" Marry Me, Your Majesty "
Oneshot TakuranMga bagay na hindi mo inaasahan ang s'yang dumarating. Tulad ng ihip ng hangin... Tulad ng butil na patak ng ulan... Tulad ng lalaking minsan aking nasilayan... Ngunit nanahan sa aking isipan... Paulit ulit na ninanais makita... hindi lang minsan...
"Ano at nariyan ka na naman? Sino ba ang tinatanaw mo sa bintana? Panakaw nakaw ka ng sulyap... Huh? Kirino? "
Napangiti nalang ako sa sinabi sa akin ni Midori.
"Wala naman... Tinitignan ko lamang ang bisita ni ama..."
At doon nangunot ang kanyang noo.
"Hah, h'wag mong sabihin na ang Ryouma na 'yon ang tinitignan mo?! Nako Kirino... Wag... Labis na nakakainis ang lalaking iyon! Prinsipe? Hah... Prinsipe ng kalokohan kamo!"
Natawa ako sa sinabi ni Midori. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko...
Pero kahit na para s'yang galit... Bakit may bakas ng pula ang kaniyang mga pisngi? Hindi ko na lamang ito pinuna.
Dahil sa pagtawag palamang niya kay prinsipe nishiki... Batid ko na ang lahat...
"Hindi... Iba ang tinitignan ko. Ni hindi ko nga alam ang kanyang ngalan..."
"Hmm? At sino naman dyaan ang pinapatukoy mo?"
"Ang lalaking may kulay alabok na buhok..."
Tumingin si Midori sa bintana at winika.
" Ah... Si Shindou ba?"
"Shindou...?"
Kay gandang pangalan... Shindou... Iyon pala ang kanyang ngalan...
"Oo... Naikwento s'ya ni Ryouma sa akin... Hindi mo ba tanda? Siya ang tumugtog ng napakagandang musika kahapon"
Lalo akong napangiti...
Tama... Hindi lang magandang mukha ang mayroon siya... Talino at talento... Sadyang nakakahanga...
" Bakit hindi ka makipag usap sa kanya? Ang alam ko ay hanggang ngayong araw nalang sila bibista sa palasyo..."
Tila yata ay lumungkot ang aking diwa... Ang bilis naman... Aalis na sila kaagad?
" Gusto mo samahan kita?"
Umiling ako. Gustuhin ko man... Mali na maunang kumausap sa lalaking hindi ko naman kakilala...
Pero...
Kahit isang beses lang... Nais ko sana na... Makausap sya...
"Tamang tama, nangako si Ryouma sa akin na ibibigay niya ang pinangako n'yang espada. Gusto mo ba akong samahan?"
...
"Ikinagagalak ko na makilala ka... Prinsesa Kirino"
Ang puso ko... Puno ng galak...
"Seto, naiwan ko ang ibibigay ko sayo sa karwahe. Maaari mo ba akong samahan?"
" Ako nalang ang kukuha-" siniko ni prinsipe nishiki si prinsipe shindou.
" Samahan mo na lamang si prinsesa kirino. Kung ito may maaari lamang sayo... Prinsesa kirino..."
" Ah... " Hindi agad ako nakasagot. Si midori na ang s'yang umoo para sa akin...
At ngayon...
"Maraming salamat sa iyong magagandang salita... Prinsipe shindou..."
"Kahit shindou na lamang ang itawag mo sa akin... Prinsesa kirino..."
![](https://img.wattpad.com/cover/194546398-288-k925393.jpg)
YOU ARE READING
IEGO Stories by Neechan
Short Story♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ This story is all about inazuma eleven go fanfictions. Shippings.. stories.. sweet.. couple.. sad.. shot stories all about inazuma characters ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ Taglish po ito. Some are tagalog and some are English mostly.. tagalog.. sal...