Im Back

105 5 0
                                    

°•I'm Back•°

"Pag umalis ka... wag.. na wag.. ka ng babalik" nangangatal ang boses ko ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Mga katagang ni minsan.. hindi ko naisip na lalabas sa aking bibig.

"Aoi..." nagmamakaawang sabi sa akin ni tenma.

Umiling ako. Tama na.. ayoko na. Pagod na kong laging nag hihintay.. aalis sya at ilang araw... .. buwan.. at minsan pa ngay taon bago sya bumalik at magpakita.

Lagi nalang ako nag iisa.. naiiwan.. naghihintay..

Kapag kaya ako ang umalis... hintayin rin kaya nya ako?

"Aoi... pakiusap.. wag mo naman akong papiliin..." hawak nya ang aking kamay habang nakaluhod. Napangiti ako ng mapait.

Ibig sabihin.. hindi mas mataas ang pagmamahal nya kesa sa pag alis nya..

"O sya.. sige. Ako nalang ang aalis."

Hindi ako nagpapigil. Binilisan ko ang pagkilos dahil baka sa kahit ilang segundo na pananatili ko dito.. lalo lang bumigat ang dibdib ko at di sya magawang iwan.

Umalis ako.. ng hindi lumilingon. Dahil baka pag nakita ko ang mukha nya... magbago ang isip ko.

Umalis ako ng hindi sya pinapakinggan. Dahil baka pag ginawako iyon.. bumigay ako at hindi sya matiis.

Umalis ako. May baon na pighati sa aking puso.. lalo na ng mabasa ko ang mga kataga na tinext nya sa akin.

"Aoi.. naghihintay ako"

Lumipas ang ilang araw... at nauwi ito sa 2 taon. Hindi ko parin sya malimutan...

Napahawak ako sa puso ko.. "ikaw parin ang laman nito.. tenma.."

Napaisip ako.. kung babalik ba ako? Panahon na siguro..

Kamusta na kaya sya? Hinihintay parin ba nya ako? Siguro... hindi.. pero.. baka oo...

Umuwi ako. May baon na kaba.

Umuwi ako. Pauwi sa kanya.

Umuwi ako. Ako kaya'y hinihintay nya?

Pagharap ko sa aming tahanan.. kagaya parin ito ng dati. Parang walang nagbago..
Nagdoorbell ako.
At ng buksan ko ang pinto.. nakita ko si tenma..
Natulala... luhay untu unting bumaba..

"Im home...." naluluha kong sabi. Niyakap nya ako at.. sa gitna ng paghikbi..

"W-welcome home. Aoi"

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now