Pass it Forward

9 0 0
                                    

○•♡○Pass it Forward•♡•○
~~~~~~IE&IEGO~~~~~~

^^^^^

Minsan na akong nangutya. Nanghusga. Nagsalita ng masasama. Minsan na akong nakakita ng mga taong kailangan ng tulong. Pero... ako? Wala akong ginawa.

Para sa akin. Ano naman? Wala akong pake.. wala naman silang maitutulong sa akin eh.. bakit ko sila tutulungan?

Isang araw. Nakakita ako ng batang lalaki. Tumatakbo sya at hinahabol ng isang matandang lalaki.

Man: hoy!! Tumi-tumigil ka magnanakaw!!

At nahuli nya ang bata.

Nagulat akom may lungkot sa mata ng bata. Nakita kong.. isang plastic ng pagkain ang ninakaw niya. Tinapay.. tubig.. at kung ano ano pa.

Endou: so-sorry po.. 

Mangiyak ngiyak niyang sabi. Habang hawak sya sa kwelyo. Akma na syang susuntukin ng matanda ng tumakbo ako at   sumigaw para di sya masuntok.

Binitawan ng matanda ang bata at bumagsak ito sa sahig. Nangingiyak.

Man: sino ka ba? Huh?

Nagpakilala ako. Sinabi ko na babayaran ko sya kapalit ng di nya pagpapakulong sa bata at pagbigay ng ninakaw nito.

Man: tch.. maswerte ka.. wag ka nang babalik sa tindahan ko. Magnanakaw!

Naupo ako at kinausap ang bata.

Me: hello?
Endou: h-hi... why.. ? Why did you help me?
Me: kasi.. kailangan mo ng tulong.
Endou: pero.. di mo naman ako kilala. O kaano ano.. bakit mo ko.. tinulungan?

Napangiti ako

Me: minsan.. kumikilos ang tao bas lang sa nais nila. Kumikilos ang tao base sa kung anong gusto o nais ng puso. Naramdaman ko. Hindi ka masama.
Endou: eh pano kung masama ako?
Me: mabuti ka. Alam ko.. ramdam ko.
Endou: hmm..
Me: bakit mo ba yon nagawa?
Endou: ganito po kasi... yung kapatid ko po... may sakit  kailangan nya ng pagkain. Pero.. wala sila mama. O si papa.. hindi ko sila makontak. At.. hinang hina na ang kapatid ko. Kailangan nyang kumain dahil nagugutom na sya. Wala kong mahiraman.. o malimusan.. kaya.. napilitan akong magnakaw.. para sa kanya.. ng maibsan ang gutom nya..

Napangiti ako.

Me: kay buti mo.. pero mali paralin ang ginawa mo.
Endou: opo.. alam ko po..
Me: wag mo ng uulitin yon ah? Hm..
Endou: endou. Mamuro endou po..
Ngumiti ako. Hawak ko ang bola ng soccer na gamit ko kanina sa practice.

Me: alam mo.. ang buhay ng tao.. parang paglalaro ng soccer.

Napatingin sakin ang bata.

Endou: huh? Ano naman pong connect nun sa buhay ng tao??

Ngumiti ako at hinawakan ang bola habang nilalaro ito sa kamay ko

Me: kapagnaglalaro ka.. maaaring nasa iyo ang bola. Pero.. hindi magiging soccer and soccer kung hindi mo ito ipapasa sa iba. Minsan kailangan natin gumawa ng mabuti ng walang hinihinging kapalit. Dahil gaya ng soccer. Pag pinasa mo ang bola.. hindi naman laging sayo ipapasa ng pinasahan mo ang bola. Babalik ang bola sayo.. hindi man mula sa kanya. Mula sa iba.

Natulala ang bata. Naintindihan nya ang sinasabi ko.

Endou: kaya.. po kung may ginawa kang masama sa iba.. un ang babalik sayo. Kung may ginawa kanng mabuti.. kabutiban ang babbalik sayo..

Nakayuko nyang sabi. Tumango ako at itinaas ang baba nya.

Me: wag kang yumuko. Stand straight. Be brave. You can do it.

At nasilayan ko ang ngiti nya.

Endou: maraming salamat po!

Yumuko sya. Napangiti ako.

Me: basta.  Promise me.. na.. hindi mo makakalimutan to.

Inabot ko ang soccer ball sa kanya. May nakasulat doon na..

"Pass it forward"

Endou: salamat po. Ill always remember that po.

*time flies*

Kumukulo na ang tyan ko. Kanina pa kong umaga walang kinakain. Wala naman akong pamilya o kakilala.. na kukupkop sa akin... naluluha ako.. sa kinahantungan ko. Dati.. ako ang tumutulong pero bakit.. ngayong kailangan ko ng tulong...

Tenma: hello po.
Me: hmm bakit,

Inabutan nya ako ng pagkain.  Napangiti ako.

Me: sa.. salamat. Napakalaking tulong nito. Kanina pa ko walang kinakain.. hulog ka ng langit ijo..

Mangiyak ngiyak kong sabi.

Me: pagpalain ka ng Diyos..
Tenma: wala pong anu man. Binabalik ko lang po ang tulong na ibinigay sa akin. Kasi sabi po niya.. "Pass it forward" kaya po... kung may maitutulong pa po ako. Sabihin nyo lang po.

At lalong nagliwanag ang ngiti ko. May mga tao pa talaga.. na.. mabubuti ang puso at kalooban.

Always remember.. to

"Pass it Forward"

The end.

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now