Janjan's POV
Nasa labas na kami ng school at hinihintay na lang si Renz at Cael. Nagpaalam kase si Cael na mag-ccr siya at si Renz naman ay pumunta pang faculty para magpasa ng attendance.
Ilang sandali lang ay lumabas na si Renz at lumapit sa'min.
"Hindi mo ba nakita si Cael sa loob Renz?" Tanong ni Roly.
"Hindi eh, 'kala ko nandito na siya. Teka, pupuntahan ko" Renz.
Paalis na sana siya nang makita naming lumabas ng gate si Cael. Nakangiti ito at may hawak-hawak na panyo.
"Cael!" Sigaw ni Raine kaya napalingon siya at agad na pumunta sa'min.
"Ang tagal mo. Kanina ka pa nmin hinihintay. Ano ba'ng ginagawa mo?" Raine.
"H-ha? Ah ano may kinausap lang ako sa College Department hehe" pigil ngiting ani ni Cael.
"Hoy sino 'yon? Bakit 'di ko alam?" Singit ni Roly.
"Hep! Ang daming tanong. Saan ba tayo pupunta?" Cael.
"Bayside restaurant!!" Sigaw ni Koby at Andrew.
"Edi tara na!" Sabi ni Cael at tumalikod kaya tinawag siya ni Alira.
"Jia! sa'n ka pupunta? Dito tayo sasakay"
"May dala akong motor" sabi ni Jia at ipinakita ang helmet niya.
Mukhang hindi ko na siya maihahatid, mas nauna pa siyang magkaroon ng motor kesa sa'kin. Bawas points!
"Roly! Sabay ka na sa'kin" aya ni Jia kaya tuwang-tuwa si Roly na sumunod kay Jia.
Napabuntong hininga ako.
Sana ako na lang ang isinabay niya.
Jia Cael Flores POV
Nauna kaming nakarating sa Bayside restaurant ni Roly dahil naka-motor kami at ang iba naman ay nag-commute.
Nag-park ako sa gilid at naglakad-lakad kami ni Roly sa papuntang tabing dagat.
Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ang tagal ko na rin palang hindi nakapag-dagat.
"Akin na 'yun cellphone mo, picturan kita para magka-profile ka na sa Facebook mo dali. Ang ganda mo diyan" makulit na sabi ni Roly at kinuha ang cellphone sa bag ko.
"Ang ganda-ganda ng cellphone mo tapos ni isa wala kang picture" dagdag pa niya sabay tutok sa'kin ng camera.
Hindi ko lang talaga kase feel mag-picture ng sarili ko. At inaamin kong talagang nai-insecure ako.
"Ngumiti ka naman"
Nag-angat ako ng tingin at ngumiti sa camera at panay click naman si Roly. Lumapit din siya sa'kin at nag-selfie kaming dalawa. May kasamang mga videos pa na na naglalakad ako sa tabing dagat o kaya ay nagkukuha ng mga shells.
After a few minutes of walking on the shore. Dumating din sila Alira kaya pumunta na kaming restaurant.
Nag-order kami ng seafoods at drinks. And a freaking soju!. Ngayon lang naman daw.
Sinalinan kami ni Koby sa maliliit na baso sabay taas niya ng baso.
"Cheers guys!" Kong shouted and offered a toast.
"Cheers!" Sigaw naming lahat sabay inom.
Napaubo pa ako kaya dali-dali kong kinuha ang baso ng tubig. Nagulat din ako dahil sabay na nag-abot ng tissue sa'kin si Renz at Janjan na pareho akong pinaggigitnaan.
"Awkward" sabi ni Roly at uminom sa baso niya.
"A-ah may panyo ako. T-thank you" nahihiyang sabi ko na lang sabay kuha ng panyo sa bag.
Tumikhim si Andrew para mabawasan ang tensyon sabay pasok ng ibang topic. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at paminsan-minsa'y nakikitawa rin.
Nagpaalam akong mag-ccr lang kaya lumabas ako ng resto. Pumunta ako sa parang maliit na tambayan do'n at umupo sa swing.
Pero halos matumba ako sa kinauupuan ko nang makita si Janjan na papalapit sa'kin.
Napaayos ako ng upo.
Tumikhim siya at naupo sa katabi kong swing.
"Cael"
"Hm?"
"I know it's still a bit awkward but can I tell you something?"
Kinabahan ako.
Napalunok ako bago nagsalita. "S-sure"
He sighed. "I don't know if I'm gonna regret this pero I think okay na rin kung aamin ako" napalunok ako. "I like you Cael, ever since no'ng mag-enroll tayo for Senior high. Simula no'ng nakita kita, when I get to know you, and we became friends. My heart beats so fast when I'm near you or when I'm talking to you. Admire everything you do, even the smallest things" napatitig ako sa kaniya. "Natatakot ako na baka mas lalo kang mawawala sa'kin kapag hindi ko 'to sinabi sa'yo kaya kahit nanginginig ang mga kamay ko ay ginawa ko pa rin." Natatawang sabi niya at tumingin din sa'kin.
All this time?? Gusto niya pala ako?? Ang gulo.
Fckkk what am I gonna do??
I sighed.
"A-ah Janjan, I appreciate your courage for confessing and thank you for that. You've been a very good friend to me Janjan. I don't wanna hurt you but ayoko rin naman na paasahin ka kase ako 'yung masasaktan. But I promise you na walang magbabago sa'ting okay?" Tumango siya at ngumiti sa'kin kahit nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "You, and our other guy friends will always be my best brothers, and thank you for everything you've done for us"
Fckkkk I hurted him.
After ng pag-uusap namin ni Janjan ay hindi na ako bumalik pa sa loob ng resto at dumiretso na ako sa motor ko para makauwi na. Nag-chat na lang ako sa gc namin na uuwi na ako dahil may emergency sa bahay.
Agad akong umakyat sa kuwarto ko at nahiga sa kama.
I heaved a sigh.
Dumapa ako at nagsisigaw sa unan.
"Aaaaahhhhhh!"
Napabalikwas ako ng bangon nang May ma-realize.
All this time, he likes me???
So, bakit nag-chat pa sa'kin 'yong Ali?
Nanlaki ang mata ko at kinuha ang cellphone sa bag.
Na-seen ko lang 'yung dm niya.
Nagulat ako nang makitang may ibang messages pa mula sa kaniya ang nakita ko. Binasa ko 'yon.
@Ali_España
Hello? Bakit seen lang?I heard you guys are really close.
Nakausap mo na ba siya?
Hindi na siya nag-rereply sa'kin!
I'm going nuts Jia, please talk to him.
I want him back!
Napataas ang kilay ko.
Bakit ako pa rin ang kinukulit nito? Nadadamay pa tuloy ako.
Nag-type ako ng reply
@Flores_Cael
Hiii, sorry for the late reply. And gusto ko lang linawin na Janjan and I are only friends, kung ano man ang issue niyo sa isa't isa ay labas na ako ro'n. Mas mabuti pa sigurong kausapin mo siya sa personal. Thanks!Matapos maisend ang reply ay tiningnan ko ang gallery ko at nakita ro'n ang pictures namin kanina ni Roly.
Binuksan ko ulit ang Instagram ko at nag-add ng collage pictures namin kanina ni Roly. I also tagged him and posted it both Insta and Facebook.
I turned off my phone and decided to take a nap.
YOU ARE READING
THE DISTANCE BETWEEN US
Romance"I don't know if it's still right but I don't care, I love you Cael"