Naglalakad na kami ngayon sa hallway kasama sila Andy, Raine, Alira, Renz, Koby, Andrew, Janjan, at si Roly na matagal ko nang hindi pinapansin.
Manigas siya.
Bitbit ni Renz ang mga gamit ko at nakasukbit naman ang bag ko.
Si Janjan naman kanina pa kinukulit si Renz na siya na raw ang magdadala kaya napapairap na lang ako.
Tinatawanan naman siya nila Raine dahil mukha raw itong batang nagmamaktol.
Parang tanga lang
Hindi naman kalayuan ang bahay ni Renz sa school kaya nakarating kami agad sa kanila. Agad kaming sinalubong ng mommy niya at nagmano ako.
Ang ganda ng mommy niya.
May kalakihan ang bahay nila Renz, may second floor 'yon at may garahe rin. Itinuro sa'kin ni Renz ang kuwarto na tutulugan namin ng mga kaklase ko kaya inayos ko na rin ang gamit ko.
May banyo na rito sa loob ng kuwarto kaya hindi na kami mahihirapang maligo bukas.
Bumaba ako ng hagdan at hinanap si Renz. Naabutan ko sila ng mommy niya sa kusina na nagtatawanan kaya napangiti ako.
Ang ganda nilang panoorin. Mukhang close na close sila ng mommy niya.
"Jia, hija come here" aya ni Tita Riza nang mapalingon sa'kin.
Lumapit ako at naupo sa tabi ni Renz.
"Malapit na ring matapos 'tong niluluto ko, makakakain na rin tayo maya-maya"
"Ang saya niyo pong panoorin" nakangiting sabi ko kaya napalingon si Tita Riza at Renz sa'kin.
"Naku hija ito kase si Renz, napaka-sweet na bata. He's just naughty sometimes" natatawang ani ni tita.
"Mom!" Namula si Renz.
Natawa ako. Ang cute nila.
"Oh wait! Ang cute niyo diyang dalawa. Picturan ko kayo" excited na sabi ni tita sabay kuha ng cellphone niya.
"Mom, stop. Nakakahiya"
"No, it's okay" sabi ko kay Renz.
"Oo nga naman anak, ngayon ka lang nagdala ng kaibigang babae rito sa bahay. Isang picture lang"
Itinapat niya ang cellphone sa'min kaya nag-peace sign na lang ako at gano'n din si Renz.
Tuwang-tuwa si tita Riza at ibinalik ang cellphone sa bulsa niya.
-------------------
3:00 na ng hapon at wala pa sila Raine kaya nanood muna kami ng movie.
May nag-door bell sa labas kaya dali-dali kaming lumabas ni Renz para tingnan kung sino 'yun.
At nalaglag ang panga ko nang makita kung sino-sino 'yon. Hindi lang si Raine at Andy ang nandito. Nandito rin sila Andrew, Alira, Roly, Koby, at Janjan.
What the hell are they doing here?
"They insisted to come with us, tutulong daw sila" parang dismayadong sabi ni Andy.
Napaawang ang labi ko ng makita si Janjan na ang sama ng tingin kay Renz.
Ano na naman kayang problema nito.
"Hindi mo ba kami papapasukin? Hello?" Sarkastikong sabi ni Janjan.
Pinapasok namin sila at itinuro ko ang kuwarto na pagtutulugan namin nila Raine. Sa kabilang kuwarto naman ang mga boys.
Wala na kaming sinayang na oras nang matapos silang magligpit ng mga gamit nila. Nagsimula na agad kaming magluto at buti na lang nandiyan ang mommy ni Renz para i-guide kami sa ginagawa namin.
Kami ni Andrew, at Renz ang gumagawa ng Graham balls. Habang si Andy, Roly, at Janjan naman ang gumagawa ng yelo para sa halo-halo. Si Janjan, Raine, at Alira naman ng nagbi-bake ng cupcakes. Nando'n naman si Tita Riza kaya okay na.
Halos lupaypay na kami nang matapos at 11 pm na pala. Bale 350 na Graham balls ang nagawa namin, 50 pirasong yelo, at 100 pieces na cupcakes ang na-bake.
Umakyat na ako sa taas at nag-shower ako dahil feeling ko ay amoy pawis na ako.
I'm now wearing pajamas and a cute frog headband. Dumiretso ako sa kama at nahiga ro'n. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone. Alarm clock ko 'yon.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang 5:45 am na ng umaga. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang tulog pa si Raine. At nasa baba naman si Andy at Alira na parehong tulog pa rin.
D
ahan-dahan akong umalis ng kama at kinuha ang tuwalya ko para makaligo na.
Do'n na rin ako nagbihis at nakasuot na ako ngayon ng P.E uniform.
Chess lang naman ako so 'di ko na kailangan ng ibang sports wear.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong gising na rin sila at nag-uunat pa kaya binati ko sila.
"Good morning"
"Good morning Jia, ang aga mong nagising" sabi ni Alira at naghikab pa.
Pagkatapos naming mag-almusal ay hinakot na namin ang mga gamit na dadalhin sa school at inilagay 'yon sa Van. Ihahatid daw kami ni tito Lorenzo, papa ni Renz.
7: 30 nang makarating kami sa school at nakitang marami nang students ang nando'n. Inilagay na namin 'yung mga pagkain sa stall namin at inayos ang mga pagkakalagay nito.
8:00 am ang start ng program at 9:00 am naman ang laban ko sa chess.
May lumalapit na agad sa'ming mga students na bumibili kaya naabala rin kami.
Pumasok na ako sa room kung saan kami maglalaro at nando'n na ang instructors at students.
Bale 3 Grade 11 vs tatlong Grade 12
GAS 11 VS. HUMMS 12
STEM A 11 VS. GAS 12
TVL 11 VS. ABM 12Nag-start din ang laro at we only have30 minutes to finish the game.
White sa'kin at black sa kalaban ko. Sa una ay nahirapan pa akong hanapan siya ng butas pero nakita kong hindi niya nakikita 'yung ibang moves na ginagawa ko kaya nakain ko ang queen niya.
Nag-castling ako nang makita kong i-che-check niya ang King ko gamit ang bishop.
I only have 15 minutes left at 11 minutes naman sa kanya.
Masyado siyang focus sa pag-checkmate sa'kin kaya hindi niya na napapansin ang unti-unti kong pag-corner sa King niya and boom!
Checkmate!!!
The game has finished and I won the match.
Nag-shake hands kami at binati naman ako no'ng instructor.
Hinintay ko ring matapos ang iba at in the end, HUMMS 12 at ABM 12 ang nanalo.
Nag-picture kami at bukas pa raw ang awarding nito.
Nagpasalamat ako sa kanila at masayang lumabas ng room para tingnan sila sa labas.
YOU ARE READING
THE DISTANCE BETWEEN US
Romance"I don't know if it's still right but I don't care, I love you Cael"