinilatis ang mukha ko.

"May nalaman ka 'no?"  Pangungulit niya pa.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Bakit? May kailangan ba akong malaman?" Tanong ko sa kaniya pabalik.

"Wala naman, pero parang kanina ka pa kase nakasimangot jan"

"Pake mo ba" I rolled my eyes on him.

"'wag ka nang mag-review, pakokopyahin naman kita eh"

I closed my notes.

"Sabi mo 'yan ah" I said ta's nag-beautiful ayes pa.

"'di sa'yo bagay, tigil mo 'yan" he laughed.

Binatukan ko siya.

"Puro ka kalokohan"

"Sama ka sa'min mamaya?"

Ang kulit naman ng lalaking 'to, kaunti na lang talaga masasapak ko na 'tong bestfriend kong 'to eh.

Yes, he's my bestfriend, we've been friends since Grade 9 kaya.

Sa sobrang close nga namin nito, napagkakamalan akong girlfriend nito eh. May time pa nga na sinugod ako nung mga admirer niya.

Pogi raw kase siya.

Well, not in my eyes. 'di ko siya type

"Saan na naman? Baka inuman 'yan ah, pass ako"

"Anong tingin mo sa'kin? Manginginom? Pass sa alak, nakakamatay"

Inapiran ko siya.

"Mag-bff talaga tayo. Anyways, sa'n ba kase?" I asked him again.

"Sa bahay nila Raine, birthday niya kaya"

Si Raine, vice president namin.

"Pass, may mga gagawin pa akong schoolwo—"

"Pupunta si Janjan" ngiting-ngiting sabi niya.

"Anong oras ba? Tapos ko naman na 'yung mga ipapasang project" bawi ko.

Ay beh naman, crush ko 'yun 'no.

"Basta talaga kasama si Janjan, g ka agad. Wala ka namang pag-asa ro'n"

"Anong wala? Magka-chat na nga kami eh" pagyayabang ko sabay pinakita ang Messenger ko.

"Ulol, puro about acads lang naman convo niyo" asar pa niya.

"Whatever Roly! Pero sama ako mamaya ah"

Dumating na si ma'am Sanchez kaya napaayos na kami ng upo.

—–—–—–—–—–—–—–—–—

N

a-drain ata utak ko sa Gen Math. 'di na ako nakapag-focus sa sunod na subject. Tulala na ako.

Ang dami kaseng quiz kanina. Halos sa loob ng 2 hours ay puro quiz. 'di ko na tuloy alam kung tama ang mga isinagot ko.

Si Roly naman, 'di rin ko matulungan dahil nakabantay si Mrs. Sanchez.

Napatingin ako sa relo ko.

11:42 na! 8 minutes nalang, need nang ipasa 'yung activity kaya dali-dali ko nang sinagutan 'yung natira.

—–—–—–—–—–—–—–—–—

"Hoy Jia! Kanina pa kita tinatawag" pagkalabit sa'kin ni Roly.

"Ang sakit ng ulo ko, na-drain utak ko sa Gen Math" sabi ko pa with matching hawak sa ulo ko.

"I-kain mo na lang 'yan mamaya, at saka nandun naman si Janjan, gaganahan ka"

"Ewan ko sa'yo, tara na nga" sabi ko sa kaniya sabay nauna nang lumabas ng room.

THE DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now