Nagkaroon ng celebration sa bahay ng araw na nakapasa si ate. Maraming mga kamag-anak namin ang pumunta kaya pinilit ako ni ate na makisalamuha sa kanila.
Nakaupo ako ngayon sa tabi at nakatutok lang sa cellphone ko habang nagsasaya sila.
Nabobored na ako.
Aalis na sana ako at akmang tatayo nang lumapit sa table ko sila Tita Vina, Tita Cherry, at Tita Sally. Naupo sila sa bakanteng upuan kaya umayos ako ng upo.
Alam ko na 'to.
"Jia hija, how are you?" Pasimula ni Tita Cherry.
"Okay naman po" seryosong sabi ko.
"Naku Jia, gayahin mo ang ate Janina mo. Nakapasa na. Maaasahan na ang ate mo, dapat ikaw rin. Hindi ka na dapat nagpapabigat kay mama mo" dagdag pa ni Tita Vina kaya napakuyom ang kamao ko, nagpipigil.
"Sabi ng mama mo ay napakatigas pa rin ng ulo mo Jia, senior high school ka na, dapat mas maging responsable ka" sabi ni tita Sally sabay inom sa baso niya.
"'wag mong sabihing dahil pa rin 'to sa nangyari 3 years ago, move on Cael" Tita Vina.
Mas ikinuyom ko ang kamao ko habang hawak ang laylayan ng t-shirt ko sa ilalim ng lamesa.
"Hindi ka man lang ba naaawa sa mama mo? Tumatanda na siya pero ganyan ka pa rin. Tingnan mo nga 'yang suot mo. Suot ba ng babae 'yan?" Tita Sally.
Hindi na ako nakatiis at hinampas na ang lamesa dahilan kung bakit napatingin sa'min ang ibang tao ro'n.
"Kung wala ho kayong masasabing maganda ay puwede bang itikop niyo na lang 'yang bibig niyo?" Hindi na ako nakatiis.
Tumayo naman si Tita Vina. "Aba bastos na 'yang bunganga mo ngayon Jia ah. 'yan ba ang natutuhan mo sa school?"
"Ikaw po ang tatanungin ko, ganyan din po dapat ang sinasabi ng pala-simbang babae? Ganyan din PO ba ang itinuturo sainyo sa simabahan TITA Vina?" Mahinahong sabi ko pero may diin kaya napatayo na rin si tita Sally, at tita Cherry.
"Manang-mana ka nga talaga sa tatay mo Cael, parehas basura ang ugali niyo" madiin na sabi ni tita Cherry kaya hindi ko na napigilang sumigaw.
"Shut up!!!! Wala kayong alam kaya puwede bang itikom niyo na lang 'yang bibig niyo–" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko. Si mama 'yon.
"Wala kang respeto Cael, pinalaki ba kita ng ganyan?"
Hawak-hawak ko ang pisngi ko at ramdam ko ang hapdi no'n pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Immune na ata ako sa sakit.
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya at agad na tumakbo papasok ng bahay, papunta sa kuwarto ko. Ini-lock ko 'yon at sumandal sa pinto. At do'n na lumabas ang mga luha sa mata ko.
Tumakbo ako sa cr at tumapat sa shower. Binuksan ko 'yon at do'n ako umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko. Tulala akong naghubad ng damit at lumabas ng cr. Kumuha ng damit sa kabinet at isinuot 'yon. Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata.
Matutulog na lang ako, para paggising ko wala na ang sakit.
Pero sana 'wag na lang akong magising.
Kinabukasan ay buong araw akong hindi lumabas ng kuwarto ko, ni kumain ay 'di ko magawa. Panay rin ang katok ni ate sa kuwarto ko pero hindi ako lumabas.
Tinatamad na rin akong pumunta sa Year End Party namin pero sayang naman kung hindi ako pupunta. Pag-iisipan ko muna.
11 pm nang mapagdesisyunan kong bumaba sa kusina para kumain. Nagugutom na kase ako at alam kong nasa kuwarto na rin sila ate.
YOU ARE READING
THE DISTANCE BETWEEN US
Romance"I don't know if it's still right but I don't care, I love you Cael"