Chapter 9- Jealous

0 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at kakatapos lang ng Final Examination namin kahapon.

Me and Janjan? Nag-uusap pa rin naman kami. And I'm glad na walang awkwardness sa'ming dalawa. Hindi nga lang siguro alam ng mga kaibigan namin ang nangyari at wala rin akong balak na ipaalam sa kanila. Baka mang-asar lang.

Hindi ko rin alam kung nakapag-usap na ba sila ni Ali. Hindi na rin kase nag-reply sa'kin. Basta ako, labas ako ro'n.

December 7 na ngayon at sa 12 ang Year End Party namin kaya nandito kami ni Ate Janina sa Mall dahil bibilhan niya raw ako ng mga bagong damit.

Bukas na malalaman ang Board Exam result nila kaya alam kong kinakabahan siya kahit hindi niya pinapakita 'yon.

"JCil try this oh" inabot niya sa'kin ang ang isang lavender color na floral dress at itinulak sa dressing room kaya wala akong nagawa kundi ang isukat 'yon.

Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin at bahagyang napangiti.

It suits me. Bagay lang sa kulay ng balat ko at sakto lang ang haba no'n, above the knee.

Lumabas ako at nakitang nagtitingin pa rin siya ng mga damit kaya lumapit ako sa kaniya.

"Ate" sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Napatakip siya ng bibig at napatalon pa sa tuwa nang makita ako.

"You look so pretty Cael!! You should wear a dress often. It suits you!" Pinaikot niya pa ako. "We'll get that!" Sabi pa niya at inabot pa sa'kin ang ibang mga damit na napili niya for me. "Sukat mo 'to dali" sabay tulak na naman sa'kin pabalik sa fitting room.

Napatawa naman ako sa kaniya at napangiti na lang.

"It'll be tiring"

Naglalakad na kami ngayon papuntang McDo ni ate, dala-dala ang napakaraming paper bags na naglalaman ng mga pinamili niya for me. Nagutom daw siya kakahanap ng damit kaya hinila niya ako papuntang McDo at nagpatianod naman ako.

Agad din naman kaming nakahanap ng available na table at naupo ro'n. Umalis na rin si ate para mag-order ng food kaya patingin-tingin lang ako sa paligid pero agad din nagulat at nanlaki ang mata ko nang makita si kuya Gerald. At hindi lang 'yon!

He's....with someone

Naglalakad sila ngayon papasok dito sa... loob?

Makikita niya ako

Malapit lang kase sa pinto 'yong puwesto namin.

Teka nga. Bakit ba ako kinakabahan at natataranta?

Huminga ako ng malalim at inabala ang sarili sa cellphone. Nag-scroll scroll ako sa Facebook at hinintay ang pagdaan nila sa gilid ko pero pag-angat ko ng tingin ay nakaupo na sila sa may bandang kanan namin.

Hindi niya ba ako nakita? Bakit 'di niya ako binati?

Napatingin ako sa babaeng kasama niya at agad ding nalungkot.

Ang ganda naman ng babaeng 'to. Girlfriend kaya ni kuya Gerald? Pinsan? Kapatid? Kakilala? Classmate? Pero bakit silang dalawa lang?

Tiningnan ko ulit silang dalawa. Ang cute nilang tingnan. Bagay sila. Tapos mukhang enjoy na enjoy pa kase tawa sila ng tawa.

Lagyan ko kaya ng tape bibig ni kuya Gerald para hindi siya makangiti ng ganyan sa iba. Naiinis ako!

Bigla akong napaiwas ng tingin nang lumingon sa'kin 'yong babaeng kasama niya kaya naman nagkunwari akong nag-cecellphone. Dumating na rin si ate dala 'yong order namin at nakita kong wala na si kuya Gerald sa upuan niya at nakitang nakapila na.

THE DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now