Chapter 6- F&S Fest

0 0 0
                                    

Naging abala kami ni Raine at Andy sa pag-aasikaso ng Food stall namin lalo na nang umalis na si Renz para sa laro ng basketball.

Gustong-gusto kong manood pero hindi ko naman puwedeng iwan 'yung dalawa dahil busy rin ang ibang classmates namin kaka-cheer sa department namin.

Natapos ang 1st day namin nang sobrang pagod ang katawan ko. Nag-unat unat pa ako ng katawan habang nagliligpit ng mga gamit namin nang lumapit sa'kin si Janjan.

"Hindi ka nakanood ng laro Cael?" Parang nakasimangot pang tanong ni Janjan.

"Ah, na-busy kase kami kanina, madaming bumibili. Kamusta naman ang laro niyo?"

"Talo kami" malungkot na ani niya.

Kumuha ako ng Graham balls sa bag ko at iniabot 'yon sa kaniya.

"I hope this will make you feel better. Kapag malungkot ako, kumakain ako ng sweets" I smiled at him at ngumiti siya sa'kin pabalik. Do'n ko rin nakumpirma na wala na nga akong nararamdaman sa kaniya. Parang dati ay grabe pa ang kilig ko kapag nginitian niya ako.

"Thank you Cael, sana makanood ka sa sunod na laro para sure win na"

Tumango ako at nagpatuloy sa pagliligpit. Tumulong din siya at ilang sandali lang ay dumating na rin ang iba. Binigyan ko rin sila ng Graham balls na ginawa ko kahapon. Sinadya kong magtabi no'n para sa kanila.

"Thank you Cael" ngiting-ngiting sabi ni Renz.

"Daan na muna tayo sa bahay, nagluto si mommy" Renz.

"Yown! G ako!" Andrew.

"Tara! Kukunin na rin namin 'yong mga naiwan naming gamit" Alira.

"Tss" Janjan.

"Ah, pass muna 'ko guys. Susunduin ko pa si ate sa Terminal later kaya uuwi na rin ako" napapakamot sa batok na sabi ko.

Nag-text kase si ate kanina na sunduin ko siya. Busy raw si mama.

"Punta na lang ako sa bahay niyo Renz bukas para makuha 'yong mga gamit ko"

Tumango si Renz.

Nagpaalam na rin ako sa kanila at dumiretso na rin sa bahay para makapagbihis at makuha 'yung motor na regalo pa sa'kin ni kuya no'ng 13th birthday ko. Marunong namn ako mag-motor dahil tinuruan niya ako when I turned 14.

Janjan's POV

Malapit nang mag-start 'yung laro pero hindi ko pa rin siya nakikita sa audience. Si Cael, wala pa rin siya.

Palinga-linga pa rin ako at nagbabakasakaling nando'n na siya at baka nakahalo lang sa ibang nanonood pero hanggang sa matapos ang laro ay hindi ko siya nakita. Dahil din nga wala ang atensyon ko sa laro ay hindi naging maayos ang performance ko.

Sabi ni Roly, gusto rin ako ni Cael pero bakit parang dumidistansya na siya sa'kin?

About kay Ali, last year pa nang huli kaming mag-usap kaya hindi ko alam kung bakit natanong pa 'yon ng mga kaibigan ko no'ng nag-truth or dare kami.

'Hindi pa ang isinagot ko sa kanila dahil gusto ko ring makita ang reaksyon ni Cael. Gusto kong malaman kung totoo 'yong sinabi ni Roly. Nadulas kase siya no'n at nasabing may gusto sa'kin si Cael.

Sobrang gusto ko no'ng nalaman kong gusto niya rin siya sa'kin at nagbalak pa na liligawan na siya pero naduwag ako.

Dismayado akong pumunta sa Food stall namin at nakita kong nando'n siya. Nagliligpit ng mga gamit. Mukhang kakaubos lang ng tinda nila.

Pinagmasdan ko siya mula sa kinatatayuan ko. Naka-P.E uniform siya ngayon at may apron pa ring suot. Nakatali rin ang buhok niya at kahit na medyo pawisan ay ang ganda niya pa ring tingnan.

She's really pretty. Kahit madalas ay hindi niya 'yon nakikita. Sobrang ganda niya. Simula nung makita ko siya no'ng magpa-enroll kami ay nagkagusto na ako sa kaniya. At unti-unti ko rin siyang nakilala. Mabait siya at palatawa rin. Matalino at talagang active sa klase. Pero madalas ay tahimik siya at nakasimangot din. Private siyang tao at ni minsan ay hindi pa namin siya natanong tungkol sa pamilya niya. Mukhang ayaw niya rin namang pag-usapan kaya nanahimik na lang din kami.

Just staring at her right now makes me think na sobrang suwerte ko kapag naging girlfriend ko si Cael. Gustong-gusto ko na siyang ligawan pero kahit nga magkatabi lang kami ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Pa'no pa kaya kapag tinanong ko na siya kung puwede ko siyang ligawan. Baka mamatay na ako.

Napabuntong hininga pa ako bago lumapit sa kaniya at nagtanong.

"Hindi ka nakanood ng laro Cael?" Obvious na tanong ko at halos makagat ko na ang dila ko sa sobrang bilis ng heartbeat ko.

Nag-angat siya sa'kin ng tingin at blangko pa rin ang mukha niya.

"Ah, na-busy kase kami kanina, madaming bumibili. Kamusta naman ang laro niyo?"

"Talo kami" nag-sad face pa ako at nagulat ako ng may kinuha siya sa bag niya. Graham balls 'yon.

Did she purposely keep this graham balls for me? How sweet (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)

"I hope this will make you feel better. Kapag malungkot ako, kumakain ako ng sweets"

Siyempre naman, galing sa'yo. 'to e.

Kinuha ko 'yon at ngumiti sa kaniya.

"Thank you Cael, sana makanood ka sa sunod na laro para sure win na"

Ngumiti sya sa sa'kin at bumalik na rin sa pagliligpit. Tinulungan ko siya at ilang sandali lang ay dumating na rin sila Renz.

Lumapit si Cael sa kanila at nag-abot din ng Graham balls.

Bumagsak ang balikat ko.

'kala ko special na 'ko hmp. Assuming mo talaga Jan Vin Domingo!!

Nag-aya si Renz na pumunta sa kanila dahil nagluto raw si tita Riza.

Sus, nagpapalakas lang 'to kay Cael e.

"Tss" napairap ako sa sa hangin

Halos lahat sila ay pumayag na pupunta kila Renz puwera lang kay Cael na susunduin daw ng ate niya sa terminal.

Ako? No choice akong pupunta kina Renz dahil nando'n pa ang mga gamit ko. Gusto ko sanang ihatid pa si Cael kaso naalala ko wala pa akong kotse o motor kaya I just shut my mouth.

Nagpaalam na rin siya sa'min at pinagmasdan ko na lang siyang papalayong naglalakad.

Soon Cael, maihahatid din kita sainyo.




THE DISTANCE BETWEEN USWhere stories live. Discover now